Share

Ikapitong Kabanata - Ang Kasalan

"Aoi!" masiglang tawag sa akin ni Kenji.

Mas lalo naman na lumawak ang ngiti ko nang makita ko siya. He’s now wearing the white suit we picked for him when we went to the wedding boutique last time.

Kenji is one of my cousins, but I consider him not only as my cousin but as my brother. When I needed someone the most, he was there for me. He was the only person who tolerated my horrible hobbies and unreasonable personality. Seeing him in his white wedding suit makes me want to cry.

"You look handsome," I complimented him.

Omega originally had a fair, porcelain-like complexion, which made Kenji even more elegant and graceful. Partnering with his leadership ability, despite being an omega, makes him more powerful. Only by looking, no one could mess with him.

I watched him grow up, and seeing him get married makes me feel like I’m going to marry my omega son.

"Aoi, are you okay with this?" he asked, worriedly.

Alam ko na kaagad ang gusto niyang sabihin kaya naman nginitian ko siya. "Kahit naman ayaw nila sa akin, wala naman silang magagawa. Isa pa, ikaw ang nag-imbita sa akin hindi sila. Why would I feel worried or affected?"

He solemnly looked at me, then sighed. "Fine." He took my hand and smiled at me. Naramdaman ko naman ang panginginig ng kamay niya. "If ever you feel uncomfortable, just leave, okay? I-text mo na lang ako kung umalis ka, naiintindihan mo ba?"

Tumango naman ako. I patted the back of his hand. "Yes, I understand. You don’t have to be nervous," I told him and then hugged him. "I’m really proud of you, Kenji. Despite being recessive, you found your fated mate. You deserve it more than anyone else."

I heard him sniffle a little. Napaalis naman ako sa pagkakayakap. "Don’t cry. Baka mamaya isipin ng iba na binully kita," natatawa ko na sabi. "Congratulations on your wedding, cousin."

He smiled widely at me. "Thank you, big brother Aoi."

We talked for a little longer, and then I left. Hindi naman kasi ako pwede magtagal doon dahil maya maya pa ay tatawagin na rin siya to walk to the ailes.

Nang makarating ako sa loob ay napansin ko naman na marami nang tao. Dahil galing na rin naman ako rito kanina nang wala pang tao, alam ko na kung saan ako at ang circle ko naka-upo. Since we’re Kenji’s circle members, we have priority. Also, given na pinsan din ako ni Kenji, talagang polite ang iba sa akin.

Habang naglalakad ay nararamdaman ko ang matatalim na tingin, and for sure, na galing ito sa mga mata ng pamilya ni Takeru. Hindi ko alam kung anong nangyari o kung may nagawa man akong hindi maganda para mangyari ito. I mean, dahil lang bas a wala akong magandang family background sa kanilang pag-imbistiga ay gaganitohin na nila ako? They are more unreasonable than I am.

"Aoi!"

Naalingo naman ako at mas lalong napalawak ang ngiti ko nang makita koa ng ilan sa mga pinsan naming ni Kenji.

"The hell, Aoi, bakit ngayon ka lang nagpakita sa amin? Balita ko ay noong nakaraan ka pa nakauwi." Napangiwi naman ako nang magsimula nang magsalita nag nakakatanda naming pinsan na si Kuya Luie.

"Big brother Luie, may inasikaso pa po kasi ako." Napakamot naman ako sa ulo ko.

Pinagalitan pa ako ng mga nakakatanda kong pinsan at ang mga nakakabata naman naming pinsan ni Kenji ay sinuportahan ang mga nakakatanda naming pinsan. Ang galing naman, pinagkaisahan ako.

"Sige na, magpunta ka na sa circle table mo. Alam naman naming ayaw mo na may makaalam kung sino ka," nakangiting sambit ni Kuya Rob saka kumindat sa akin.

Parang gusto ko sakalin itong mga ito. Alam pala nila pero sabay sabay pa rin silang nagsipuntahan sa akin at kinausap ako. ‘Yung totoo?

After ko na makipag-usap sa mga pinsan ko ay isa isa ko naman na nakasalubong ang mga magulang nila. Isa isa rin naman nila akong pinagalitan at binigyan ng advice. In the end, sinabihan nila akong umuwi rin dahil sa nag-aalal sina mommy at daddy sa akin.

Napayuko pa ako nang pinapagalitan nila ako pero alam ko naman na tama sila. "Opo, uuwi po ako kapag day-off ko." Ngumiti ako sa kanila.

Lahat sina tito at tita ay napabuntong hininga na lang dahil alam nila kung ano ang ugali ko. Wala kasing makakapagpabago sa akin kung ganito ang desiyon ko at natakot din sila na baka mamaya ay umalis din ako at hindi magsabi sa kanila gaya ng ginawa ni Kenji noong gulong gulo siya sa relasyon nilang dalawa ni Kenji.

"Wow, grabe ang traffic na dinaanan mo," pang-aasar sa akin ni Kasumi nang makarating ako sa table namin.

Mahina naman akong natawa. "Expected ko na naman na mangyayari ito hindi ko lang talaga kaalin na magiging ganito pala ka-hectic."

Natawa sila pero napansin ko naman si Daisuke na hindi tumawa at sobrang seryoso. Napakunot naman ang noo ko saka nagtanong, "May problema ba, Daisuke? May napapansin ka ba?"

Daisuke flinched and then looked at me worriedly. "Hindi ko alam kung anong nangyari pero ang grupo hindi kalayuan sa atin sa may bandang kanan ay parang gusto ka nang patayin. Kung nakakamatay lang ang tingin nila ay siguradong lamay ang meron ngayon hindi kasal," sambit niya.

Napakunot naman ako. "Sino?"

Lilingon na sana ako nang pigilan ako ni Rayle. "Ang pamilya lang iyon ni Takeru," sambit niya at kaagad ko rin naman ito naintindihan.

"Oh, sila lang pala."

Kumunot si Daisuke. "Bakit ganiyan sila makatingin sa ‘yo? Impossible naman na may ginawa ka sa kanila. For sure, sila ang may kasalanan," kaagad naman na sambit ni Daisuke.

Nakita ko na napayukom ang kaniyang mga kamay kaya naman hinawakan ko ito at sinabing, "Sasabihin ko pagnag-meeting tayo. Hindi ito ang oras para pansinin ang walang kwentang mga tao. Sa ngayon kailangan natin na bigyan ng magandang kasal sina Kenji at Ryosuke."

Kaagad din naman nawala nag masamang aura sa mga ka-member ko at lalong lalo na kay Kasumi nang sabihin ko iyon. Ayaw naming masira ang pinakahihintay ni Kenji na araw at sa oras na ito ay magiging isa na talaga sila mapa-bond man o legal na paraan.

Supporting him is the only thing we can do for him.

Hindi na nagsalita pa ng hindi magaganda sina Daisuke at nag-improve na rin naman ang mood ni Kasumi. Si Haru naman ay nakangiti habang nakikingi sa kwento ni Rayle kina Daisuke at Kasumi. Seeing them like this really warms my heart.

Napakimbig naman ako nang maramdaman ko ang isang pamilyar na pakiramdam. Napakumo ang kamao ko at saka ako pumikit. Pinilit ko na kalmahin ang sarili ko. Bago ako magpunta rito ay nagturok ako ng limang special inhabitors dahil alam ko na narito siya at ayako na masira ko ang araw ni Kenji. Hindi ko hahayaan na may masabi sila sa akin at lalong lalo na kay Kenji.

Napalingon ako sandal at nahagip naman ng tingin ko ang pigura ni Takeru na nakatalikod sa akin at nakikipag-usap sa magulang niya. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero sa tingin ko hindi iyon maganda dahil hindi rin maganda ang ekspresyon ng mga mukha ng kaniyang magulang. Nahagip naman ng tingin ko ang sa mga kapatid ni Takeru at tama nga si Daisuke, nakakamatay nga ang tingin nila.

Nakikita ko na nagtataka sila dahil nandito ako, let alone nakaupo ako sa special table. Kung gagamitin nila ang utak nila ay siguradong maiisip nila na part ako ng circle ni Kenji. Pero dahil sa mga utak nila ay utak talangka, siguradong hindi nila iyon naisip at nagagalit sila dahils a marami akong kilalang taong may mga matataas na katungkulan.

Paano ko nalaman? Hindi kasi nakawala sa tingin ko ang mga tingin nila habang kausap ko ang mga pinsan ko sa Parella pati na rin ang mga tito at tita ko sa Parella family. Para sa kanila, isa lamang akong mababang klaseng omega na nabigyan ng pagkakataon na maging part ng circle ni Kenji. Para sa kanila wala pa ring mas mababa sa akin.

"Aoi," tawag sa akin ng isang lalaki.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko si kuya na nasa harapan ko. "Big brother…" mahina ko na sambit.

Hinigit niya ang upuan na nasa pagitan naming dalawa ni Haru at naupo sa tabi ko saka humarap sa akin. "Nakita ko na nakausap mo na sina tito at tita ngunit hindi ka pa rin pumunta sa amin para kausapin kami. Papaiyakin mo ba si Mommy?"

Napanguso naman ako at umiling. "Hindi ko lang gusto ng atensyon—"

"Aoi." Napaupo naman ako ng deretso nang marinig ko ang warning ni kuya sa pagtawag sa pangalan ko. "Umuwi ka mamaya, naiintindihan mo ba?"

Tumango na lang ako dahil alam ko naman na hindi ako mananalo kay kuya. Ang kaninang nakasimangot niyang mukha ay bigla rin namang umaliwalas nang makitan iyang tumango ako.

"Hihintayin ka namin," nakangiti niyang sambit at saka nagpaalam kina Kasumi.

Nang makaalis si kuya ay napabuntong hininga naman ako. Narinig ko naman ang mahina na pagtawa ni Haru, kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ka talaga nananalo kay Kuya Kei, ano?" natatawa nitong sambit.

I rolled my eyes. "Kung gusto ninyong tumawa ay gawin na ninyo. Bukod kay Daisuke ay sigurado naman akong laman na ninyo kung bakit hindi ko magawang sumagot kay kuya Kei, di ba?"

Napatikom naman ng kanilang mga bibig sina Haru, Kasumi, at Rayle. Maliban kay Daisuke na nagtataka at naku-curious ay nakita ko naman ang takot sa mukha ng tatlo. I snorted. Ang lakas mang-asar ng mga ito isa rin pala sila sa takot kay Kuya Kei.

Si Kuya Kei ay isang alpha at ang pinaka nakakatanda kong kapatid. Hindi lang ako ang natatakot sa kaniya kundi pati na rin itong mga ka-circle ko. Bakit? May nangyari kasi noon na talagang ikinatatak sa isipan naming lahat.

Third-person point of view

Nanggagalaiti naman sa inis ang mga magulang ni Takeru at sa inggit naman ang mga kapatid nito. Nakikita nilang maraming kakilala si Aoi sa mga nasa upper class at hindi nila ito maintindihan. Isa lamang ordinaryong omega si Aoi at hindi nila gusto na makitang mas maraming kakilala ito at mas malawak ang koneksyon niya.

"Mom, nakita mo iyon? Inismiran niya ako!"

"Mom, kung hindi natin bibigyan ng leksyon ang omega na iyon hindi ako mapapanatag."

"Dad, pwede bang akin na lamang ang omega na iyan? Wala naman sigurong pinagkaiba since iniwan na siya ni Takeru, di ba?"

Sinamaan sila ng tingin ng kanilang mga magulang.

"Tumahimik kayo. Kung hindi kayo marunong tumahimik umalis na lang kayo. Hindi ba ninyo pipigilan iyang mga bibig ninyo? Maraming tao tapos nagsasalita kayo ng ganiyan?" binigyan naman ng kanilang ama ang kaniyang mga anak. "Bukod kay Takeru ay puro kayo useless," dagdag nito.

"Honey, huwag ka naman—"

"Adora, baka nakakalimutan mo, hindi tayo rito para sa omega na iyan. Isa pa, did you already forget the thing you agreed with Takeru when he broke up with him? Kung oo, ipapaalala ko sa ‘yo, we shouldn’t mess with or touch that omega, or else Takeru will surely turn his back on us completely. Understood?"

Dahil sa warning ng ama ni Takeru ay napayukom na lamang ang mga anak nito at napatikom naman ng bibig ang kaniyang asawa at saka tumango tango. Alam ng ama ni Takeru na hindi madaling kausap ang kaniyang anak na si Takeru at kung hindi lamang useless ang iba niyang anak ay siguradong hindi niya hahayaan na mapasakamay ito ni Takeru.

That alpha needs to be watched. Takeru stopped treating us as his parents the moment we told him to break up with that omega. Seeing that Omega’s connection is wider than Shion's makes me feel bad. He makes me lose some face.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status