Share

Kabanata-6 Eutanes

POV- Issa

  Muntikan na ako don ah, sakit sana sa pwet non kung nagkataon.

  "Okay ka lang ba Miss!" bakit hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo nabangga mo tuloy ako bulag kaba?" sagot ng lalaki.

  Guwapo na sana sayang ang yabang lang dahil sa inis ko kaya tinarayan ko sya.

  "Oo bulag ako hindi nga kita nakikita. Hindi ko nakikita yang mukhang garapata mong pagmumukha. Makapag sabi ka sa akin ng bulag akala mo ikina gwapo mo, ikaw itong nakaharap sa paglalakad sana ikaw na ang gumawa ng paraan para nakaiwas ka. Di iyong sasabihin mo sakin na binangga kita. Pa victim kang masyado," sagot ko sa kanya.

  "Hi Mr.Yummylicious makawet ng panty, Anong pangalan mo?" maarteng tanong ni bisugo.

  Aba't ang bisugo nagawa pang tanongin itong lalaki at ano daw Mr. yummylicious tumatalandi ang mangkukulam.

  "Ako si Eutanes Titini," pakilala ng lalaki.

  "Ako naman si....

  Hindi naituloy ni bisugo ang pagsabe nya ng pangalan ng magsalita ang grupong WEAK.

  "Babalikan ka namin impaktita, babalikan ka namin tandaan mo yan!" sigaw nong Robilyn.

  "Hoy mga weak hintayin ko yan, pero wag nyong tatagalan mainipin pa naman ako. Baka magulat na lang kayo nasa harapan nyo nanaman ako at nilalampaso nanaman yang pag mumukha nyong lahat na mukhang isinumpa ni satanas!" sigaw din ni bisugo.

  "Nasaan na nga ba tayo?" Nakalimotan kona bweset kasi mga yon. Mahihinang nilalang lakas ng loob kalabanin ako mga iyakin naman kapag pinatulan kona," wika ulit ni Bisugo.

  "Tara na Aria, Szarina pasok na tayo maaga ngayon papasok si Ser," pag aya ko sa dalawa.

  "Hmmmm, Ms. Anong pangalan mo? tanong ni Eutanes sa akin.

  "Wala akong pangalan. Pagkatapos mo akong sabihan ng bulag tatanongin mo kung anong pangalan ko?" pagtataray ko sa kanya sabay hila sa kamay nila Aria at Szarina.

  Iniwan nanamin ang lalaki na nag ngangalang Eutanes.

  Nagsimula na ang klase namin at nagbigay lang ng ilang pagsusulit si sir, at ganun din sa mga ibang guro namin.

  Natapos ng maaga ang klase namin at uuwi na kami ng lumapit sa amin si Chyrll at Rasselle.

  "Hi Isadora!" Aria, Szarina. Pwede ba namin kayong ayain mag kape!" sa Chyselle Coffee shop d'yan lang sa pagkalabas ng Campus naten, libre namin kayo ni Rasselle," pag aya sa amin ni Chyrll.

  "Sa akin wala naman problema kung sasama ako sainyo. Iwan ko lang dito sa dalawa, kung gusto nilang pag unlakan ang inbitasyon nyo sa amin," sagot ko.

  "Oo naman okay lang sa akin para naman makatipid ako sa meryenda, sayang din yong thirty pesos na magagastos ko. Ibibili ko na lang ng daing na tuyo at itlog para may pang almusal kami bukas ng umaga. Seguro naman hindi lang kape ililibre nyo sa amin diba. May Oras pa naman ako bago ako pumasok sa trabaho ko," sagot din ni Aria.

  "Ako din sama ako total wala naman ako gagawin sa dorm pag uwi namin ni Isadora," sagot ni Szarina.

  "Tuwang-tuwa sina Chyrll at Rasselle sa pag payag namin.

  Nang nasa Loob na sila ng Chyselle Coffee shop ay binati ng mga empleyado sina Chyrll at Rasselle.

  "Good Afternoon ma'am Chy at ma'am Selle," sabay sabay na bati nila.

  Kami naman tatlo ay nagkatinginan. Magsasalita na sana si Rasselle para mag paliwanag sa amin. May biglang sumigaw na costumer at galit na galit.

  "Manong kung umupo kana lang sana d'yan sa upuan at hindi kana nagpaalam di sana hindi ako natalo sa games ko!" Mindset ba mindset nakita at naririnig mo naman seguro na naglalaro ako panay ang excuse me mo, ayan tingnan mo defeat namatay ang hero kung si Fanny. Isang round na lang sana para maging MYTHIC na ako natalo pa ako dahil saiyo!" sigaw ng babae.

  "Sorry Ms, diko napansin," paghinging paumanhin ng lalaki.

  "Ewan ko saiyo makaalis na nga," sagot ng babae.

  Kami naman ay niyaya sa magandang ambiance. Umakyat kami sa 2nd floor at sa hagdan kami dumaan. Maganda daw kasi kapag sa hagdan ka dumaan kaysa sumakay sa elevator. Tama nga sila napapawow kaming tatlo sa sobrang ganda ng view. Makikita sa glass wall ang labas na maraming kung ano anong tanim na bulaklak, at may fishpond pa na pwede ka mamingwit style paradise ang labas ng coffee shop nila.

  "Chyryll parang ang sarap naman dito tumambay at lumanghap ng hangin nakakapag relax, nakakatanggal ng pagod," sambit ni Szarina.

  "Oo nga kahit papaano makakalimotan mo ang problema, makakapa mingwit kapa ng pang-ulam. Pwede ba ako mamingwit d'yan mukhang ang sasarap ng isda. Gusto kong tikman yong kulay orange ano ba tawag sa isda na iyon?" tanong ni Aria.

  "Lapu-lapu yon, kung gusto mo mamingwit sege magpasama ka lang don sa isa namin taga assist d'yan sa Angel Garden namin, teka tawagin ko lang," sagot ni Rasselle.

  "Talaga pero mamaya na lang. Titikman mona namin iyong libre mo sa aming meryenda, sana mabusog nyo kami," sagot ni Aria.

  "Hoy mahiya ka naman libre na nga tayo ng meryenda, pati ba naman iyon ay hindi mo palalampasin," sita ko kay Aria.

  "Ano kaba?" Bihira lang to kaya samantalahin nanaten, at tsaka sila naman ang nag anyaya sa atin dito kaya magtiis sila sa atin diba Szarina," bulong ni Aria.

  "Dito tayo maupo. Ang Ganda ng ambiance diba nakakarelax," wika ni Chyrll. 

  "Sainyo pala itong Coffee shop?" tanong ko kay Chyrll.

  "Oo ang Daddy ko, tsina chalenge nya ako. Kapag may napatunayan ako sa kanya ay hindi na sya magiging mahigpit sakin. Pababayaan ako sa lahat ng gusto ko, basta nasa mabuting landas parin ako. Tinanggap ko ang challenge nya sa akin para may mapatunayan ako sa kanya. Hindi ako nagdalawang isip na alokin ko si Rasselle na maging business partner kami. Halata naman sa pangalan ng shop namin diba?" CHYSELLE COFFEE SHOP ' bata pa lang kami magkaibigan na kami ni Rasselle," mahabang salaysay ni Chyrll.

  "Kayo anong pinagkakaabalahan nyo sa buhay bukod sa pag-aaral," tanong sa amin ni Rasselle.

  Dumating na yong meryenda namin. Napakarami kaya tuwang-tuwa si Aria. Nag sabe pa na kapag hindi naubos ibabalot nya at ipapasalubong sa tatlo nyang kapated na maliit pa.

  Habang kumakain kami sinagot ko ang tanong saakin ni Chyrll.

  "Wala akong pinagkakaabalahan mahirap lang kami. Pero masaya naman pamumuhay namin ng mama ko sa Probinsya. Tsaka hindi ko pa nakita ang tatay ko kahit sa picture lang, patay na daw sabi sakin ng mama. Kaya naman andito ako sa Maynila, dahil sa pag aaral ko," sagot ko.

  "Basta ako ang alam ko hindi sila ang tunay kong mga magulang. Pero kahit ampon lang nila ako mahal na mahal ko sila, kaya nagsusumikap ako sa aking pag aaral para pambawi sa kabutihan at pag aalaga nila sa akin. Kahit salat sila sa pera hindi sila nagdalawang isip na kupkupin ako. Kundi dahil sa kanila seguro wala na ako dito sa mundo at hindi ko kayo nakilala ngayon," kwento ni Aria.

  "Mahirap lang din kami pagsasaka at pag kokopras ang pangunahing hanapbuhay namin sa probinsya. Pero hindi parin sapat dahil sa mahal ng bilihin, buti na lang may pa scholarship ang Don Bosco kaya naka libre ako sa pag-aaral ko dito sa Maynila. Pero may naririnig ako na hindi daw ako tunay na anak ng nanay at tatay ko. May nakakita daw sa akin sa labas ng bakuran ng bahay namin, na nakalagay ako sa basket. Pero hindi ako naniniwala sa kwento nila. Basta kong sino ang pamilya ko na nag mamahal sa akin iyon ang itinuturing kong magulang," kwento din ni Szarina.

  "Ako naman isang sikat na singer ang Daddy ko. Dahil hindi sya nakuntento sa asawa nya nabuntis nya ang mommy ko na mismong manager nya, kaya katulad ni Chyrll anak din ako sa labas ng daddy kong maharot pero masaya naman kami. Ang asawa ng daddy ko at mommy ko ay magkaibigan na, basta wala na daw gapangan na mgaganap," kwento ni Rasselle sa amin.

  "Dagdagan ko iyong akin" singit ni Chyrll.

  "Ano naman yon?" tanong ko.

  Ang Daddy ko ay isang Heneral ng mga kasundaluhan ,at isa ding maharot noong kabataan pa nito. Sa katunayan bago ikasal si Daddy at ang kanyang asawa ay lumalangoy na ako, ang similya ni daddy sa matress ni mommy. Nalaman lang nila na may anak si daddy sa iba ng magkasakit ako. Na dengue daw ako nong baby pa ako, kailangan ko daw salinan ng dugo. Nong malaman ni dddy na anak nya ako. Gusto nyang kunin ako sa mommy ko, syempre hindi pumayag si mommy. Nagkaroon na lang sila ng agreement na si daddy ang masusunod sa lahat ng bagay pagdating sa akin. Kaya kapag napalago ko itong coffee shop namin ni kapatid magiging malaya na ako," kwento ni Chyrll.

  Natapos kaming kumain, kasabay matapos ang kwentuhan tungkol sa buhay namin.

  "Naku po? napasarap ang kwentuhan natin, may trabaho pa pala ako. Issa, Szarina mauna na ako sainyo may pasok pa ako sa trabaho ko. Rasselle sa

ibang araw na lang ako mamingwit gusto ko yong ako ang huhuli ng isda. Sege na maiwan kona kayo," paalam ni Aria.

Pero sumabay narin kami.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status