It felt like a deja vu. Kung paano ako nakatayo ngayon sa labas ng kumpanya namin at nakatitig sa gusali. I could feel the same heartbeat, I had years ago. The nervousness and amazement. I breathed in and out. Isang beses kong tiningnan ang sarili ko bago nagpasya na lumakad. Hindi ko maipagkakaila na mas dumoble ang kaba ko nang pumasok ako ng kumpanya. Nasa bahay pa lamang ay pinaghandaan ko na ang mapanuring tingin ng mga empleyado kaya naman gano'n na lang ang pagtataka ko nang puros gulat lamang ang nakita ko sa mga reaksyon nila. Some of the employees are still familiar to me. May ilan na hindi ko kilala marahil ay pumasok sila noong wala na ako. I tried to plaster a small smile on my lips. "Good morning," I greeted formally.Mabilis na bumalik sa kani-kanilang wisyo ang mga empleyado at bumati pabalik. Ang ilan sa mga tauhan na nangangapa sa presensya ko ay nakitulad din marahil ay ramdam nilang hindi lang ako kung sino sa kumpanya. Pagkatapos niyon ay sakto namang lumapit an
"Mommy? Are you still there?"I couldn't speak. Kahit ang gumalaw ay hindi ko magawa. I tried to swallow the lump in my throat as I slowly ended my daughter's call. "Mr. Revelar," I uttered, acknowledging his presence.Halos ilang santo ang pinasalamatan ko dahil hindi ako nautal nang nagsalita ako. I composed myself and stood up from my seat. Inayos ko ang suot kong coat bago tumingin sa kanya."I'm sorry. I didn't mean to be distracted. Anyway, you're here for the meeting, right?" I asked the obvious and glanced at my watch.Hindi ko masasabi na masyado siyang maaga sa usapan dahil ganito naman talaga siya noon pa. Bigla na lang sumusulpot bago o mismong kaorasan ng meeting. I put away my inside thoughts and tried to focus at him."Have a seat." I pointed the visitor's chair with an open palm. Walang imik naman siyang sumunod. Prente siyang naupo habang magkakrus ang kanyang binti. Slowly, the tension inside my chest faded. Seeing him acting professionally made me at ease. "Do yo
"A-Anak."Napaangat ako ng tingin kay Mama na hindi ko napansing nasa gilid ko na pala. "Po?" Hindi naman siya agad sumagot. Imbes ay nilihis niya lang ang kaniyang paningin mula sa akin patungo sa ginagawa ko. Kasalukuyan akong naghahanda ng talong para sa gagawin kong torta. Iyon kasi ang paborito ng kambal."Anak, balak mo bang gilingin iyang talong?" usisa niya, naroon ang pag-aalangan sa kanyang tono.Doon ko lang nagawang pagtuunan ng pansin ang talong na pinipirat ko gamit ang tinidor. It's a mess. Hindi ko na alam kung talong pa ba iyon o avocado na sa sobrang pino ng mga laman. Sinubukan kong tumawa para maalis ang nararamdaman kong kahihiyan at saka ibinaba ang hawak kong tinidor. "Para humalo nang maayos sa itlog, Mama," palusot ko.Nakagat ko ang ibaba kong labi nang umangat ang kilay ni Mama. Halatang hindi naniwala sa sinabi ko. Mayamaya pa ay hinawakan niya ang dulong tangkay at inangat."May galit ka ba sa talong?" Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o matatawa dahil
"Mommy?" A tiny familiar voice was trying to wake me up from my deep sleep.Isang ungot ang pinakawalan ko bago marahan na idinilat ang aking mga mata. "Gia." I smiled after seeing her in front of me, tightly holding her stuffed toy—Stitch.Bahagyang gumalaw ang kanyang ulo para pagmasdan ako. Mayamaya pa ay lumapit siya at pinadapo ang kaniyang munting kamay sa noo ko. "You're not sick, Mommy," she uttered.Hindi ko napigilan na magpakawala ng isang munting halakhak. "Of course, baby. Bakit naman magkakasakit si Mommy?" malambing kong tanong dito.Imbes na sumagot ay marahan na napanguso ang kulay rosas niyang labi. She was about to speak again when her twin, Gio, came in the room. May dala siyang baso ng tubig at maingat na dinadala iyon patungo sa akin.Hindi ko naiwasan na mapangiti dahil sa mura nilang edad ay nagagawa na nila akong alagaan sa paraang alam nila. "Thank you," I said."Are you okay, Mom?" Gio asked when I finished taking a sip from it.Kunot-noo naman akong tumang
Hindi ko alam kung paano ako nakakapagmaneho sa kabila nang malalim kong pag-iisip. What happened earlier made me feel hurt and lonely. Hindi para sa akin kundi para sa mga anak ko. Halos tatlong buwan na rin mula nang ipaalam ko sa kambal ang tungkol sa kanilang ama. Hindi iyon naging madali para sa akin, kung p'wede ko lang itago ang totoo ay gagawin ko. Pero alam ko rin na hindi deserve ng mga anak ko na pagsinungalingan. They were three years old back then when they started asking about their father. Tulad ng mga normal na bata ay naghanap din sila ng ama. Ngunit sa mura nilang edad, alam kong hindi pa nila lubos na maiintindihan ang lahat kaya naman minabuti ko na huwag munang magbanggit ng kahit na ano. Wala sa sarili kong ipinangako sa kanila na kapag tumuntong sila ng apat na taon ay doon ko ipakikilala ang kanilang ama.At tinupad ko iyon. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko nang tuluyan ko nang ipinarke ang aking sasakyan sa parking lot ng kumpanya. Muli ay naalal
"Have you lost your mind?" medyo mataas na tonong tanong ko.His jaw clenched. "I just want a progress regarding the hotel."Napatiim-bagang ako at mariin na pumikit para magtimpi. Wala na akong pakialam kung nasa harapan ko siya, kung nakikita niya ang inis ko. "Sasama ako," matigas niyang wika sa Tagalog.Tila napigtas ang pasensya ko sa sandaling iyon. Mabilis ko siyang hinablot sa braso saka hinila paloob ng opisina ko. Pagkatapos ay isinarado ko ang pinto at matalim na tumitig sa kaniya. "Once and for all, let's talk," I stated.He raised an eyebrow. Halos isang metro lamang ang layo namin sa isa't isa. Kitang-kita ko ang paninitig niya pabalik, ngunit hindi tulad ko ay kalmado siya. "What are you doing, Agustine? Why are you doing this?" I spat, removing the formality.Slowly, amusement was written all over his face. "Do what?" I gritted my teeth. "You are pestering me," diretyong punto ko.His side lip slowly rose. He stared at me for a second, then let out a chuckle afterw
True to his words, he didn't bother me.Naging payapa ang meeting ko sa client at nakaalis ako ng restaurant na hindi na muling nakikita ang presensya niya. It's a good thing because I am free to look for a house without him following me. Pero minalas siguro ako nang kaunti dahil wala akong nagustuhan sa mga available houses na napuntahan ko. Kung hindi sila sobrang laki, masyado namang crowded, at hindi safe para sa kambal.Isang buntonghininga ang pinakawalan ko habang nakasakay ako sa aking kotse. Mayamaya pa ay bigla kong naalala ang apartment na tinirahan ko noon. Nagkaroon ng munting pag-asa sa dibdib ko kahit papaano. Yeah, it does not have much space. Pero p'wede ko siyang palakihin habang nananatili kami roon. Well, p'wede lang iyon sakaling ibenta sa akin ng may-ari ang bahay. I looked at my watch. Napailing na lamang ako dahil alam kong hindi ko na p'wedeng isingit pa sa schedule ko ang pagpunta roon. In the end, I decided to get back at the office.PRENTE akong naglalaka
"Tulog na ang mga bata?" Salubong sa akin ni Mama nang makababa ako ng hagdanan.Alam kong nag-aalala rin siya para sa kambal. Miski si Mommy at Daddy ay hindi naiwasan na pansinin ang mga bata dahil sa pagiging matamlay nila. After what happened in the office, I automatically cancelled my remaining apointment and went home with my children. Mas lalo kong naramdaman ang pangangailangan na bumawi sa kanila.Tipid akong tumango kay Mama bilang tugon at saka naglakad patungo sa couch kung saan siya nakaupo. Agad niya akong inabutan nang mainit na tsaa pagkatapos. Nagpasalamat naman ako at tahimik na tumitig sa nakapatay na telebisyon."Pasensya na. Hindi ko rin inaasahan na makikita ng kambal ang kanilang ama . . . at ang pamilya nito," pagbasag ni Mama sa katahimikan.Nilingon ko naman siya at saglit na nginitian. "It's okay, Mama. Dati pa naman ay pinaghahandaan ko na talaga ang pagkakataon na magkikita kaming lahat.""Ano ang plano mo ngayon?" usisa niya.Hindi naman ako agad nakasago