Kinahapunan ay dumiretso na sila sa bahay nina Abby na kapitbahay nina Jay. Doon sila nagbihis at nag-ayos samantalang si Brix naman ay nauna na kina Jay dala-dala ang kanilang regalong external drive na pinagtulungan nilang bilhin. Panay ang sulyap ni Trisha sa kanyang phone habang nakaupo sa mahabang supa. Hindi pa natatapos sina Abby at Joyce sa pag-aayos.
“So, darating ba si Marsden?” tanong sa kanya ni Analie na katabi niyang nakaupo sa mahabang supa.
“Hindi eh,” pilit siyang ngumiti dito. Ayaw niyang magsinunghaling sa rason kung bakit hindi ito makakapunta kaya naman hindi na niya ipinaliwanag pa ang dahilan.
“Sayang naman, we’re looking forward to meet him. Oy! Pasensya Trish pero nacurious ako eh…ang gwapo pala ng Marsden mo. Celebrity!” kinikilig nitong tapik sa balikat niya.
Hindi nga naman niya naisip na celebrity ito. May kaibigan nga itong artista, negosyante, artist, heiress at modelo pero hindi niya kailan man inisip na sikat rin ang kaibigan. Mas lalong nanlumo si Trisha, ngayon siya tinatablan ng agwat nila ng estado sa buhay kaya naman pinigilan niya ang sariling sulyapan ulit ang cellphone.
Nang matapos ang mga kaibigan sa pag-aayos ay pumunta na sila sa bahay ng may birthday. Absent si Jay dahil may special leave ang mga empleyado kung sino mang may kaarawan.
“Happy Birthday!” sabay nilang bati kay Jay.
“Pretty girls, halika kayo pasok!” malakas na tili nito nang makita sila.
“Bruha, hinaan mo nga ang boses mo. Nakakahiya!” sita ni Abby.
“Hindi ka naman kasali eh, huwag ka ngang assuming!” saad ni Jay habang ikinakabit ang mga braso sa braso ni Abby at Trisha.
Abby pouted and pretended to be hurt samantalang si Trisha naman ay natatawa sa dalawa.
“Ang dami mong bisita ah!” Ani Analie.
“Pansin mo boylet ang marami,” saad naman ni Joyce na sinulyapan ang mga bisita ni Jay.
“Opps! Speaking of boylet, nasaan na ang Marsden ko girl?” tanong nito kay Trisha.
“Busy sa work?” aniyang patanong. “I mean busy sa work!” pag-uulit niya.
Tumaas ang kilay ni Jay pero hindi na siya nito kinulit pa. “Sayang naman, excited pa naman akong makita siya sa personal. Celebrity pala girl! At tsaka may-ari ng Zion?!” kinikilig nitong saad.
Hindi niya kailanman inisip na esearch si Marsden sa internet. Malaking negosyante nga naman ito. Natawa na lamang siya sa mga kaibigan. Pati siya hindi rin naman makapaniwala na magkakaroon siya ng kaibigan na kagaya nito.
“Eh si Chloe nasaan?” ani Jay nang makapasok na sila sa loob ng bahay.
“Papunta na daw, may tinapos lang sandali.”
“Abalang-abala ang lola! Namiss ko ‘yon.”
“Kaya nga eh talagang pupunta ‘yon ngayon, namiss ka rin for sure,” aniyang nakangiti kay Jay.
“Masaya naman ako at finally nakarating ka na rin ng maaga sa birthday ko–“ Hindi na nito natapos ang sasabihin nang pumasok si Chloe sa gate.
“Sister Happy Birthday!” masayang bati ni Chloe nang lumapit sa kanila at may dala-dalang regalo. Nagbeso-beso ito kay Trisha at sa mga kaibigan.
“Hoy lola, bakit naman hindi mo pinapasok ‘yong nagdeliver sayo?” saad ni Jay nang magbeso-beso ang mga ito.
“Parang LBC lang!” anitong natatawa. “’Yong amo ko ‘yon, hinatid ako kasi nagdemand ng extension para matapos ang isang report.”
“Oi! Baka magkalove life ka na Chlo,” ani Joyce.
“Sus! ‘Yon? Over my–“
“’H’wag kang magsalita ng tapos!” saad nilang lahat kay Chloe.
Wala na masyadong bisita at sila na lamang ang naiwang nagkakantahan sa sala nang may dumating na delivery guy at may dalang regalo with a red ribbon.
“Oi special delivery!” saad ni Chloe nang magkakasama silang lahat na lumabas ng bahay at pumunta sa cute na delivery guy.
“Dito po ba ang bahay ni sir Jay Orbuda?” tanong nito.
Nakakagat labi si Jay na tumango at kinuha ang regalo. Panay ang ngiti nito sa delivery guy. Natatawa na lamang sila nang naiilang nitong ibinigay ang pepermahan ni Jay.
“Thank you!” paseksi nitong saad sa delivery guy na nagmamadaling sumakay ng motor.
“Grabe ka talaga Jay!” natatawang saad ni Analie.
“Ang gwapo eh, hindi ko maiwasang magflirt. Teka! Saan ba ito galing?” Sinuri nito ang card pero Jay at Happy Birthday lang ang nakalagay.
“Oi mysterious! Walang sender,” ani Abby na nasa likuran ni Jay. “Halika buksan na natin.”
Excited naman si Jay na buksan ang regalo nang makarating ito sa sala. Pinalibutan nila ang regalo.
“Teka girl, baka suspense to. Baka naman kamay ng boylet mo ang nand’yan!” panunukso ni Chloe.
“Sira ka talaga Chlo!” natatawang saad ni Trisha sa matalik na kaibigan.
Hinawakan ni Jay ang dibdib at huminga ng malalim. “Whoa! Kinakabahan ako girl”. At tuluyan na nga itong binuksan.
Napanganga ang lahat nang makita ang laman ng regalo. Jay looked immediately at Abby. “My fairy godmother? Totoo ba to? Subra-subra to sa hiniling ko,” sabay yakap kay Abby.
“Ano bang pinagsasabi mo, akala mo ba afford ko yan?” nangingiting saad ni Abby at napasulyap kay Trisha.
Trisha was confused bakit ganoon ang tingin sa kanya ni Abby. Bumalik sa kanya ang ngiting ipinupukol nito sa kanya kanina.
Jay was now crying. She knew it was tears of joy. Matagal na nitong gustong palitan ang tab nito dahil nagloloko na pero wala itong perang pambili. Napakabait naman ng nagregalo sa kanya ng Apple IPad Pro. It definitely worth a lot.
“Eh sino namang magbibigay nito kung hindi ikaw eh ikaw lang naman ang nagtanong sa akin kahapon.”
“Hala girl, parang suspense na nga ito. It’s a bait!” seryosong saad ni Chloe with a look of fright.
Nagtawan ang lahat maliban kay Trisha. She was thinking maybe it was from Marsden and she was very touched. Seeing how happy Jay was, she really wanted him to be here with them.
Tumingin siya kay Abby and she saw the confirmation in her eyes when their eyes met. Napansin ni Chloe na natahimik siya.
“Trish?”
“Hmm?” tanong niya sa kaibigan.
“Natahimik ka ata?”
“I’ll explain to you later,” bulong niya dito.
Bumalik na sa pagkakantahan ang mga kaibigan samantalang si Jay naman ay yakap-yakap pa rin ang regalo habang nakaupo sa mahabang supa katabi ni Abby.
★★★
Hindi makatulog si Trisha. Katabi niya sa kama si Chloe, tulog na ito at siya naman ay nakaupo at nagdadalawang isip kung pasasalamatan si Marsden o hindi. Nakapatong ang kanyang baba sa mga tuhod habang paulit-ulit na nagta-type at nagdedelete sa kanyang cellphone. Paano kung mas pinili ni Marsden na kalimutan ang pagkakaibigan nila? Paano kung napagtanto nitong mas mabuting huwag na silang magkita? Siguro ang pagbibigay nito ng regalo was a sign of closure?
No matter what, she owes Marsden a thank you for what he did. Bago sila umuwi ay kinausap niya si Abby. Sinabi nito na tinawagan siya ng assistant ni Marsden at pinakiusapan siyang alamin kung ano ang gustong regalo ni Jay. Assistant pala ni Marsden ang lalaking naka-eyeglasses na minsang nagbigay sa kanya ng macarons.
“Marsden…Marsden…Marsden. What will I do with you?!” nalilitong bulong ni Trisha.
Huminga siya ng malalim at pinagpasyahang pupuntahan ito sa office bukas.
ZION ENGINEERING AND CONSTRUCTION COMPANY ang nakalagay sa napakataas na building sa harapan ni Trisha. Nag-undertime siya sa trabaho upang makausap si Marsden at pasalamatan sa pagbibigay nito ng regalo kay Jay. Nang siya ay papunta na sa reception at the ground floor hindi niya maiwasang magworry kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nakita siya. She wanted to thank him personally and perhaps to say sorry for the ultimatum. They might not see each other again but atleast they separated in a good way. “Yes Ma’am?” tanong sa kanya ng magandang receptionist. “Nand’yan ba si Mr. Hernandez?” aniya. “May appointment po ba kayo?” “Wala pero–“ “Pasensya na po ma’am hindi po kasi pwede kung walang appointment.” “Importante lang talaga ma’am,” pakiusap niya dito. “He knew me, baka pwedeng itawag mo muna?” Nagdadalawang isip ang receptionist mabuti na lamang at paglipas ng ilang saglit ay kinuha nito
“Hey little sister!” bati ng kanyang kuya Marco sa kabilang linya. “Hey big bro! Kumusta ang mga pamangkin ko?” Nakaupo siya sa supa at nanunuod ng food channel nang tumawag ito. Two days na silang nago-overtime dahil palapit na ang year-end kaya naman ngayon ay wala siyang ganang maglinis. “Okay lang namimiss ka–“ “Tita uwi ka na dito–“ saad ng limang taong gulang na si Angel. “–miss ka na namin,” sabat naman ng apat na taong si Margoh. “Miss you too dearest!” aniya. “Dito ka magpapasko tita?” tanong ni Margoh na nauutal pa. “Siyempre! Wala na siyang nobyo eh,” saad ng kanyang kuya. “Kuya!” natatawang saway niya dito. One month ago inamin niyang wala na sila ni Drake pero hindi niya sinabi dito kung ano ang totoong dahilan. Ang alam nito siya ang nakipagbreak dahil hindi na niya kaya ang pagiging busy nito. Naintindihan ito ng kanyang kuya dahil abogado rin ito at gan
Startled, agad niyang itinulak ang pinto. Naisip niyang gumamit ng bagay ang mga magnanakaw upang itulak ito ngunit narinig niya ang tila mga suntok at sipa at mga ungol sa labas ng kanyang kwarto. “Trish?” sabay ng malakas na katok sa pinto niya. “Mars?!” Hindi siya makapaniwalang ito ang kumakatok. Pero hindi siya maaring magkamali. Boses ito ng kaibigan. “Are you okay?” nag-aalala nitong tanong at itinigil na ang pagkatok. Inalis niya ang upuan at binuksan ang pinto. Agad siyang yumakap dito at umiyak ng umiyak. Walang tigil na tumutulo ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Nang makita ang kaibigan, para siyang nahulog sa napakadilim na bangin nang biglang may sumilaw na liwanag…lahat ng takot at desperasyon ay nawala at napalitan ng kaligtasan at kaluwagan. She took refuge in his embrace. He hugged her tight and slowly caressed her back and head for comfort. “Everything is fine…the
Hindi maiwasan ng batang si Marsden na mainis sa kanyang ina dahil priority nito ang trabaho. Palagi itong wala, palaging may business trip kaya naman palagi rin siyang mag-isa sa napakalaking bahay kasama ang kanyang yaya at mga katulong. Mag-isa siyang kumakain, natutulog at naglalaro. Sa kanyang murang edad alam niyang may ibang pamilya ang kanyang papa. Simula’t sapul ang kanyang mama, lolo at lola lamang ang tinuturing niyang pamilya. Nang mag-away ang kanyang mama at lolo nagdisisyon ang kanyang mama na lumipat sila ng bahay sa San Juan. Masaya si Marsden no’ng una dahil pinili ng kanyang mama na ituon ang pansin sa pag-aalaga sa kanya…sumasabay sa paglalaro ng lego, sa pagprepare ng kanyang meryenda at mga gamit sa school. Sa tuwing umuuwi siya pagkagaling sa school libangan nila ang manatili sa music room hanggang oras na ng dinner. Tinuturuan na siya nito simula pa no’ng
Trisha opened her eyes and swiftly looked at the door, still feeling the sensation of fright in her nerves. Huminga siya ng malalim and calmly looked at her side. Napangiti siya ng makita si Marsden na katabi pa rin niya at hindi siya iniwan. The lampshade was dim but when her eyes adjusted with the dark, she felt before she saw the deep and rapid breath Marsden took. Umupo si Trisha at hinawakan ang noo nito to check if he was having a fever but a cold sweat touched her palm and Trisha knew he was having a nightmare. The nightmare he was trying to fight alone. “Mars?” sabay mahinang tapik sa pisngi nito. “Hey stay with me,” saad niya ng marinig ang mahinang ungol nito. His eyes were closed and brows were furrowed showing a troubled face. Trisha shoke his shoulders but he seemed so in deep that he can’t break free. Worrily Trisha touched his cheek smoothly and partially lay down on top of him. She heard the
Trisha woke up alone. Matagal rin siya bago nakatulog. Alam niyang hindi na bumalik si Marsden sa kwarto kaninang madaling araw. She was actually dreading the awkwardness kapag nagkaharap sila muli. “Oh my God!” bulalas ni Trisha nang maspasulyap sa wall clock. Alas-onse na ng umaga. Hindi niya akalaing makakatulog ng mahimbing at nakakahiyang isipin that she slept the day away. Agad siyang pumunta sa banyo at inayos ang sarili. After washing her face itinali niya ang kanyang buhok in a loose ponytail. Nakita niyang nasa kusina si Marsden. Her stomach complained of hunger ng maamoy ang adobo at sinigang. Napangiti siya ng makita itong nagluluto sa harapan ng stove. He looked domestic with an apron on and singing the usual “Linkin Park” which was playing in the living room. “Ang bango naman,” bungad niya ng lumapit dito. “Thank you. I just showered,” anitong nakangiti sa kanya handsome
“Kumusta naman ang trabaho?” Marsden asked Vivien while they eat in a classic reataurant. “It’s almost done, baka next month matatapos na namin,” anitong nakangiti. Trisha concentrated on eating, trying not to hear their conversation. She doesn’t wan’t to feel more insecure habang unti-unting nalalaman ang mga bagay tungkol kay Vivien. She was also an engineer after all! Napatingin si Trisha kay Marsden when he put fresh lumpia on her plate and he even poured the sauce. How sweet! Isa ito sa paborito niya. “Thank you,” she appreciatedly said. “I know you’ll like it,” sabay kindat sa kanya. “Not really!” aniya. He was playing the part well para pagselosin ang babae. Hindi daw type. Liar! Marsden laughed at akto sanang babawiin ang fresh lumpia but she playfully pinched his side. She knew she have to pretend that they were lovey-dovie to help him out so she pasted a smile on her face.
“Ahmm…have a drink with me?” tanong ni Marsden sa kanya. “Please!” agad naman niyang sagot at isinirado ang car door. She was relieved dahil tama ito nang sabihing she was still in shock about what happened the previous night. Hindi niya mapigilan ang pagtaas ng kanyang mga balahibo sa batok nang masilayan ang madilim na apartment. Chloe will be here tomorrow for a sleep over. Galit na galit ito nang malaman ang nangyari at nagdesisyon na sa kanya muna matutulog for a week pagkagaling nito ng Cebu. Nahihiya siyang maging dependent kay Marsden dahil napakarami na nitong naitulong sa kanya. Mabuti na lamang at inalok siya nito ng alak. Makakatulong ito upang makalimutan ang paninikip ng kanyang dibdib sa tuwing maaalala na napakaimportante ni Vivien para kay Marsden, that maybe he felt something for her deeper than meets the eye. Napagkasunduan nilang sa condo ni Marsden na lamang mag-inuman. Dumaan sila ng convenienc