Share

Chapter 9

Sunshine's Point Of View

ALMOST a month din noong huling nagparamdam sa akin si Bryan. After that call, hindi na rin siya ulit tumawag pa. Buti naman. Ok na kasi ako, eh. Ok na ako kay Patrick at ayokong bumalik pa siya sa buhay ko.

Kinabukasan lang din no'n ay nakapag-usap na ulit kami ni Patrick nang maayos—yung wala akong inis na nararamdaman. Sinabi ko sa kanya kung sino ang tumawag kaya tinanong niya ako.

"Mahal mo pa ba siya?" Hindi ko alam kung bakit niya ako tinatanong ng ganito at hindi ko rin alam kung ano bang isasagot ko. Ano nga bang isasagot ko?

"Hindi ko alam," tanging nasabi ko lang. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam. Simula kasi nung nagparamdam siya kanina, may kung ano akong naramdaman—maliban sa galit, na hindi ko maintindihan. Bigla akong kinabahan na ewan.

"Hindi naman ako magagalit kung sasabihin mong 'Oo', eh." Napatingin ako sa kanya. "Kasi alam ko naman na ako lang ang pipiliin mo than any other guy, diba? So, wala akong dapat na ipangamba kung sasabihin mo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status