Sunshine's Point Of View"HAPPY birthday!" pambungad ko nang makalapit na sa kanya. "Dinalhan nga pala kita ng regalo. Ito, oh." Ipinakita ko pa sa kanya ang dala-dala kong maliit na cake na may nakasulat doon na Happy Birthday na may pangalan pa niya. Inilapag ko naman iyon sa baba pagkatapos. Umupo na rin ako para mahaplos ko ang kanyang lapida.Yes, nandito nga ako ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing si Bryan. Grabe, medyo matagal-tagal na rin nang huli akong pumunta dito. Na-miss ko siya! At kahit naging stressed ako these past few days, hindi ko pa rin nakakalimutan ang mahalagang araw na 'to—ang kanyang kaarawan."Kumusta ka na, Bryan?" tanong ko sa kanya habang hinahaplos pa rin ang kanyang lapida. "Sana, okay ka lang. Miss na kita." Ngumiti ako."Bryan, puwede ba akong humingi ng pabor sa 'yo?" tanong ko. "Kung puwede sana, hanapin mo si Sheena, 'yung kontrabida sa buhay ko? Kilala mo ba siya? Gusto ko sana, multuhin mo siya para sa 'kin. Nakakainis kasi siya, eh!" sumbo
Patrick's Point Of ViewKANINA pa ako titig na titig sa phone ko. Inaabangan ko kasi ang text ni Sunshine. Kanina pa rin ako naghihintay dito sa kanya sa sala pero hindi pa rin siya dumarating. Sabi niya darating siya, 'di ba? Pero bakit parang ang tagal naman yata? Saan ba siya nagpunta?"Ba't ang tagal mo? Nasaan ka na?" text ko sa kanya. Mayamaya lang ay nag-vibrate ang phone ko at dali-dali ko namang binasa ang text."Can't wait? Almost there!"Nakahinga naman ako nang maluwag nang mag- reply siya. Akala ko kasi kung ano nang nangyari, eh. Bumilis din ang pagtibok ng puso ko. Iba kasi ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. Umaandar ang pagka- berde ng utak ko! Hahaha! 'Di naman ako mapakali. Gusto ko na talaga siyang mayakap at mahalikan ngayon.'Yon nga lang ba?Habang nakaupo ako dito sa may sofa ay may bigla na lang naglagay ng piring sa mga mata ko. Mag-re- react pa sana ako nang bigla siya nag-'shhh'. Naramdaman ko na lang na biglang nagtaasan ang mga buhok ko dahil doon. Inal
"WE'RE sorry to say this... but the baby didn't make it." Iyon kaagad ang narinig ko nang unti-unting bumalik ang malay ko. Nakita ko kaagad si Patrick sa may paanan ko, kaharap at kausap ang isang doctor. Ano raw? Hindi yata matanggap ng puso't isipan ko 'yung sinabi no'ng doctor.Hindi!"Doc, bawiin mo 'yung sinabi mo," pagsasalita ko. Napatingin naman silang dalawa sa 'kin. Kita ko 'yung lungkot sa mukha ni Patrick. "Buhay pa ang baby ko, 'di ba?""Babe...""Doc, sumagot ka! Hindi nawala ang baby ko, 'di ba? Mali lang ang pagkakarinig ko sa sinabi mo kanina. Patrick, please tell me nagbibiro lang siya," pagmamakaawa ko kay Patrick. Pero gano'n pa rin ang ekspresyon ng mukha niya kaya unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko."Pero Sunshine, 'yon ang nangyari. W-Wala na ang baby natin.""Hindi..." Napailing pa ako. "Hindi!"Napabangon na lamang ako dahil sa isang panaginip. Masamang panaginip. Umiiyak na rin ako.Bigla ko na namang naramdaman ang pananakit ng ulo at katawan ko. Nas
Sunshine's Point Of View"BABE, what are you saying?" tanong ko sa boyfriend kong si Bryan.Nasa rooftop kami ngayon ng bahay namin. All set na siya, may mga rose petals sa bawat daraanan, may mga balloons na nakasabit lang kahit saan, tapos may tali pa sa gitna na kung saan ay doon isinampay ang mga litrato naming dalawa. Mayroong magkahawak ang mga kamay namin habang nakatalikod at nakasandal ako sa balikat niya, may naka-kiss siya sa pisngi ko at kunwari ay shock ako, at marami pang iba na mga happy moments na p-in-icture-an naming dalawa ng magkasama. It was a romantic place for me. Kahit ako ang babae sa aming dalawa, ako pa rin ang nag-prepare ng lahat. Gusto ko kasi siyang i-surprise. Gusto ko siyang pakiligin kahit ngayon man lang. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin, kung gaano ko siya ka-mahal. Na ayaw kong mawala siya sa buhay ko. Pero 'yung sayang naramdaman ko ay biglang nawala nang magsimula na siyang magsalita."What I'm saying is... I'm sorry
Patrick's Point Of ViewNAGISING ako kinabukasan dahil sa sikat ng araw. Nakabukas pala ang kurtina.Napahawak naman ako sa ulo ko na medyo sumasakit. Naalala ko, may nangyari nga pala sa aming dalawa ni Rhian. I can't believe na pumayag siya. Sinubukan ko na kasi dati na gawin ito pero hindi siya pumayag. Ang sabi niya, ibibigay lang daw niya 'yon kapag kasal na kaming dalawa, and I respect her decision. Pero laking pagtataka ko nang pumayag siya kagabi.Napatingin ako sa kanang banda ko and I saw her, nakatalikod sa akin at mahimbing na natutulog. Niyakap ko naman siya galing sa likuran."Good morning, Babe!" Hindi ko intensiyon ang gisingin siya pero naramdaman ko na lang na unti-unti na siyang gumagalaw paharap sa akin at nagulat ako nang hindi mukha ng taong mahal ko ang nakikita ko ngayon. Teka, s-sino siya? Magre-react pa sana ako nang maunahan niya akong sumigaw."Aaahhh!" sigaw niya sabay takip ng kumot sa katawan. Napatakip na rin ako ng kumot sa katawan ko dahil kahit hindi
Sunshine's Point Of View"SINABI ko naman sa 'yo, 'di ba? Habang maaga pa ay hiwalayan mo na siya. Kasi pinagmumukha mo lang siyang tanga, eh," sabi ko sa ka-chat ko.Nasa bahay lang ako ngayon, nag-i-internet. Ka- chat ko ngayon ang long-time friend ko sa facebook. Yes, sa facebook lang talaga. 'Di ko pa siya na-mi-meet sa personal pero sa tingin ko, mabait naman siya. Ang gaan niya rin kasing kausap. Ang tagal na rin nang huli kaming mag-usap. Alam ko 'yung tungkol sa love life niya, siyempre."Alam kong kasalanan ko, pero anong magagawa ko? It was a dare game!""Yeah, I know." Hindi ko alam kung kanino ako maaawa, kung sa kanya ba o doon sa niloko niya."Puwede ba tayong magkita?"Napatigil ako sa tanong niya. Hindi naman ako busy. Saka, bored din naman ako sa bahay so... gora na lang!"Uy, ano na?""Okay."Pagkatapos niyang sabihin ang address na pagtatagpuan namin ay kaagad akong naligo at nagbihis. Woah! First time kong makita ang mukha niya sa personal.▫▫▫🎈▫▫▫"Nasaan kaya si
Sunshine's Point Of View"Am I already in love with you kahit hindi pa kita kilala?""Am I already in love with you kahit hindi pa kita kilala?""Am I already in love with you kahit hindi pa kita kilala?"Parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig ang tanong niya sa akin. Is he already falling for me? Hindi ko rin masasagot ang tanong niya. Parang ang bilis lang kasi ng pangyayari. Dapat nga, ako ang magtanong niyan sa kanya, eh. Am I falling for him that fast? Hindi ko talaga alam. Parang nakakatanga lang isipin na strangers pa lang kami pero ganito na ang nararamdaman namin sa isa't isa. Who on earth can tell me what's happening to me? Simula kasi noong mangyari sa amin iyon, siya na palagi ang laman ng utak ko. At ngayon namang nagkita na kami, hindi ko maipaliwanag 'yung sayang nararamdaman ko."Hindi ko alam."'Yon na lang ang isinagot ko sa kanya. Napaupo kami doon sa inupuan ko kanina."Hindi ka ba natatakot sa akin?" bigla niyang tanong. Napatingin naman ako sa kanya na
Sunshine's Point Of View"KUMUSTA ang usapan niyo?" tanong ko sa kanya nang kami na lang dalawa. Pero imbis na sumagot ay hinalikan na lang niya ako sa labi. Bakit ang hilig niyang humalik? Hobby lang?"Nagtatanong lang naman ako, eh. Hindi ko sinabing halikan mo ako.""Bakit, ayaw mo?" Gusto! Hahaha."Ewan ko sa 'yo!" 'Yon na lang ang nasabi ko. Nasa park kami ngayon, nakaupo sa isang bench at kaharap namin ang isang simbahan. Saglit na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa pero pagkatapos ng ilang segundo ay siya rin ang bumasag noon."Malaki ang dapat na ipagpasalamat ko sa Diyos." Napatingin naman ako sa kanya."Bakit naman?""Kasi, pinagtagpo niya tayo."Bigla-bigla ay parang may mabilis na kuryenteng dumaloy sa puso ko. Shit! Aish! Feeling ko, namumula ako ngayon. Patrick naman, eh! 'Wag mo nga akong pakiligin!"It was a big mistake at first. But that was the mistake na hindi ko pinagsisisihan at nagbigay ng saya sa buhay ko ngayon. That was the best and most beautiful mista