Share

Beautiful Mistake
Beautiful Mistake
Author: iammasteryel

Chapter 1

Sunshine's Point Of View

"BABE, what are you saying?" tanong ko sa boyfriend kong si Bryan.

Nasa rooftop kami ngayon ng bahay namin. All set na siya, may mga rose petals sa bawat daraanan, may mga balloons na nakasabit lang kahit saan, tapos may tali pa sa gitna na kung saan ay doon isinampay ang mga litrato naming dalawa. Mayroong magkahawak ang mga kamay namin habang nakatalikod at nakasandal ako sa balikat niya, may naka-kiss siya sa pisngi ko at kunwari ay shock ako, at marami pang iba na mga happy moments na p-in-icture-an naming dalawa ng magkasama. It was a romantic place for me. Kahit ako ang babae sa aming dalawa, ako pa rin ang nag-prepare ng lahat. Gusto ko kasi siyang i-surprise. Gusto ko siyang pakiligin kahit ngayon man lang. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin, kung gaano ko siya ka-mahal. Na ayaw kong mawala siya sa buhay ko. Pero 'yung sayang naramdaman ko ay biglang nawala nang magsimula na siyang magsalita.

"What I'm saying is... I'm sorry," nakikita ko 'yung lungkot sa mukha niya. Pero hindi ko yata makakaya 'yung sinabi niya. Ayokong tanggapin kasi hindi ko alam kung makakaya ko ba.

"Shine, let's end this. Ayoko na." patuloy pa niya.

"Babe, ano bang nangyayari sa 'yo? Bakit bigla-bigla mo na lang sinasabi 'yan ngayon? Hindi mo ba nagustuhan 'yung surprise ko sa 'yo? Hindi ka ba natutuwa na nakaabot tayo ngayon ng tatlong taon?"

Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko. Dapat ba akong magalit sa kanya kasi, all of a sudden ay makikipaghiwalay na siya sa akin?

"Kagabi, may natanggap akong e-mail galing sa in-a-apply-an kong trabaho at c-in-o-congratulate nila ako dahil hired na raw ako. Shine, alam mo naman na ito talaga ang pangarap ko sa simula pa lang, diba? Alam mong mahal na mahal ko ang pagiging Photographer ko. Sabi nila sa akin, by tomorrow daw ay dapat nando'n na ako sa America para makapagsimula na ako sa trabaho ko. Alam mo, ang dami ngang projects na binigay agad sa akin, eh." nakan-ngiting sabi niya. Pero nakikita ko pa rin 'yung langkot sa mukha niya. "Hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako rito. Ang alam ko lang ay aabutin ng taon ang pag-stay ko do'n." patuloy pa niya.

"Babe, hiwalayan ba talaga ang solusyon d'yan? Hindi naman kita pinipigilan, eh. At wala akong balak na pigilan ka. Natutuwa pa nga ako kasi 'yung pangarap mong magtrabaho sa ibang bansa ay matutupad na sa wakas. Pero ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit kailangan mo pa akong hiwalayan. Don't you love me?"

"I do love you,"

"Pero bakit? Papayag naman akong malayo ka sa tabi ko tutal may cellphone naman para maging connected pa rin tayo sa isa't isa. Iisipin ko na lang na nasa bahay ka lang ninyo at ako naman ay nasa bahay lang din. Hindi nga lang tayo magkikita pero Babe, may Skype naman diba? Puwede pa rin tayong makapag-usap 'dun. Iisipin ko na lang na nand'yan ka lang, hindi malayo sa akin." halos mangilid na ang luha sa mga mata ko. Ayoko kasi talaga siyang mawala sa akin. Siyempre, mahal na mahal ko siya, eh.

"Shine, hindi 'yon gano'n kadali."

Hindi ko siya maintindihan. Mahirap bang gawin ang mga sinabi ko? "So ano, itutuloy mo talaga ang break up-an? Sasayangin mo na lang 'yung tatlong taon natin na magkasama?"

"For the sake of my dreams, yes."

Gusto ko siyang suntukin ngayon sa totoo lang. Mas masakit kasi ang suntok kaysa sa sampal kaya 'yun ang gagawin ko. Pero nakakainis lang, bakit hindi ko magawa!?

"How dare you? Hindi mo man lang ba inisip na may masasaktan d'yan sa gagawin mo? Di mo man lang ba inisip ang nararamdaman ko?"

"Inisip ko 'yun. Kaya lang gusto kong mag-focus sa tranbaho ko. Ayoko nang may um-i-istorbo sa akin." napantig bigla ang tainga ko dahil sa huling sinabi niya.

"So, istorbo pala ang tingin mo sa akin? Sorry ha?" napakagat ako sa labi ko. Please luha, 'wag ka munang pumatak. Please? Please?

"Ang gusto ko lang naman kasi ay 'yung iparamdam ko sa 'yo kung gaano kita kamahal kahit ang layo mo pa sa akin. Pero kung istorbo ang tingin mo 'dun, then fine! Umalis ka. Puntahan mo 'yung pangarap mo at huwag na huwag ka nang babalik at magpapakita pa sa akin kahit kailan!" napasigaw na ako dahil sa sakit ng nararamdaman ko.

"Shine..."

"Alis!"

Hindi na niya ako kinontra pa at umalis na nga. Nang mawala na siya sa paningin ako ay automatic na nanlambot ang mga tuhod ko at napa-upo na lang ako sa sahig. Nararamdaman ko na rin ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Bakit siya gano'n? Mas pinili niya ang pangarap niya kaysa sa akin. Ang unfair niya! Hindi man lang ba niya naisip na masasaktan ako ngayon nang sobra?

Ayoko siyang mawala sa akin. Pero siya na itong nagbigay ng rason para layuan ko na lamang siya. Ayokong ipagpilitan ko pa 'yung sarili ko sa kanya na alam ko namang hindi rin ako magwawagi.

Huminga muna ako nang malalim saka pa sumigaw ng napakalakas at kasabay no'n ay ang pagsira ko sa mga gamit na nakikita ko. Lahat, pati 'yung mga pictures namin dalawa.

"Sunshine, hija? Anong nangyari?" napalingon ako sa babaeng nagsalita. Kaagad siyang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako.

"What happened?" ulit niya.

"Mom... Hindi niya po siguro ako mahal," umiiyak na ako no'n. Kahit hindi ko na sabihin kung sino ang tinutukoy ko ay alam na niyang si Bryan 'yun. Open naman kasi kaming dalawa ni Bryan sa parents namin.

"What are you saying? Umabot kayo nang ganito katagal tapos sasabihin mong hindi ka niya mahal? Ano 'yun, all this time ay niloloko ka lang pala niya?"

Umiling ako sa sinabi niya. "No. Alam kong mahal niya ako, ramdam ko 'yun at sinabi niya 'yun sa akin kanina. Nagkataon lang na mas mahal niya ang pangarap niya kaysa sa akin. Hindi ko na po alam. Gusto kong paniwalain 'yung sarili ko na mahal nga niya talaga ako, pero iniwan niya po ako. He broke up with me!" wala akong pakialam kung nakikita man ngayon ng Mama ko ang pag-iyak ko. Gusto ko lang ilabas 'yung sakit na nararamdaman ko.

"Hindi ko siya maintindihan. Bakit kailangan niya pa akong hiwalayan kung mahal nga niya talaga ako? Hindi ko lang kasi matanggap 'yung kababawan ng rason niya."

"Anak, baka naman may iba siyang dahilan kaya niya ginagawa ito?"

"Then what is it, Mom? Ano 'yun? Willing naman akong makinig kung may problema man siya, eh. Para ano pa't naging Girlfriend niya ako diba?" hindi na siya sumagot pa at niyakap na lamang ako. Hindi pa rin matigil ang luha ko sa pagpatak. Ang sakit lang kasi talaga isipin na nakikipaghiwalay siya dahil lang sa ayaw niyang may um-i-istorbo sa kanya. Ang babaw lang no'n diba?

"Magpahinga ka na muna, ok? At kung ok ka na bukas, kung gusto mo mag-usap ulit kayo nang maayos." hinaplos pa niya ang likuran ko saka inalalayang tumayo. Mas mabuti pa nga siguro kung ipagpapahinga ko na muna ito. Baka sakaling pagdating ng bukas ay magbabago rin ang isip ni Bryan.

▫▫▫🎈▫▫▫

Patrick's Point Of View

"YES, Pare, uuwi ako d'yan sa Pilipinas." Sabi ko sa kabilang linya nang naka-ngiti. Gusto ko kasi silang i-surprise lahat. Lahat ng Ka-tropa ko, parents ko, ang best friend kong si James na kausap ko ngayon, at ang Girlfriend kong si Rhian.

Ang alam nila ay nasa Canada ako ngayon, nagtatrabaho bilang isang writer. Well, galing naman talaga ako 'dun. Ang hindi lang nila alam ay nasa Pilipinas na pala ako ngayon. Yes, sinabi ko nga sa kanya na uuwi ako pero hindi ko sinabi kung kailan. Haha. Bahala sila mag-isip kung kailan ako darating.

[Seryoso ba 'yan, Pare?] tanong niya.

"Bakit, ayaw mo bang umuwi ako?" Natatawa kong tanong.

[H-Hindi naman sa gano'n. A-Ano lang...]

"Oh, wala ka namang atraso sa akin pero bakit parang kinakabahan ka d'yan? Bakit ka nauutal?" natatawa kong tanong sa kanya.

[Wala naman. Haha. Sige, Pre! Busy kasi ako, eh.]

Natatawa pa rin ako nang ibinaba ko na ang cellphone ko at nilagay sa bulsa. Hindi ko siya maintindihan kung bakit 'yon ang inasta niya pero natatawa pa rin ako sa kanya.

"Manong ihinto mo," kaagad kong sambit sa Taxi driver nang may mahagilap ang mga mata ko. Huminto naman kaagad ang sasakyan pagkatapos.

"Bakit ho, Sir?"

"Saglit lang." Sabi ko sabay labas ng sasakyan. Tinutukan ko muna siya nang mabuti kung hindi ba ako namamalikmata lang at nang makaharap na talaga siya, hindi na ako puwedeng magkamali. Ang putek! Akala ko ba ay busy siya? Pero bakit anong ginagawa niya dito sa labas ng Starbucks?

Sinabihan ko si Manong na may pupuntahan lang ako saglit. Pumayag naman siya kaagad kaya nilapitan ko na si James. Nang hindi pa niya napapansin na paparating na ako ay bigla ko na lamang sinuntok ang pisngi niya pero hindi naman kalakasa. Gano'n kasi ang nakasanayan ko sa kanya kapag na-mi-miss ko siya. Sinusuntok sa pisngi. Haha. Nang makita niya kung sino ang sumuntok sa pisngi niya ay biglang nanlaki ang mga mata niya. Hindi ko maiwasan ang tumawa nang makita ang mukha niyang gulat na gulat. Haha. Tae.

"P-Partrick?" mas lumakas pa ang tawa ko nang makita ang pagmumukha niya.

"Priceless, Pre. Priceless 'yung hitsura mo. Haha."

Pagkatapos kong sabihin 'yun ay ako naman ang sinuntok niya sa pisngi. "Loko ka! Ang sakit 'non, ah!" nagtawanan na lamang kami pagkatapos niyang magsalita.

"Kumusta ka naman?" tanong ko agad.

"Walang nagbago. Guwapo pa rin."

"Wala ngang nagbago. Mahangin ka pa rin. Haha."

"Baliw!"

"Eh si-"

"Sweety?"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may biglang magsalita. Isang boses ng babae. Ang boses na matagal ko nang gustong marinig ulit. Napangiti ako saglit. Pero nawala rin ang ngiting iyon nang may na-realize ako sa tinawag niya. Hindi pa man ako makapagsalita ay nakita ko na siyang nasa tabi ni James at kaharap ko na ngayon. Gusto kong matuwa kasi sa wakas ay nakita ko na ulit siya. Pero hindi iyon ang nararamdaman ko, eh. Parang... May mali.

"P-Patrick?" Kagaya ni james ay gano'n na gano'n din ang naging reaksiyon niya nang makita ako. Hindi ko alam pero sa mga oras na iyon ay hindi ko mahanap ang dila ko o di kaya ay kung may boses pa ba ako. Hindi ako makapagsalita.

"Oh my God, Patrick! Kailan ka pa dumating? Sana nagpasabi ka! Grabe, na-miss kita!" sunod-sunod niyang sabi. Napayakap pa siya sa akin at sa paglapat ng balat niya sa balat ko ay doon lang ako muling natauhan. Humiwalay ako sa kanya at tiningnan siya nang seryoso. Napatingin rin ako kay James.

"Sa pagkakaalam ko, hindi 'sweety' ang tawagan nating dalawa." Natahimik si Rhian sa sinabi ko.

"No. Sweety ba 'yung sinabi ko? Sabi ko, Baby." Dahilan niya sabay yakap ulit sa akin pero humiwalay ako. "H'wag mo nga akong gaguhin! Hindi ako bingi at hindi ako puwedeng magkamali na hindi ako ang tinawag mo. Obvious din naman, diba?"

"Pare..."

"Hindi ako tanga para hindi kaagad mapansin 'yun. Sa pagtawag mo pa lang, alam ko nang may maling nangyayari. Ngayon pa na nagulat kang nakita ako? Tell me, kailan niyo pa ako niloloko?" hangga't kaya ko pang mag-pigil, pipigilan ko ang sarili ko. Kung maaari ay ayokong mag-iskandalo rito.

"Baby, ano bang pinagsasabi mo? Hindi ka namin niloloko at saka, bakit ka naman namin lolokohin? Mahal kita." Muli siyang yumakap sa akin. Sinandal pa niya ang kanyang ulo sa balikat ko.

"Isang tanong, isang sagot. Kayo ba?" walang sumagot sa tanong ko kaya napilitan akong lakasan ang boses ko. "Kayo ba!?"

"Oo!" napatingin ako kay James. Hayop ka, James! Paano mo 'to nagawa sa akin?

"James..." si Rhian sabay hinawakan ang braso ni James. Siguro sign 'yon na huwag nang ituloy ang kanyang sasabihin. So, totoo nga?

"Five years na kaming dalawa." patuloy pa ni James. Dahil sa galit ko ay hindi ko na nakayanan pa at sinuntok na siya ng malakas. Wala akong pakialam kung marami man ang makakakita sa amin dito ngayon. Gusto ko lang talaga ipakita sa kanya kung gaano siya ka-gago!

"Walang hiya ka, James! Bakit mo 'to nagawa sa akin!? Bakit niyo ako niloloko!?" sigaw ko sa kanya habang hawak-hawak ko ang kwelyo ng damit niya at sinuntok ulit pero hindi siya nanlaban. Inawat kaming dalawa ni Rhian pero hindi ko siya pinapansin. Nang makaramdam na ako ng pagod ay huminto rin ako. Binitawan ko na rin ang kwelyo niya at tumayo.

"Three years," sabi ko. "Three years akong nagtrabaho sa malayong lugar. Three years kong tiniis 'yung pagka-miss ko sa 'yo, tiniis ko 'yon dahl mahal kita, Rhian! Mahal na mahal! Tiniis ko ang lahat para sa 'yo. Pero hindi pa pala ako nakakaalis sa tabi ko ay may namamagitan na pala sa inyo ng unggong na 'to!?" sigaw ko sa kanilang dalawa. "Bakit mo nagawa sa akin 'to? Hindi pa ba ako sapat sa 'yo? Nagkulang ba ako sa pagmamahal ko sa 'yo?"

Gusto kong magwala, sa totoo lang.

Napatingin naman ako sa direksiyon ni James na ngayon ay naka-upo lang sa sahig at himas-himas ang duguan niyang pisngi. "At ikaw naman, James! Pre, parang kapatid na ang turing ko sa 'yo! Ikaw pa naman itong pinagkakatiwalaan ko sa lahat, pero ito ang ginawa mo. Iniwan ko si Rhian sa 'yo para alagaan mo, hindi para ibigay sa 'yo!"

"Patrick, I can explain everything." sabi ni Rhian sabay hawak sa kamay ko. Umiling lang ako.

"No need. Magsama na lang kayo!" sabi ko sbay alis sa harapan nilang dalawa. Kita kong marami nang tao ang nakikiusyuso pero hindi ko na 'yun pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at sumakay na sa Taxi na sinasakyan ko kanina.

"Buwisit!" sambit ko. Napasabunot pa ako sa sariling buhok dahil sa inis. Shit! Bakit nila ako pinagkaisahan? Pinagmukha nila akong tanga. Akala ko mahal niya rin ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. Pero puta! May kahati pala ako sa puso niya. Ang nakakainis lang do'n, best friend ko pa. Bakit niyo ito nagawa sa akin?

"Nakita ko ho ang pag-aaway niyo kanina. Gusto kong tumulong, pero hindi ko po gawain ang mangialam. Sa nakita ko, parang pinagpalit ka ng Girlfriend mo sa ibang lalaki."

Gusto kong mainis kay Manong. Bakit kailangan pa niyang ipaalala sa akin na niloko ako ng Gilfriend at best friend ko? Argh! Kainis sila!

"Sa bar ho tayo, Manong." sabi ko na lang.

"Maglalasing ho kaso, Sir? Naku, kahit naman po ilang bote pa ng alak ang inumin mo, hindi pa rin naman mawawala 'yung sakit na nararamdaman mo."

"Akala ko ba ayaw mong mangialam?" napakamot na lamang siya. "Alam kong di mawawala 'yung sakit. Pero kapag ininom ko ito, mawawala pa rin 'yon kahit saglit lang. Kahit saglit lang, ayoko muna silang isipin."

▫▫▫🎈▫▫▫

PAGKARATING ko sa bar ay kaagad akong umupo sa counter. Sumenyas lang ako ng 'isa' at automatic na nilagyan ako ng isang bote ng beer sa harapan ko. Pagkalagay ay kaagad ko iyon tinungga.

"Shit!"

Ilang ulit ko pa ba sasabihin ang salitang 'yan? Hindi ko lang talaga matanggap na niloko nila akong dalawa. Ang sakit lang, eh. Kung sino pa 'yung pinagkakatiwalaan mo nang husto, siya pa 'yung tatraydor sa 'yo. Pinagkatiwalaan ko sila, pero ito ang isinukli nilang dalawa. Argh! Buwisit na buhay 'to!

Hindi lang isa, dalawa o tatlong bote ng beer ang nainom ko. Hindi ko na nga mabilang, eh. Nahihilo na kasi ako at parang domodoble na 'yung paningin ko.

"Boss, kaya mo pa ba?" napatingin ako doon sa nagtanong. Ang sarap niyang sapakin!

"Hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya 'yung sakit. P*tang *na nilang lahat! Bakit nila ako niloko!? Shit! Nagmahal lang naman ako, eh! Pero bakit ako nasasaktan nang ganito? Kainis!" nahihilo na talaga ako. Sinubukan kong tumayo pero napa-upo rin pabalik. Bakit gano'n? Lasing na ako. Natamaan na ako ng alak pero bakit nasasaktan pa rin ako? Bakit naaalala ko pa rin sila?

"Ano pong address niyo, Sir? Ipapahatid ko na kayo." sabi sa akin ng bartender. Pero itinaas ko lang ang kanang kamay ko at winawagayway. Sign na ayoko.

"Huwag na. Kaya kong umuwi mag-isa." Sabi ko sabay tayo ulit. Nang ok na ay nagsimula na akong maglakad palabas ng bar.

▫▫▫🎈▫▫▫

HINDI kalayuan ay may nakita akong babae sa gilid, malapit lang sa bar. Naka-upo siya at parang... Umiiyak? Hindi ko alam. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil nga sa domodoble na ang paningin ko at madilim na rin. Ang tagal ko pala sa bar na 'yon, ang dami ko nang nainom pero hindi rin naman tumalab.

Habang nag-aantay ng Taxi na dadaan ay hindi ko maiwasan na ibaling ang tingin doon sa babae sa gilid. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya pero napapatingin ako kahit hindi ko naaninag ang mukha niya. Pero parang may kahawig siya sa posisyong iyon... Si Rhian!

Sinadya kong lumapit sa kanya, hindi para sisihin siya kundi para suyuin siya. Ayokong mawala sa akin si Rhian. Ayoko. Mahal na mahal ko siya at handa akong kalimutan ang nangyari, bumalik lang siya sa akin.

Pagkalapit ko sa kanya ay kaagad ko siyang niyakap. "Tell me you love me, tell me you need me at kakalimutan kong niloko mo ako. Please, just say you love me." Pagmamakaawa ko habang nakayakap na sa kanya.

"Let go of me!" tinutulak niya ako palayo pero hindi ko siya pinansin at niyakap ko pa rin siya. Nang sinubukan niyang itulak ako sa pangalawang pagkakataon ay hinalikan ko na siya. Noong una ay nanlaban siya, pero hindi nagtagal ay humina ang pagtulak niya sa akin at sa gulat ko ay tumutugon na siya ngayon sa halik ko. Wala akong pakialam kung may makakakita man sa amin ngayon, ang gusto ko lang gawin ay ang halikan ang taong mahal ko. Hindi ko alam kung na-miss ko lang ba siya o talagang masarap talaga ang halik niya noon pa man? Parang ayoko nang itigil ito.

"I love you, Babe!" I said between our kisses. Di siya nagsalita at hinalikan ko na ulit siya.

"Please don't leave me. I love you too." Hindi ko alam kung bakit 'yun ang sinabi niya. Ako dapat ang magsabi no'n sa kanya, na sana 'wag niya akong iwan. Na 'wag niya akong ipagpalit kay James. Lihim akong napangiti nang malaman kong mahal niya talaga ako. Na mas pipiliin niya ako than James.

And the next thing I know, nararamdaman ko na lang na parang nasa isang malambot na bagay kaming dalawa, nakahiga at patuloy pa rin na naghahalikan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status