Sunshine's Point Of ViewMAINIT. Sobrang init ng pakiramdam ko ng mga oras na iyon. Bawat pagdampi ng labi niya sa katawan ko ay siya rin namang kilabot ang nararamdaman ko. Nakakapanindig-balahibo ang kanyang mga halik. He's kissing me hard and I response. Shit. This feeling. Once again, nasa isang malambot na bagay na naman kami nakahiga at patuloy na naghahalikan. But this time, pareho na kaming nasa katinuan. We didn't stop kissing until we were both gasping for an air."I love you, Babe!" sabi niya sa pagitan ng halik."I love you too, Babe!"His kisses become harder at nararamdaman ko na rin ang pagiging malikot ng kanyang mga kamay. Kung saan-saan na lang ito napupunta. Patuloy lang kami sa paghahalikan hanggang sa na-realize ko na lang na nasa ibabaw ko na pala siya. He took off my dress at ganoon din ang ginawa ko sa kanya. I took off his shirt, at kitang-kita ko naman ang napaka-yummy niyang pangangatawan. Nakakasilaw! Basang-basa na ito ng pawis, na siya namang nakakadagdag
Sunshine's Point Of ViewALMOST a month din noong huling nagparamdam sa akin si Bryan. After that call, hindi na rin siya ulit tumawag pa. Buti naman. Ok na kasi ako, eh. Ok na ako kay Patrick at ayokong bumalik pa siya sa buhay ko.Kinabukasan lang din no'n ay nakapag-usap na ulit kami ni Patrick nang maayos—yung wala akong inis na nararamdaman. Sinabi ko sa kanya kung sino ang tumawag kaya tinanong niya ako."Mahal mo pa ba siya?" Hindi ko alam kung bakit niya ako tinatanong ng ganito at hindi ko rin alam kung ano bang isasagot ko. Ano nga bang isasagot ko?"Hindi ko alam," tanging nasabi ko lang. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam. Simula kasi nung nagparamdam siya kanina, may kung ano akong naramdaman—maliban sa galit, na hindi ko maintindihan. Bigla akong kinabahan na ewan."Hindi naman ako magagalit kung sasabihin mong 'Oo', eh." Napatingin ako sa kanya. "Kasi alam ko naman na ako lang ang pipiliin mo than any other guy, diba? So, wala akong dapat na ipangamba kung sasabihin mo
Sunshine's Point Of View"PRINCESS, samahan mo naman ako." aya ko sa kanya. Nandito pa rin kami ngayon sa tambayan. Mag-fo-food trip daw mamaya tapos movie marathon. Psh. Daming alam."Huh? Ok. Pero saan naman?"Napatingin ako sa direksiyon ng mga boys na ngayon ay nag-vi-video games na."Ah, mall? Shopping? You know, it's kinda boring here, tingnan mo naman sila lang yung nag-eenjoy sa paglalaro. At saka parang may bibilhin kasi ako, eh.""Ano naman 'yun?"Daming tanong. Pwede namang ok na lang, eh. Haha. "Hindi ko alam, eh. Alam mo 'yun? Yung parang may naiisip ka nang bilhin pero dahil di mo rin mabigkas, nakakalimutan mo na rin kung ano 'yun." napaatras naman ang ulo niya sabay taas ng isang kilay. Magulo ba explanation ko? Napakamot na lang ako. Nasa utak ko na, eh, di ko mabigkas kaya di ko malaman kung ano talaga. Ewan! Pero may bibilhin talaga ako, promise!"Praning ka. Gutom lang 'yan," napa-pout na lang ako. Pero nang ma-realize ko ang sinabi niya ay kaagad rin akong nagsali
Sunshine's Point Of View"Sunny! Sunny, wake up!"Mula sa pagiging blurred ay unti-unti nang lumilinaw ang paningin ko at kita ko na ngayon ang mukha ng bestfriend kong alalang-alala na nakatingin sa akin. What happened?"Oh my God! Pinakaba mo naman ako do'n, eh!" sabi pa niya. Napaupo naman ako at inilibot ang paningin habang nakahawak ang mga kamay sa ulo na siyang sumasakit na naman. Nasa tambayan ba kami ngayon?"What happened?" kaagad kong tanong."Nag-collapse ka kanina," mabilis niyang sagot. "Ano, may masakit pa ba sa 'yo? May sakit ka ba? Bakit di mo sinasabi sa akin?" sunod-sunod niyang tanong. Kita kong nag-aalala talaga siya."Huh? W-Wala akong sakit, noh! Masyado lang siguro akong napagod kaya nahimatay." sagot ko naman saka ngumiti. "H'wag ka ngang OA d'yan!" tinawanan ko pa siya na siya namang nakapagpakunot ng kanyang noo saka ako hinampas sa braso nang hindi naman kalakasan."Nagawa mo pa talagang tumawa nang ganyan, samantalang alalang-alala naman ako." singhal niya
 Sunshine's Point Of View"BABE, 'asan ka ngayon?" text ko kay Patrick. Ilang araw na rin siyang di nagpaparamdam sa akin. Nag-aalala na ako. Ano na kayang nangyayari dun? Nilagay ko muna sa side table ang phone ko pero wala pang limang segundo ay di pa rin iyon tumutunog. Shet. Bakit ang tagal niya magreply?'Di ko na siya nakakausap this past few weeks. Kapag nagtetext ako sa kanya, 'di naman siya nagrereply. Kapag tatawagan naman, walang sumasagot. Pumunta ako sa bahay nila, wala rin daw siya doon. The last time na pumunta ako sa tambayan, wala ring mga tao doon. Wala rin naman siyang sinasabi sa akin kung saan siya nagpupunta. Nakakatampo na, ha! Dapat na ba akong kabahan? Kasi sa totoo lang, parang papunta na do'n 'yung nararamdaman ko.Again, nakatutok pa rin ako sa phone ko at hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na text message galing sa kanya. This is weird. Nagmadali akong nagbihis at kinuha ang sling bag ko saka ako lumabas ng bahay. Tama, pupuntahan ko siya s
Sunshine's Point Of ViewMAGDAMAG akong 'di nakatulog kagabi kaiisip sa nangyari kahapon at sa nangyayari sa akin ngayon. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako. Anong nangyayari?Kahit hindi niya sabihin sa akin, alam kong siya talaga si Bryan. Sigurado na talaga ako this time. Bryan. Bryan. Peste! Anong balak mo, Bryan? Bakit nagpakita ka pa ngayon? 'Yon ba talaga ang rule mo sa buhay ko? Ang iwan ako at mawala na lang bigla? Tapos, 'pag naka-move on na ako, saka ka babalik ulit?"Hija, may bisita ka." Napalingon ako kay Mama sa nakabukas na pintuan."Sino ho?" tanong ko. Pero 'di pa man siya nakakasagot ay may nakita na akong aninong palabas doon sa dingding. At pagkatapos ay iniluwa niyon ang bulto ni Patrick. Right! May kasalanan pa nga pala sa akin ang isang 'to."Babe." Tinalikuran ko siya. Anong akala niya, makakalimutan ko na lang 'yung paglalandian nilang dalawa no'ng babaeng 'yon? Huh! Landian talaga."Galit ka ba sa akin?" Aba! At tinanong pa talaga, ha? Hindi pa
Sunshine's Point Of ViewKAGAYA ng ipinangako ko sa kanya, naging masaya ako. Isang buwan na ang nakalipas magmula no'ng magpaalam ako kay Bryan sa huling hantungan niya. Mamimiss ko siya. Sobra. That day was one of my most painful days. Ang makita kong ililibing na 'yung taong minsang nagpasaya, naging bahagi, at naging mahalaga sa buhay ko. Kahit na hindi ko man aminin sa iba, alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon ay may natitira pa rin akong pagmamahal para sa kanya. Sabi nila, "just move on because life goes on" kaya 'yon ang ginagawa ko ngayon. Sabi nga rin ni Bryan, "be happy" raw kaya susubukan kong maging masaya. At least, para sa kanya at para na rin sa kinabukasan namin.Hindi pa gaanong malaki ang tiyan ko kaya hindi pa masyadong nahahalata ni Patrick na buntis pala ako. Naghihintay lang kasi ako ng tamang panahon para sabihin iyon sa kanya."Hello?" sagot ko sa tawag."Babe? Favor naman, oh? 'Yung damit kasi na susuotin ko ngayon sa shoot, naiwan. Please? Nasa kwarto ko
Sunshine's Point Of ViewMASYADONG madrama? Overreacting? Gano'n na ba ako sa ginagawa ko ngayon? Oo, nandito nga ako ngayon sa bahay ni Princess, lumalayo kay Patrick. Wala akong ibang mapuntahan, eh. Nakakainis lang kasi talaga. Siguro nga nagiging OA na ako, pero wala akong pakialam. Ikaw kaya, makita mo 'yung boyfriend mong may kahalikang ibang babae, 'di ka rin kaya magmumukmok at iiyak nang bongga kagaya ng ginagawa ko ngayon?"Ayaw umalis, eh. Gusto talagang pumasok," sabi sa akin ni Princess nang makapasok na siya sa kwarto."Hayaan mo siya," matigas kong sagot. 'Di na rin naman siya sumagot pa at tumahimik na lang.Alam niya ang nangyari, sinabi ko kasi kanina. Siya ang tinawagan ko nang magkaproblema kami kanina ni Patrick."Alam mo, magpahinga ka na lang muna. Masama kasi para sa bata 'yang ginagawa mo, eh. Nagpapaka- stress."Ngumiti lang ako sa kanya saka pa humiga nang maayos sa kama niya. Pero pagkalapat na pagkalapat lang ng ulo ko sa unan ay siya rin namang biglang pa