Share

Chapter 3

Sunshine's Point Of View

"SINABI ko naman sa 'yo, 'di ba? Habang maaga pa ay hiwalayan mo na siya. Kasi pinagmumukha mo lang siyang tanga, eh," sabi ko sa ka-chat ko.

Nasa bahay lang ako ngayon, nag-i-internet. Ka- chat ko ngayon ang long-time friend ko sa f******k. Yes, sa f******k lang talaga. 'Di ko pa siya na-mi-meet sa personal pero sa tingin ko, mabait naman siya. Ang gaan niya rin kasing kausap. Ang tagal na rin nang huli kaming mag-usap. Alam ko 'yung tungkol sa love life niya, siyempre.

"Alam kong kasalanan ko, pero anong magagawa ko? It was a dare game!"

"Yeah, I know." Hindi ko alam kung kanino ako maaawa, kung sa kanya ba o doon sa niloko niya.

"Puwede ba tayong magkita?"

Napatigil ako sa tanong niya. Hindi naman ako busy. Saka, bored din naman ako sa bahay so... gora na lang!

"Uy, ano na?"

"Okay."

Pagkatapos niyang sabihin ang address na pagtatagpuan namin ay kaagad akong naligo at nagbihis. Woah! First time kong makita ang mukha niya sa personal.

▫▫▫🎈▫▫▫

"Nasaan kaya sila dito?" tanong ko sa sarili habang tumitingin sa paligid. Sa labas lang kasi ng mall ang usapan naming dalawa. Sabi ni Princess, isasama raw niya 'yung boyfriend niya ngayon. Eh, ang dami kayang tao! Hindi ko sila mahanap. Wala pa naman akong load kaya 'di ko rin sila ma-text. Oo, may number kami sa isa't isa. Mayamaya lang ay nag-vibrate ang phone ko. Pagtingin ko, galing pala kay Princess 'yung text.

"Hindi kita ma-recognize. Haha! Pero nandito na ako sa meeting place. Ang dami kasing tao. Taas mo nga kamay mo," utos niya. Ano kaya raw 'yon? Pero 'di na ako nagtanong pa at itinaas ko na lang ang kamay ko. Para naman akong timang nito.

"Sunny!"

Napalingon ako sa tumawag. I know it was her. Siya lang naman kasi ang tumatawag sa akin nang gano'n. Pagkatapos ay may lumapit na sa aking babae. Maganda siya.

"Princess?" tanong ko sa kanya. "Yup!"

Nakangiting sabi niya. 'yung ngiti niya, nakakahawa kaya napangiti na rin ako. Hindi ko malaman kung mag-be-beso ba ako sa kanya o yayakapin eh, kaya nagtawanan na lang kami pareho.

"So, ano nang plano mo ngayon?" tanong ko. Nasa restaurant kami ngayon. Hindi ko alam kung nasaan na 'yung boyfriend niya. Ang sabi niya kasi, kasama niya.

"Mahal ko naman siya, eh. Kaya lang, nagbago ang lahat nang mangyari 'yung dare na 'yon."

"Hindi ko naman tinatanong kung mahal mo ba siya o hindi, eh. Ang tinatanong ko, ano nang plano mo ngayong alam na niya ang lahat?"

"Hindi ko rin alam. Gusto kong mag-sorry sa kanya kaya lang, nauunahan talaga ako ng kaba. Nahihiya rin akong humarap sa kanya, baka kasi magalit lang siya sa akin. Ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita," sabi niya.

Kumakain na kami ngayon habang nag-uusap. Kanino ba ako maaawa? Doon sa lalaking niloko niya, o sa kanya?

"Hindi naman sa sinusumbatan kita, ha? Pero kasi, may mali ka rin, eh. May boyfriend ka na pero pumatol ka pa rin sa dare na 'yon. Pero teka nga lang muna, nasaan na ba 'yung sinasabi mong boyfriend mo?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagtanong na rin. Nakaka-curious lang kasi.

"Ayan na pala siya!"

Pagkasabi niya noon ay kaagad naman akong lumingon sa likuran ko. At doon, may nakita akong lalaking pumasok at naglakad papalapit sa amin. So, siya pala ang boyfriend ngayon ni Princess? Napatango na lang ako. In fairness, ha? Gwapo siya. Matangkad.

"Sorry, I'm late. Masyadong traffic," sabi niya sabay kiss sa pisngi ni Princess at pagkatapos ay umupo na.

"It's okay, Sweety. Ah, Sweety. Meet Sunshine Bernardo, my long-time bestfriend sa F******k," nakangiting pakilala niya sa akin. Err. Parang nababaduyan yata ako sa tawagan nilang dalawa. "Sunny, meet James Alarco, my boyfriend." Nakipag-kamay lang ako kay James at bumalik na rin ulit kami sa pag-uusap.

"Nasaan na nga tayo?" tanong ko.

"'Wag na sa problema ko. 'Yung sa 'yo naman.

Kumusta na ang puso mo?"

"Bakit? May sakit ka ba sa puso, Sunshine?" sabat naman ni James. Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Ano ka ba, Sweety! Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Brokenhearted kasi ang isang 'yan. Iniwan siya ng boyfriend n'ya at ipinagpalit sa pangarap."

"Aww," sabi niya na parang siya ang nasasaktan. "It's okay. Matagal na rin naman 'yon, eh. At ginagawa ko ang lahat ng best ko para tuluyan ko na siyang makalimutan. Hindi ko naman masasabing fully recovered na talaga ako, na naka-move on na talaga ako sa kanya. Siyempre, kahit papaano ay naaalala ko pa rin naman siya," sabi ko. Natahimik naman ako bigla. Naalala ko kasi si Bryan. Pero ito yata ang unang beses na naalala ko ulit siya pero wala na 'yung sakit. Naka-move on na nga ba ako? Sana nga. At sana, maging masaya na lang siya sa buhay na pinili niya.

"What's his name nga ulit?" "Bryan."

"Right! Bryan."

Hindi ko alam pero biglang pumasok sa isip ko ang mukha niya nang banggitin ni Princess ang pangalan ni Bryan. Ang mukha na kahit kailan ay hindi ko makakalimutan. Ang mukha ng taong gusto ko nang makita ulit. 'Yung lalaking 'yon. Si Mr. Stranger? Nasaan na kaya siya ngayon? Hindi ko alam, pero I have this feeling na hinahanap ko siya. Na namimiss ko na siya. Gosh! Ano bang nangyayari sa akin? Ewan. Abnormal na yata ako. Eh, hindi ko nga kilala 'yung taong 'yon, eh!

"Ang lalim yata ng iniisip mo?" Natauhan ako nang magsalita si James.

"Oo nga, Sunny. Sino bang iniisip mo?" "Hindi ko kilala," wala sa sarili kong sagot. "Ha? Puwede ba 'yon?"

Napatingin naman ako sa kanila. "Alam niyo, gutom na ako! Kumain na nga lang tayo!" sabi ko na lang at natawa na lang silang dalawa.

Pagkatapos ng sobrang tagal na chikahan namin ay nagpasya na akong umuwi na. Masaya naman pala silang kausap, eh. Akala ko, makakaramdam ako ng pagkailang kay Princess kasi nga, first time naming mag- meet pero hindi pala. Si James, feel ko rin na matino siyang tao. Magaan ang loob ko sa kanilang dalawa kahit ngayon ko lang sila nakaharap.

Pauwi na ako no'n sa amin nang madaanan ng sasakyan namin ang isang lugar na hindi na nabura sa isip ko, ang Loonies bar. Pinahinto ko muna ang sasakyan kay Manong saka bumaba. Pumasok naman ako sa loob ng bar at dumiretso sa counter. Bakit ba ako nagpunta dito? Para hanapin ang lalaking 'yon? Siguro. Weird. Pero I think, I really miss him. Gusto ko ng makita ulit ang mukha niya. Hinanap ko siya sa bawat sulok ng bar na iyon pero bigo ako. Siguro nga, hindi na kami magkikita pa. Siguro, kagaya ni Bryan, kailangan ko na rin siyang kalimutan.

Pagkalabas ko ng bar, napatingin ako sa isang upuan sa 'di kalayuan. Ang upuan kung saan ako niyakap ng lalaking iyon. Napaupo ako doon at saglit na hinimas iyon. Nasaan ka na?

"Dapat magalit ako sa 'yo kasi kinuha mo 'yung pagkababae ko. Kasi, kahit hindi kita kilala, may namagitan sa ating dalawa. Pero abnormal na yata ako, eh. Instead of anger, saya ang nararamdaman ko ngayon. Magkikita pa ba ulit tayo?" tanong ko sa isipan ko.

Tumayo na ako sa upuang iyon at aalis na sana pero nagulat na lang ako nang may biglang yumakap sa akin na hindi ko kilala. Wait, déjà vu?

"I knew it was you!" Nanayo ang mga balahibo ko dahil sa gulat at napadilat ang mga mata. Is it him? Nang humiwalay na siya sa yakap ay pagkakataon ko nang makita ang mukha niya. At nang makaharap ko na siya, hindi pa rin ako makapaniwala. Yes, it's him! Dahil sa tuwang nararamdaman ko ay ako naman ang yumakap sa kanya.

"God! Hinanap kita!" sambit ko. Hindi ko alam kung ano itong nararadaman ko. Hindi ko siya kilala pero niyayakap ko siya. Hindi ko siya kilala pero iniisip ko siya. At higit sa lahat, hindi ko siya kilala pero sobrang saya ko na nandito na siya. Isa siya sa naging dahilan ko kung bakit gusto kong kalimutan si Bryan. Hindi ko siya kilala, pero parang ang laki ng naging epekto niya sa akin.

"You don't know how much I missed you!" Humiwalay na ako sa yakap. "Gabi-gabi akong nagpupunta sa lugar na 'to, nagbabaka-sakaling makita kita ulit pero palagi akong bigo."

Seryoso? Gabi-gabi talaga siyang nandito? Bakit ngayon ko lang ulit nadaanan ang lugar na 'to? Hindi ko alam kung paano ko ba ipapakita sa kanya ang sayang nararamdaman ko ngayon. Ang alam ko lang ay hinalikan ko siya at tinugunan naman niya ang halik kong iyon. Shit! I miss this feeling! Parang ayoko nang itigil pa. Ang mukha niya, ang labi niya, ang buong siya. I finally found him!

"Thank you," sambit ko.

"Shh... Don't cry." Hindi ko alam, napaluha na pala ako. Siguro, dahil lang sa tuwa ito.

"Akala ko talaga, hindi na ulit kita makikita pa. I was about to forget you, kagaya ng paglimot ko sa kanya. Pero buti na lang at hindi ka nahuli ng dating."

"Pareho lang pala tayo. Akala ko, hindi ko na ulit makikita ang maganda mong mukha. Nakakabaliw lang. Hindi ko naman ito naramdaman noon kay Rhian." Napatigil ako sa sinabi niya.

"M-May girlfriend ka?" Nanlambot ang mga tuhod ko nang itanong iyon sa kanya. Paano kung may girlfriend pala siya, tapos may namagitan na sa aming dalawa? No. Ayokong maging hadlang sa kanilang dalawa.

"Wala na. Ipinagpalit niya ako sa ibang lalaki. Worse is sa bestfriend ko pa." Naptingin ako sa mga mata niya. Kita kong nasaktan talaga siya. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. Bakit ang dami yatang mga brokenhearted ngayon?

"Brokenhearted ka rin pala. Pareho lang tayo. Pareho tayong nasaktan. Ako, iniwan ako ng boyfriend ko at ipinagpalit sa pangarap niya."

"I'm sorry," sabi niya sabay haplos sa pisngi ko.

Ang lapit lang ng mga mukha namin sa isa't isa.

"No. Don't be. Wala ka namang kasalanan, eh." Pagkatapos kong sabihin iyon ay hinalikan niya ulit ako. Kahit ilang beses pa niya akong halikan, hindi ako magsasawa. Nakakamiss 'yung halik niya. Nakakaadik.

"Miss?" putol niya sa halikan namin. Nag-'hmm' lang ako at nagpatuloy na siya. "I don't know if this is normal, but I think I already like you. Or should I say, love you?" Nakipagtitigan lang ako sa kanya. Kinikilig ako siyempre, pero ayokong ipakita iyon sa kanya.

"Am I? Am I already in love with you kahit hindi pa kita kilala?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status