Chapter Twenty FiveBeelzebub’s First Love KINAGABIHAN, sa taas ng bubungan ng bahay nina Beelzebub ay nakahiga lang ito at nakapikit, kanina pa siya sa taas ng bubong at nag-iisip ng mga bagay na tungkol sa kaniya na hindi na niya maintindihan. Simula ng tulungan niya si Rana, dalhin sa unang bahay na tinirahan nila ay kakaibang mga gawi ang ginagawa niya para dito ang nagpapagulo sa utak niya , yet patuloy niyang ginagawa.Bago sa kaniya ang pag-aalala niya para sa isang tao, ang pagkamuhi niya sa mga tao ay para sa lahat dahil ang lahi ng mga ito ang pumatay sa kaniyang ina, pero hindi niya magawang kamuhian si Rana. Hindi niya mapigilan na panuorin lahat ng ginagawa nito at sa tuwing may mga bagay na ikakasakit nito ay ginagawa niya ng paraan upang hindi na ito masaktan. Ibinigay pa niya dito ang ilang bahagi ng apoy ng buhay niya na kahit siya ay nagulat sa sarili niya kung bakit kailangan niyang ibigay ang ilan sa apoy ng buhay niya para lang makakita si Rana. Wala siyang nagin
Chapter Twenty SixBeelzebub’s First Love“Umiyak ka ba, Rana?”Pagkabalik na pagkabalik nina Beelzebub at Rana sa kusina ay agad na pinansin ni Victoria ang mga mata ni Rana na pati sina Endemion ay napatingin na rin kay Rana na bahagyang nilingon si Beelzebub na nakakunot ang noo.“H-huh? Hi-hindi naman ako umiyak, Victoria.”tanggi ni Rana sa sinabi ni Victoria na ikinatitig ni Endemion sa kaniya.“Namumula ang ‘yong mga mata, Rana, pinaiyak ka ba ni Beelzebub?”ani ni Endemion na bahagyang ikinaingos ni Beelzebub.“Pwede bang kumain nalang tayo kaysa ang dami niyong pinupuna dyan.”singhal ni Beelzebub kay Endemion na ikinangiti lang nito.“Pinaiyak ka ni kamahalan nung hinila ka niya paalis di—““Gusto mo bang maging abo ng wala sa oras bampira?”putol na sita ni Beelzebub kay Victoria na ikinaayos ng pagkaka-upo nito.“Nagtatanong lang naman ako kamahalan.”“Okay lang ako Victoria, napuwing lang ako kaya namula ang mga mata ko.”ngiting ani ni Rana.“Mukhang ang prinsipe namin ay aya
NAKAUPO at nakadukmo sa pagitan ng mga tuhod nito si Rana habang humihikbing umiiyak sa bote na pinaglagyan ni Antaura sa kaniya, kanina pa siya sumisigaw at humihingi ng tulong at umaasang maririnig siya ni Beelzebub pero unti-unti siyang nawawalan ng pag-asa dahil alam niyang hindi siya maririnig ni Beelzebub.Hindi alam ni Rana kung anong balak ni Antaura para agawin nito ang katawan niya at ikulong siya sa isang bote, hindi niya maunawaan kung bakit kailangan pa itong gawin ni Antaura para lang makuha ang pansin ni Beelzebub. Dahan-dahan ng na itinunghay ni Rana ang kaniyang mukha at pinunsan ang pisngi na nabasa ng kaniyang mga luha.“Hindi dapat ako umiiyak, alam ko na malalaman nina Beel na hindi ako ang nasa katawan ko kundi si Antaura. Naniniwala akong malalaman ni Beel kung sino talaga ang Rana na haharap sa kaniya, kailangan kong tatagan ang loob ko. Naranasan ko ng makulong ng ilang beses sa bodega ni tita, kaya hindi dapat ako panghinaan ng loob sa ganito lang. Makakabali
Chapter Twenty EightBeelzebub’s First LoveNAKAKUNOT ang noo ni Beelzebub habang naglalakad sila ni Antaura papunta sa bayan habang nakayakap sa kanang braso niya ito, kanina pa napapaisip si Beelzebub kung bakit pakiramdam niya hindi niya gustong hinahawakan siya ni Rana na wala siyang kaalam-alam na si Antaura ang nasa katawan nito. Nang hawakan siya sa kamay ni Antaura ay hindi niya naramdaman ang kakaibang pagtibok ng pusong demonyo niya sa tuwing hinahawakan siya ni Rana.Naguguluhan din si Beelzebub kung bakit biglang hindi niya nagustuhan ang presensya ni Rana pero dahil si Rana ang nakikita niya ay inisip niya nalang na pagka disgust siya dito, pero hindi ‘yun tumutugma sa nararamdaman niya. Napansin din niya na masyadong naging malapit si Rana sa kaniya na hindi na ito halos bumibitaw sa kaniya simula ng lumabas sila sa bahay.“Wala naman palang magandang mapupuntahan sa bayan na ‘to, mabuti nalang kasama kita Beelzebub.”pahayag ni Antaura na mas ikinakunot ng noo ni Beelzeb
Chapter NineBeelzebub’s First Love“Gusto mo bang sumama sa akin sa demon realm at maging reyna ko?” seryosong tanong ni Beelzebub kay Rana na ikinagulat nina Endemion at Victoria ganun si Antaura sa sinabi at inanlok ni Beelzebub kay Rana na nakatitig lang mga mata ng isa’t-isa.“Ano?! Nahihibang ka ba Beelzebub sa sinasabi mo? Bakit isang tao at ‘yang babae pa na ‘yan ang inaalok mo para maging reyna mo!”sigaw ni Antaura na hindi nagustuhan ang narinig kay Beelzebub na ikinatayo nito sa kinauupuan nito.“Sa tingin mo ba papayag ang haring Dagon na maging reyna mo ang isang tao?!” bulyaw pa nito na ikinaayos ng tayo at ikinalingon ni Beelzebub kay Antaura na dahil wala iting paningin ay hindi nito alam kung saan ito haharap.“Hindi ko naman kailangan ng pagsang-ayon dito ng aking ama, kung hindi niya magugustuhan ang gusto, ko sa tingin mo ba hindi ko ipaglalaban ang nais ko?” pahayag ni Beelzebub na ikinahawak ni Rana sa kaniyang dibdib dahil sa pagbilis ng tibok ng puso nito sa mg
Chapter ThirtyBeelzebub’s First LoveMay nararamdaman na ako sayo tao, ako si Beelzebub na ikatlong prinsipe ng demon realm ay umibig na sa isang tao nasa harapan ko ngayon. Umiibig na ako sayo, Rana.May nararamdaman na ako sayo tao, ako si Beelzebub na ikatlong prinsipe ng demon realm ay umibig na sa isang tao nasa harapan ko ngayon. Umiibig na ako sayo, Rana.May nararamdaman na ako sayo tao, ako si Beelzebub na ikatlong prinsipe ng demon realm ay umibig na sa isang tao nasa harapan ko ngayon. Umiibig na ako sayo, Rana.Napabalikwas si Rana sa kaniyang pagkakahiga dahil sa paulit-ulit na pumapasok sa isipan niya ang sinabi ni Beelzebub sa kaniya sa may itaas ng bubungan. Hindi siya makatulog dahil hindi maalis sa isipan niya ang mga binitawang salita ni Beelzebub, kaya hanggang ngayon ay ramdam niya ang pagiinit ng mukha niya.“Ano ka ba Rana, paano ka makakatulog kung ‘yun ang iisipin mo?” mahinang angal ni Rana sa kaniyang sarili na bahagyang nilingon si Victoria na natutulog sa
Chapter Thirty OneBeelzebub’s First LoveSA ISANG MALIIT na barangay na malayo sa bayan, ay mistulang ghost town ang nangyari dahil sobrang tahimik ang lugar na iyon. Maliwanag pa ang sikat ng araw pero walang makikitang tao kahit isa sa lugar na ‘yun pero sa bawat loob ng bahay na meron doon ay makikita ang bawat katawan ng mga naninirahan na wala ng buhay dahil sa literal na pagkawala ng mga kaluluwa nito.Naubos na ang buhay sa barangay na ‘yun dahil sa isang demonyo na kinuha lahat ng mga kaluluwa ng mga naninirahan doon, matanda man o bata, inosente man o masama, at kinukuha nito ang huling kaluluwa ng isang batang hawak nito sa huling bahay sa barangay na kinalalagyan nito.“Mukhang madami ka ng kaluluwa na nakain, Escanor, pati mga taong may mabubuting kaluluwa pinakielaman mo. Baka magalit ang nasa itaas at bigla ka nalang alisan ng buhay.” Pahayag ni Zeldris habang nakasandal ito sa pader at nakatingin sa nakakatandang kapatid nito na hinagis ang wala ng buhay na katawan ng
Chapter Thirty-TwoBeelzebub’s First LoveSAYA ANG namumutawi sa mga mata ni Rana habang nakatingin sa garden nila na napupuno ng mga itim na rosas na si Beelzebub ang may gawa, tinapos nito kagabi ang sinimulan nito habang pinapanuod siya ni Rana, simula ng magising si Rana at magkausap sila ni Beelzebub at mangyari ang first kiss nilang dalawa ay sinamahan na niya si Beelzebub na itanim na ang natitirang mga buto ng rosas hanggang sa tumaas na ang araw, at ‘yun ang naabutan nina Endemion sa kanila.“Ikaw ba ang may gawa nito, Beelzebub?” baling na tanong ni Endemion kay Beelzebub na nagpapagpag ng kamay nito.“Sino pa ba? Nakakabwisit lang dahil lahat sila kulay itim.” Ani ni Beelzebub na bahagyang ikinatawa ni Endemion sa kaniya.“Ginamitan mo ba ang mga bulaklak na ‘yan ng kapangyarihan mo?”“Kung hindi ko gagamitan ng kapangyarihan ko ang mga bulaklak na ‘yan hindi ‘yan tutubo agad.” Ani ni Beelzebub na nilingon si Rana na nakikita niya ang saya sa mukha nito habang nakatingin sa