Share

Chapter 47

“Beelzebub, aking kapatid. Bakit hindi ka lumabas upang salubungin ang magigig bagong hari ng demon realm.” Isang boses na kilalang-kilala nina Endemion na nangagaling mula sa labas.

“Escanor….”madiin na sambit ni Beelzebub habang yakap-yakap niya parin si Rana.

“Beelzebub, hindi dapat natin ngayon harapin si Escanor lalo pa at kasama natin sina Rana. Tumakas muna tayo sa kaniy---Beelzebub!”

Hindi na napigilan ni Endemion si Beelzebub ng tumayo ito at iwan si Rana sa tabi ng walang buhay na si Belial. Patuloy parin ito sa pag-iyak dahil sa nangyari kay Belial, nanginginig na hinawakan ni Rana ang ulunan ni Belial.

“B-Belial…”

Agad na nilapitan ni Victoria si Rana at inalalayan ito, hindi maiwasan ni Victoria na sisihin ang sarili dahil hindi niya pa sinama pabalik si Belial.

“Rana…”

“Bakit kailangang mamatay ni Belial, bakit Victoria…”iyak ni Rana na ikinayakap ni Victoria dito.

“Victoria, ikaw na muna ang bahala kay Rana. Hindi ko pwedeng hayaan si Beelzebub na humarap kay Escanor ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status