Share

Chapter 48

"Rana, kailangan mong magtago. Hindi ka ligtas sa mga oras na 'to. Sa oras na makita ka ng kapatid nina kamahalan baka kung anong gawin niya sayo."

Matapos makita ni Victoria na malakas si Escanor habang nilalabanan ito nina Beelzebub ay agad niyang binalikan si Rana na nasa tabi ng wala ng buhay na si Belial. Nakatulala lang si Rana ng hawakan ito ni Victoria sa magkabilang balikat at pinaharap sa kaniya.

"Naririnig mo ba ak--"

Hindi natapos ni Victoria ang sasabihin niya ng malakas na nasira ang bintana ng bahay na ikinayakap niya kay Rana upang proteksyunan ito sa mga nagtatalsikan na kahoy. Agad niyang nilingon kung sino ang tumilapon ng makita niya si Zeldris.

"Zeldris!"

Akmang tatayo si Victoria upang lapitan si Zeldris ng mabilis itong tumayo mula sa pagkakasalpok nito sa pader papuntang kusina ng itaas nito ang kanang kamay nito sa harapan niya.

"Huwag kang lalapit Saliya, umalis na kayo ni Rana at magtago malayo dito." ani nito ng makita ni Victoria ang sugat nito sa balikat.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status