Share

Chapter 41

Agatha POV

Isang linggo na ang lumipas simula ng marinig ko ang sinabi ni Ethan sa isang interview ay hindi na ako mapakali. Gusto kung malaman kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa kanya at kung bakit isang taon siyang nawala.

Wala si Nay Eve ngayon at umalis kaya nagpasya akong magluto dahil nakaramdam na din ako ng gutom, hindi ko namalayan na halos isang oras na pala akong nakaupo dito.

Kumuha na lang ako ng hotdog at itlog para iprito para mas madali maluto at pagkatapos ay nagsimula na akong kumain, hindi na ako nag abala pang magluto ng ibang ulam dahil matatagalan lang ako at ang tiyan ko ay hindi na makapaghintay. At isa pa ay sa susunod na araw pa ang balik ni Nay Eve kaya mag isa lang ako dito sa bahay.

Hindi din nagtagal ay natapos na ako sa pagkain at niligpit ang ginamit ko. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa sala para magtrabaho dahil may pinapagawa sa akin si Marcus, ang alam ko ay uuwi na siya sa susunod na linggo dahil tapos na ang trabaho niya sa ibang bansa.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status