35: AuctionInaantok man at masakit ang katawan pinilit niya pa rin ang maghanap. Binuhay niya ang lamp sa kwarto para kahit konti ay may ilaw. Binuhay niya rin ang flash ng kanyang phone para mas makakita siya sa mga madidilim na sulok.Inuna niya sa table ni Rocco. Pero bukod sa konting libro ay wala siyang nakikitang kakaiba doon. Binuksan niya rin ang mga drawer at naghalungkat sa ilang papel na nandoon. Mayroon ding mga folders, ngunit may isang nakakuha ng atensyon niya. It was a mail. Kumalabog ang puso niya nang makita ang address kung saan ito ipinadala.It was the address na ibinigay sa kanya ni sir Anton noong sinundan nito si uncle Solomon sa isang lugar. Kung ganoon alam din ni Rocco ang tungkol sa lugar na ‘yon. Ano bang mayroon sa lugar na ‘yon? Isa lang ba talaga itong property ng mga Howards o mayroon pang ibang rason?Binalik niya sa dati ang drawer. Hindi ito ang tamang panahon para mag-isip siya ng tungkol doon. Kailangan niyang mahanap yung invitation. Tumungo na
35.1: Il NostroNabuhay ang ilaw sa stage at doon nagpakita ang emcee na lumabas kanina pero ang mga mata ni Madison ay nanatili sa direksyon kung nasa’n si Rocco at ang babaeng kasama nito. Dahil may ilaw na sa stage natatanawan na rin niya si Rocco. Rocco was talking to the woman. Pinasadahan ni Madison ng tingin yung babae.The woman is wearing a sexy tube dress that hugged her body. Matangkad at sobrang sexy ng katawan ng babae. She also looks matured, hindi kalayuan sa edad ni Rocco. Nakamaskara man ito ay alam na ni Madison na magandang babae din ito.Nakita niya kung paano dumantay ang kamay ni Rocco sa bewang ng babae. Madison’s lips parted as her heart throb. Nag-iwas siya ng tingin. She felt uneasy. She felt…pain. Hindi niya gusto ang nararamdaman.Sino ang babaeng ‘yon? Bakit ito kasama ni Rocco? Is she his date for tonight? Kung ganoon…is she, his girlfriend?Kung ganoon…ano ako sa buhay ni Rocco?Hindi niya inakala na gagawin siyang tanga ni Rocco. At napaka tanga niya ri
36: Tell you everythingDahil wala si Madison sa mood na umuwi pa ng bahay ay inaya niya si Angeline mag mall. Sa mga oras na ito ang pinaka ayaw niyang makita ay si Rocco. Mas lalo lang naninikip ang dibdib niya sa tuwing nakikita niya ang lalaking ‘to. Hindi niya kayang umakto na wala lang ang lahat. Siguradong hindi niya ito kayang pakitunguhan ng maayos at siguradong magtatanong ito kung bakit ganoon ang inaasta niya.Ayaw niyang umabot sa ganoong pangyayari kaya mas mabuti pang umiwas na lang siya.“Sabihin mo nga sa ‘kin…” natigilan si Madison nang magsalita si Angeline habang kumakain sila ng ice cream sa DQ. Tahimik silang dalawa kanina kaya nagulat siya sa pagsasalita ni Angeline.“May gusto ka ba kay sir Rocco?” mas lalo siyang natigilan sa straightforward na tanong na ‘yon ni Angeline. Para siyang binagsakan ng yelo. Paanong…nag come up sa ganitong tanong si Angeline? Hindi kaya…may alam ito? O kaya…nararamdaman nito lahat ng inaakto niya?“P-Paano mo naman nasabi?” nag-iwa
37: FeelingsTulala si Madison nang makauwi na siya sa mansion. Nagtext sa kanya si Rocco na susunduin siya pero hindi siya nakinig dito at nagpasundo pa rin kay kuya Nelson. Now, Rocco is calling her after he texted her that he’s in school.Ako:I’m not in school anymore.Yun lang ang sinabi niya. Kahit may mabigat siyang nalaman tungkol kay Rocco hindi pa rin nito mababago ang katotohanan na maaaring pinaglaruan lang nito ang nararamdaman niya. Pero kahit ganoon medyo gumaan na ang pakiramdam niya. Sa totoo lang…mas nag-aalala siya ngayon kay Rocco.Paano kung hanggang ngayon nag iimbestiga pa rin si Rocco sa pagkamatay ni Heidi Howard? Hindi ‘yon imposible. Maaaring hindi lang nito pinapaalam sa kanila ng kanyang mommy pero malaki ang posibilidad na hanggang ngayon ay may imbestigador si Rocco tungkol dito.She contacted sir Anton at mabuti na lang ay mabilis itong sumagot sa tawag.“Is there any…news?” tanong ni Madison.“As of now po Ma’am wala pa. After sir Solomon visited that
37.1: SweetWala si Rocco sa breakfast. Pinilit niyang maging masigla pero napakahirap. Sinikap niya ring ngitian si Angeline pero ang loob niya walang ibang iniisip kundi si Rocco. Nakakabaliw. Para na siyang nababaliw. Hindi niya na alam kung anong iisipin at gagawin. Damn it!Kaya naman nung lunch ay nagpaalam siya kay Angeline na may aabyarin sa isang subject kaya nauna na itong naglunch sa kanya. But she only lied to be alone. Tumambay siya sa labas ng school. Malapit sa parking lot na mayroon bench. Sa oras na ito, ito ang pinakatahimik at walang tao.Doon siya umupo at napatulala. Malalim siyang bumuntong hininga.“Mind if you share the reason behind your heavy sighs?” halos napatalon sa gulat si Madison nang marinig niya ang boses ni sir Sargent!“Sir Sargent!”Umupo ito sa tabi niya. Umusog siya sa tabi para magkaroon ito ng space. Hindi niya man lang naramdaman ang presensya ni sir Sargent kanina. Ganoon ba siya kawala sa sarili kanina?“I was just…thinking about stuffs…” Ma
38: InvestigateSinabi niya kay Rocco na itago na lang ang nangyari sa mommy niya. Ayaw niyang malaman pa ng mommy niya na na ospital na naman siya dahil sa hemophobia niya. Ayaw niyang pag-alalahin pa ang kanyang ina. Kaya naman tahimik silang dalawa ni Rocco habang kumakain ng dinner kasabay ang mommy niya at si Uncle Solomon.Nang matapos ang dinner ay mabilis din siyang nagpaalam sa kanyang ina para magpahinga. Hindi nagtagal ay pumasok si Rocco sa kanyang kwarto. She was watching TV when Rocco went in. Nagtama agad ang kanilang mga mata.“How are you feeling?” tanong nito nang makalapit sa kanya. Lumubog ang kanyang kama dahil sa pag-upo ni Rocco sa tabi niya. Nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya alam kung maayos na ba sila ngayon ni Rocco. Hindi niya pa rin nakakalimutan ang babaeng kasama nito sa auction at ang pagsuntok nito kay sir Sargent!“Fine,” maikli niyang sagot at nagkunwaring nanunuod ng TV kahit ang totoo ay hindi niya na ito maintindihan.“I…have to leave later,” Roc
38.1: RecklessBumuntong hininga si Madison. Sana lang ay magawa ito ni sir Anton. Kaso lang masyadong broad ito. Lorenzo Moretti was one of the billionaires in the world.“Who are you texting?” tanong ni Rocco nang mapansin ang pagtingin niya sa kanyang cellphone. Nasa front seat na siya at nagdadrive na si Rocco. Ibinaba niya ang kanyang cellphone.“Angeline,” she lied. Inilipat niya na lang ang tingin sa bintana.“What lunch do you want later?” tanong nito. Ngumuso si Madison. Sasabay din ba ito sa kanya sa lunch mamaya? Kung ganoon siguradong pagtitinginan sila ng mga estudyante pag sa cafeteria sila kakain. Mas mabuti pang sa labas na lang sila kumain.“Just reserve in any restaurant,” sambit ni Madison.“Okay…” Rocco agreed.Hindi nagtagal ay nakarating din sila sa school. Walang salitang namutawi sa kanyang labi nang umalis si Madison sa sasakyan ni Rocco. Sinadya ni Madison na dumaan sa faculty para makita si sir Sargent pero mukhang wala ito ngayon. Narinig niya na nakaleave
39: TalkKatahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa nang makasakay sila sa sasakyan. Kahit papaano ay kumalma na si Madison. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya kay Rocco. Hindi niya na alam ang dapat pang maramdaman. Tahimik si Rocco habang nagdadrive habang nakapikit naman ang mga mata ni Madison.“We’re here,” Rocco informed her. Tumigil ang sasakyan. Nagmulat ng mata si Madison at binaklas ang kanyang seatbelt. Tahimik siyang lumabas ng sasakyan habang si Rocco ay pinapanuod siya. Hindi niya alam ang sasabihin kay Rocco kaya pumasok na siya ng mansion ng walang sinasabi.Huminga ng malalim si Madison nang makapasok siya sa kanyang kwarto. Inilapag niya ang bag sa couch at pumasok na sa bathroom para mag half bath. Pinuyod niya ang buhok at binuhay ang shower para ibabad ang kanyang katawan. Madison closed her eyes as the warm water dripped on her body.Rocco told her that the girl was nothing. Maniniwala ba siya? Paano kung…hindi? Paano kung nagsisinungaling si Rocco sa kanya?