Share

35: Auction

35: Auction

Inaantok man at masakit ang katawan pinilit niya pa rin ang maghanap. Binuhay niya ang lamp sa kwarto para kahit konti ay may ilaw. Binuhay niya rin ang flash ng kanyang phone para mas makakita siya sa mga madidilim na sulok.

Inuna niya sa table ni Rocco. Pero bukod sa konting libro ay wala siyang nakikitang kakaiba doon. Binuksan niya rin ang mga drawer at naghalungkat sa ilang papel na nandoon. Mayroon ding mga folders, ngunit may isang nakakuha ng atensyon niya. It was a mail. Kumalabog ang puso niya nang makita ang address kung saan ito ipinadala.

It was the address na ibinigay sa kanya ni sir Anton noong sinundan nito si uncle Solomon sa isang lugar. Kung ganoon alam din ni Rocco ang tungkol sa lugar na ‘yon. Ano bang mayroon sa lugar na ‘yon? Isa lang ba talaga itong property ng mga Howards o mayroon pang ibang rason?

Binalik niya sa dati ang drawer. Hindi ito ang tamang panahon para mag-isip siya ng tungkol doon. Kailangan niyang mahanap yung invitation. Tumungo na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status