Share

Chapter 13

CHAPTER THIRTEEN

WALANG nagawa si Anastashia dahil kay Arthuro.

Gabi na at walang kuryente kaya naglampara na lamang si Mang Franco. Siya naman ay nakipaglaro kay Tony na hindi naman niya maitaboy dahil clingy ito. Para bang bet siya nito.

“Hindi ka ba talaga nagugutom, Anastashia?” Mula sa kusina ay narinig niya ang pagsasalita ni Arthuro kaya lumapit siya rito.

“Oo,” tanging sagot niya.

Bumalik uli siya kay Tony

para makipaglaro uli.

Hindi pa rin tumitila ang ulan simula kanina. Nangamba tuloy siya. Takot pa naman siya kapag umuulan na sinasabayan ng kidlat.

“Ate?” tawag ni Tony sa kanya.

Binalingan niya ito ng tingin. Nakahiga ito sa sahig.

“O, bakit?” mahinahong tanong niya.

“Bakit ang ganda mo?” napatitig siya rito, “kaya siguro nabihag mo si Kuya Art kasi maganda ka. Mahal mo ba siya, Ate Anastashia?”

Napauwang ang kanyang bibig sa tanong na iyon ng bata. Hindi siya makasagot dahil wala siyang isasagot. Mahal niya si Arthuro? No, that’s a big NO!

“Ah, eh.” nagsisisi siyang si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status