CHAPTER 26SA isang buwan na pananatili ni Anastashia sa Amerika ay marami na ang nagbago agad sa kanyang buhay. May napapansin din siya sa kanyang katawan na hindi niya maintindihan kung ano iyon. Sa iilang panahon na pananatili niya ay marami na rin siyang naintindihan bilang isang immigrant. Ngunit hindi talaga maiwasan ni Anastashia na mamiss ang buhay na nakasanayan niya sa Pilipinas kahit iyon naman talaga ang pakay niya. Kahit iyong nakasanayan niyang pagbili ng kape sa malapit lang na café shop ay namiss niya. Ngunit dito sa Amerika mas payapa ang buhay niya. Sabi nga ng mama niya, “Here is a good choice. Wala kang worries dito kasi safety tayo kahit sa secret world.” Walang pinoproblema kahit ang kanyang paghihigante. At dito sa Amerika, panatag ang kanyang puso. Bagaman kahit hindi madali ay nakapag-adjust naman siya.Habang nakahiga siya sa kanyang kama ay hindi niya maiwasan maisip kung ano na ang mga nangyari sa Pilipinas. Kung ano na ang nangyari kay Michel at Arthuro
Chapter 26.2NANG magising siya ay mabuti na lamang ay hindi na siya nahihilo. Hindi man totally gumaan ang kanyang pakiramdam ay mabuti na rin iyon. Lumabas siya ng kuwarto dahil bibili na rin siya ng pregnancy test para kumpirmahin niya kung buntis nga ba talaga siya. Sana hindi ako buntis, aniya sa kanyang sarili habang sinirado niya ang pinto ng kanyang kuwarto. Nang makababa na siya ay nadatnan niya ang kanyang mama na naglilinis sa salas. Kahit may maid naman sila, sabi ng mama niya na hindi nito mapalagay ang sarili na hindi maglinis dahil nasanay na rin ito.“’Ma, lalabas na muna ako kasi bibili ako ng pregnancy test. Hindi rin kasi ako mapalagay kung buntis ba ako o hindi. Baka kasi nag-iinarte lang ang katawan ko,” imporma niya rito.Itinigil naman ng kanyang mama ang ginawa nito at tumingin sa kanya. “Whatever is the result, I’m here, anak,” sabi nito na halata ang pangpalakas sa kanya ng loob. Lumapit ito sa kanya kapagkuwan at hinaplos siya nito sa pisngi at hinalikan
Chapter 27 NAGPASYA si Anastashia na umuwi ng Pilipinas kahit hindi naman talaga madali para sa kanya ang gawin iyon dahil natatakot din siya sa maaaring mangyari. Limang taon na rin naman ang lumipas. Apat na taong gulang na rin ang anak niya. At dahil na rin gusto niyang ipakita sa anak niya ang bansa kung saan siya umusbong ay inisip niyang maganda ang kahinatnan ng kanyang desisyon. “Para na rin makita ni Owen ang mga kamag-anak natin. Hindi iyong lagi na lang tayong nagpi-facetime,” saad ng kanyang mama. Sa loob ng maraming taon ay marami na ring nagbago sa buhay niya. Higit pa roon ay ang parati nilang pagsasama ng ina at anak niya. “’Nay, paano kung malaman ni Arthuro na may anak siya sa akin?” tanong ni Anastashia sa kanyang mama dahil iyon naman talaga ang kanyang pinapangambang mangyari. Alam ni Anastashia na kahit malaki ang Pilipinas, bilog lang din ang mundo
Chapter 28 “MOMMY, gusto ko po ng ice cream!” request ni Owen. Kanina pa siya nito kinukulit kaya nga lang ay hindi niya ito matanggihan. “Gusto mo ba talaga iyon, Sweety?” Yumuko siyapara magkaharap sila. “Opo. Gusto ko po!” Nagtatalon-talon ang makulit na si Owen. “Sige na nga! Ano’ng flavor na gusto mo?” muliniyang tanong. “Gusto ko po ng ube!” muli ay nagkukulit ito. “Hays. Ang kulit mo talaga, Anak.” Kinurot na lamangniya ito sa pisngi. Ngumisi naman ng malaki si Owen na talaga namang nagbibigay ng ka-cute-an sa sarili. Hinila niya ito patungo sa isang stool ng ice cream. Nang mabilhan ang anak ay mas lalo itong naging masaya. “Thank you, Mommy!” pagpapasalamat nito. Hinalikan niya ito sa pisngi at ginulo ang buhok.“You’re welcome my Sweety.”
Chapter 29 NATIGILAN si Anastashia sa sinabing iyon ni Arthuro.Gaano ba siya nito kamahal para sundan at hanapin siya sa America? Ngunit hindi pa rin nawawala ang galit niya para dito. Hindi nga siguro iyon matakwil sa katawan niya. Si Arthuro ang dahilan kung bakit nawalan siya ng ama. “Masama kang tao, Arthuro!” Hindi na niya mapigilan ang sarili. She wanted to flare-up. “Lumayo ako Arthuro dahil mamamatay tao ka!” Natigilan si Arthuro. Napagtanto siguro nito ang naging dahilan niya kung bakit siya lumayo. “Hindi ako ang pumatay, Anastashia.” Mahinahon parin ito. Mabilis na sumagot si Anastashia. “Dahil ikaw angnagpapatay! Ang sama mong tao, Arthuro. Alam mo ba`yon?!” Muli sa isip niya ay bumalik sa alaala niya kung paano niya nalaman ang totoong dahilan ng pagkamatay ng ama niya. “Hindi ka nararapat sa anak ko. Isa kang mamatay ta—”
Chapter 30Bago tumalikod si Anastashia kay Michel ay hinampas niya ito uli sa pisngi. Nilagpasan niya rin si Arthuro. “Hintayin mo ako, Anastashia!” tawag sa kanya ni Arthuro pero hindi siya nagpatinag. Diretso-diretso lamang siya sa paglalalakad. Binuksan niya ang pinto ng kanyang kotse. Papasok na sana siya pero pinigilan siya ni Arthuro. “Bakit?” nagtataka niyang tanong hindi niya alamkung bakit siya nito pinigilan.Bumuntong-hininga si Arthuro. “Hindi mo dapat iyon ginawa kay Michel.” Natigilan si Anastashia. “At bakit naman? Sa tingin mo hindi ko `yon dapat ginawa? Galit na galit ako Arthuro. Huwag lang sana sa `yo ngayon.” Binitawan siya ni Arthuro. “Mahal mo si Michel? Sige, magsama kayo. Tutalpareho kayo ng budhi!” Sumakay na siya sa kotse. Iniwan niya si Arthuro. Hindi pa rin kumalma ang galit
Chapter 31 WALA SA sariling nagmulat ng mga mata si Arthuro.Nanghihina siya. Tatayo na sana siya ay bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang tiyan kaya muli siyang napahandusay sa lupa. Pilit niyang tiningnan ang bahaging iyon ng tiyan niya, may dumudugo sa parteng iyon. Doon lamang nag-sink in sa kanyang utak ang nangyari no’ng gabing iyon. “M-michel!” may galit sa boses niyang sambit. Si Michel ang bumaril sa kanya at bumaling ang kanyang atensyon sa tabi niya. Napagtanto niyang hindi lang pala siya ang walang awa nitong binaril. Naalarma rin siya nang makita ang nakahandusay na katawan ni Anastashia sa tabi niya. Dali-dali niyang dinaluhan ito. Pero … parang natigil ang mundo ni Arthuro nang mahawakan niya ito sa braso. “Anastashia!” nahihirapan niyang sambit. Niyugyog niya ito. Ginawa na niya ang lahat para lamang gisingin ito pero dismayado siya. Wala na siyang magawa pa.
Chapter 32He would revenge for his love, Anastashia.Nang nasa prisinto na siya ay nagpa-set na rin siya ng schedule para sa kanilang pag-uusap. It would be a private talk. “Sir, mauna na po kayo sa private room,” sabi sakanya ng isang pulis. Tumango siya rito at tinungo na niya ang tinukoy nitong silid. Kasama niya ang isa ding pulis. At nang makarating na siya roon, he prepared himself. Bumuntong-hininga pa siya. Ang buong silid ay kulay puti. May nakita rin siyang CCTV Camera ngunit hindi niya iyon pinansin. Ang mahalaga ngayon ay maisakutuparan ang plano niya. Naghintay siya ng limang minuto. Ilang saglit pa ay bumukas na ito. Tumayo rin siya para salubungin ang pumasok. Nang magsalubong ang kanilang mga mata ay gano’n na lang ang pagkagulat nito. Isang malapad na ngiti ang iginawad niya rito. “Arthuro?” anang si Michel sa