Share

10: Coincidence

Maghapon kong kasama si Lander. Bumalik kami sa opisina pagkatapos naming magtungo sa bahay. Nagkaroon ng meeting at ilang mga pagpapakilala. May mga investors din na dumaan para makita ako. Mas kilala ang kapatid ko sa pagma-manage ng mga negosyo namin dahil sa cafe lang naman talaga ako naka-focus. Pero ngayon ay nakakatuwa na makilala ang mga tao na tumulong upang maabot namin kung nasaan kami ngayon.

"I know a good restaurant. Doon na lang tayo mag-dinner?"

"Sige," sagot ko at hinayaan siyang mag-drive kung saan man ang tinutukoy niya.

Ako naman ay abala sa ipad ko. Sa dinner ay idi-discuss na rin namin ni Lander ang mga plano namin para sa mga susunod na buwan. Kailangan din naming puntahan ang hotel namin sa Cebu na next month na ang opening. I have to schedule my visitation for that.

"Nabanggit mo na ba kila tita na ibebenta na ang bahay?"

"Hindi pa ngayon pero nasabi ko naman na bago tayo umuwi. Ayos lang naman sa kanila. Wala na rin naman silang balak umuwi pa roon," sagot
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status