Share

Chapter 5 - Awkward Version2.0

Elieve’s POV

For the record...

That was the longest 30 minutes of my life.

Pagkatapos ng super awkward moment kanina nagkayayaan na kaming umuwi pero ayaw yata akong tantanan ng awkward moments...

Wanna know why?

Ganito kasi yon.

~flashback~

"Friend, sorry nagtext na si Mama, kailangan ko ng umuwi." sabi ni Val.

And as if on cue isa-isa na din silang nagpaalam.

"Oh pano pala ikaw Elieve, pano ka pala uuwe?" nagaalalang tanong ni Kuya Jepoy

"Ako na po.../ako na..."

Sabay na sabi ni Chae at Alex at sabay ding hawak sa magkabilang kamay ko.

So para ako ngayong sira na di malaman kung saan sasama dahil hawak nila ang magkabilang kamay ko.

Magsasalita na sana ako kaso biglang tumunog ang cellphone ni Chae.

Nakita kong nag-iba ang expression ng mukha nya ng makita kung sino ang tumatawag.

"Hello babe..." sabi niya sabay bitaw sa aking kamay.

Para akong sinampal ng realidad nang mga oras na iyon.

Umaasa pa rin ba ako?

kung hindi...

Bakit parang isang libong kutsilyo ang tumatarak sa aking puso.

Hindi pa rin ba ako nadadala.

Nararamdaman kong parang tatraydorin ako ng aking mga mata dahil nagbabadya ng pumatak ang mga luha.

Bigla ko na lang naramdaman na may mga brasong bumalot sa aking bewang at iginaya ako palabas ng resto.

Siguro dahil sa sakit na nararamdaman ko kaya parang papel akong idinala ni Alex papunta sa kanyang kotse at hindi ko na lang namalayan na nakarating na kami dito sa apartment ko.

"You seems bothered and hindi na ako magtatanong kung bakit." Alex.

I just give him a half smile.

"So I'll pick you up tomorrow?" 

"ok."

Yun lang at tumalikod na siya paalis.

Papasok na ako sa pinto pero narinig kong bumusina siya kaya napatingin ako.

"He doesn’t deserve someone precious like you. His a jerk for making you feel this way."

Yun lang at pinaharurot na niya ang kanyang sasakyan.

Naiwan akong nakatunganga sa kawalan.

Parang gong na nag eecho yung mga salitang sinabi nya kanina.

Tama siya. I don't deserve this. Wala naman akong ginawang masama. Nagmahal lang naman ako.

Maybe this time kailangan ko na talagang mag move on.

Yung totoong pag momoveon.

Napatawa ako pagak. 

So ano yung ginawa ko for the past 8 years, pekeng pag-momoveon?

Agad akong humiga sa aking kama at inisip ang mga pangyayari.

Parang shunga lang. wala talagang kasing epal si tadhana.

Happy ka tadhana?

Lakas ng trip mo.

So magkaibigan pa pala si Alex saka si Chae.

Nakakainis.

Wait bakit ba ako naiinis kung mag-kaibigan sila.

Hoy self wag mong sabihin crush mo si Alex.

Luh! Parang tanga ‘to. Ano ka teenager may crush.

Ang sarap batukan ng sarili ko. 

Naalala kong muli yung nangyari kanina.

Parang kinurot ang puso ko.

Kainis yung emotion ko parang roller coaster kanina lang napapangiti ako dahil pumasok sa isip ko si Alex kaso biglang nag black and white ang paligid nung si Chae na.  

Ano pa nga ba naman ang aasahan ko. Diba nga friend na lang kami, saka may girlfriend na nga siya diba, hindi pa ba enough proof yun para tantanan mo na siya.

Itigil na ang pagiging tanga self pwede. 

Move-on.

Hindi ako nakatulog ng halos magdamag kagabi.

Paulit ulit na naglalaro sa isipan ko ang mga naganap nitong mga nakaraang araw.

At kahit saang anggulo ko tingnan, dehado ang puso ko kay Chae.

Ang hirap.

8 taon na akong nagmomove on pero hanggang ngayon tanga pa rin ako sa pagibig.

Nagmomove on.

Napaisip ako.

Hindi nga pala ako nagmomove on.

I just simply try to set aside all my feelings.

Akala ko kapag inisang tabi ko na ang nakaraan makakalimot na ako.

Hindi pala.

I forgot that the first step to move on is to accept the fact na wala na talagang kami.

Period.

Nakalimutan kong tanggapin na wala na talagang pag asa marahil kaya patagong umaasa ang puso ko na maaari pang ibalik ang lahat sa dati at magkakaroon ulet ng kami ay dahil sa kalooblooban ng puso ko naroon pa rin yung hope na magiging maayos din ang lahat at magkakaroon kami ng happy ending.

Pero mali ako.

Dahil dito napaisip ako.

I really need to make up my mind and take this things seriously.

Move-on. 

That was the last word na nasa isip ko bago ako nakatulog.

I took my diary and start making a list on how I can move on from that kumag.

Think...

A bitter smile formed into my lips.

1st...

-Accept the fact na wala na kayo at masaya na siya sa iba.

Ouch.

Nasaktan ako dun.

Pero atleast alam ko na wala ako sa pantasya at nasa realidad ako ng buhay at dapat ko itong tanggapin.

2nd

-Live your life to the fullest. You only live once.

Maganda ka, matalino, sexy:), you deserve the best out of your life.

Teka, parang kilala ko kung kanino nanggaling ang idea na yon.

Napangiti ako.

Wait, bakit ako nakangiti.

Biglang may kumatok sa pinto kaya natigil ako sa pagsusulat.

Sinilip ko sa bintana kung sino ang nasa labas.

Shemay. Bigla akong napatapik sa noo ko.

Nakalimutan ko. Sabi nga pala nya babalik kami sa ospital ngayon dahil sa pagiinarte ko sa mata ko kahapon.

Ano ba yan.

Ang engot ko talaga.

Nakalimutan kong sabihin na joke lang yun.

Paepal lang para di na ako kulitin nung kumag na si Chae. 

Binuksan ko ang pinto.

Bumungad sa akin ang nakangiting Alex.

Yung Alex na gwapo, mukhang mabango ay mali scratch that, napakabango pala, bigla kong naamoy ang pabango nya. Tapos yung mata nya na nagsspark. Tapos yung triceps and biceps nya na bakat dahil sa plain white fitted shirt na suot nya with maroon six pocket shorts. Yung abs, kahit nakatago sa damit nya i know sa likod non may anim na pandesal na mainit.

Oh my wait. I'm not drooling infront of him.

"Hey, don't eye raped me." nakangising sabi niya.

"What. No, hindi ah. Itong ganda kong ito. Nagpapatawa ka ba?" Pagkukunwari ko.

Bigla siyang napangiti.

"What?" Napapantastikuhang sabi ko.

"Well, sabi mo maganda ka tapos ako naman pogi eh di bagay tayo." Natatawang sabi nya.

Napanganga ako.

Adik talaga itong taong ito.

"Pumasok ka na nga lang. Kung ano-anong sinasabi mo jan."

Sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay.

Umupo na siya sa sofa.

"Hey, bakit di ka pa nakabihis. I texted you last night, sabi ko susunduin kita ng 9am." sabi nya.

Napakamot ako ng ulo.

I just give him a "di-ko-nabasa-dahil-busy-akong-mag-emote-kagabi" look.

He just give a sigh.

"Umiyak ka na naman ba kagabi? Mukha kang may black eye oh." nakasimangot na sabi nya.

"Di ako umiyak ok. Napuyat mana pa, di ako nakatulog ng maayos kagabi eh."

"At bakit?" tanong niya.

"Nagisip-isip." sabi ko naman.

Umupo ako sa tabi nya.

"Well, that's good to hear. Atleast ngayon nag-iisip ka na." he said.

Inirapan ko siya.

"Close ba tayo? Makabanat ka jan ah." naiinis na sabi ko.

"Well, matapos yung nakita ko kagabi sa mga mata mo sa tingin ko kailangan mo ng taong magsasabi sayo na tama na yang ka martiran mo dahil walang katugon yang nararamdaman mo." mahabang paliwanag niya.

Shemay naman. Magkalahi ba sila ni Val. Mga salita nila parang magpinsan, mapanakit.

Naiinis ako sa mga narinig ko.

"Paano mo naman nalaman na walang katugon ang nararamdaman ko." walang ganang sabi ko sa kanya.

He just chuckled. Pero mabilis na napalitan ng seryosong mukha.

I saw a glimpse of pain, sorrow, disappointment... At iba pang mga feelings na hindi ko maipaliwanag.

"Want to hear a story?" nakatingin sa kawalan na sabi niya.

Tumango lang ako, pakiramdam ko kailangan kong makinig sa story na sinasabi nya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status