Share

Kabanata V

“I don’t care how much it cost, ubusin nyo ang lahat ng pera ko mahanap lang siya! Halughugin nyo ang buong Pilipinas kung kinakailangan!” galit na galit sigaw ni Jiro sa mga private investigator na hinire niya matapos ibalita ng mga ito na hindi parin nila nahahanap ang pinapahanap nito.

“Yes sir, we will do everything para mahanap siya,” magalang na sagot ng isa sa mga ito.

“You better do, dahil kapag may nangyareng masama sa kanya, ako mismo ang tatapos sa mga buhay nyo! Now get out of my sight and do your work!” muli ay bulyaw nito kayat nag alisan na ang mga lalaki.

Tila apoy ang mga mata ni Jiro dahil sa labis na galit. Tumayo siya mula sa kanyang swivel chair upang magpalakad lakad. Isang suntok ang pinakawalan niya kayat umagos ang dugo mula sa kanyang kamao na naroon parin sa pader na sinuntok niya.

“Stop messing your life, sa tingin mo ba matutuwa si Johara sa ginagawa mo!”

Isang magandang babae ang pumasok sa opisina ni Jiro kayat napilitan ang binatang bumalik sa harap ng lamesa niya upang kumuha ng tissue at punasan ang kamay.

“What are you doing here Rachel?” kalmado ng tanong ni Jiro sa pinsan niya. Tinaasan lang naman siya ng kilay ng babae saka naupo sa upuang nasa harap ng lamesa niya.

“Kuya kontrolin mo naman ang galit mo, gusto mo ba na pagnahanap na si Johara makita niya na ganyan ka? Baka mamaya niyan pati sa kanya mai-apply mo ang pagkamainitin ng ulo mo,” sermon ni Rachel.

“It’s been 4 years Rachel, until now I didn’t know what happen to her. How she doing, if she’s safe. I have to find her, I can’t lose her again,” Naging malungkot ang mga mata ni Jiro, nawala ang galit dito at napalitan ng pangngungulila.

“Mahahanap mo siya, remember 5 taon mo siyang hinanap noon, natagpuan mo naman hindi ba? Don’t lose hope kuya, remember your promise to each other,”

Dahil sa sinabi ng pinan ay sinariwa ni Jiro ang sumpaan nila ni Johara, ang babaeng unang pag-ibig niya.

“Mahal din kita Jiro, pangako hindi kita iiwan,”

“Pangako, kahit sino man ang humadlang at paghiwalayin tayo, gagawin ko ang lahat upang magkasama parin tayo. Mahal na mahal kita Johara,”

Malayang umagos ang masaganang luha sa mga mata ni Jiro matapos maalala ang masayang tagpo nila ni Johara. Pinangako niya sa sarili na hindi titigil hanggat hindi nakikita ang babaeng dahilan ng buhay niya.

3months later…

“Stop it!” bulyaw ni Jiro sa babaeng  kasama niya sa vip room ngunit tumingin lang ito sa kanya saka muling pinagpatuloy ang pag-inom.

Inagaw ni Jiro ang bote sa babae saka ito hinila pagkatapos ay isinandal sa pader. Tila naman natauhan ang babae, namula ito ng ilapit ni Jiro ang muka sa muka niya. Kaunting galaw na lamang ay maglalapat na ang kanilang mga labi, naaamoy na nila ang hininga ng isat isa.

“Did you forget what I told you? Don’t drink!”

Nakahinga ang babae ng bitawan siya ni Jiro pagkatapos ay bumalik sa pagkakaupo. Inayos naman niya ang sarili saka tahimik na naupo sa tabi ng binata.

“Ano ba kaseng plano mo sa akin? Palagi mo na lang akong dinadala dito sa vip room, wala naman tayong ginagawa. Wala ka nang ginawa kundi ang sungitan ako, titigan at pagalitan. Nagsasayang ka lang ng pera mo--

“Bakit gusto mo bang may mangyare sa atin babae?” pagputol ni Jiro sa sinasabi nito.

“Sinabi ko na sayo diba, waitress ako dito hindi escort! Isa pa Ara ang pangalan ko, muka ka namang matalino pero lagi mong nakakalimutan ang pangalan ko,” gigil na sambit ni Ara.

Napangiti si Jiro dahil sa pagmamaldita ni Ara na lalo namang kinainis ng dalaga. Tatlong buwan na siyang pabalik balik sa bar na iyon at wala siyang ginagawa kundi ang isama sa vip room si Ara. Gaya ng sinabi nito, hindi ito escort pero nagbabayad ng malaki si Jiro upang makasama ng ilang oras ang babae. Gusto man niya itong halikan ay pinipigil niya ang sarili, masaya na siyang nasusungitan ito at napagmamasdan. Pero tila hindi na niya mapipigil ang sarili sa pagkakataong ito.

“Hoy anong gagawin mo? Wala ito sa usapan loko ka, sisipain kita sinasabi ko sayo!” kinakabahan man ay pilit nagtapang tapangan si Ara ng hapitin siya ni Jiro at ilapit ang muka sa kanya.

“I’m sorry, I can’t stop myself anymore, I can't help it, I missed your lips,”

Nanlaki ang mga mata ni Ara ng maglapat ang mga labi nila ni Jiro. Unti unti ay napapikit siya ng igalaw ni Jiro ang labi nito. Ayaw man niya ngunit kusa ng sumabay ang labi niya, tila alam na ang gagawin.

“Oy girl, magkano ang tip sayo ni Papa Jiro?” Napakurap si Ara ng marinig ang boses ng kaibigang si Dona. Hindi niya namalayan na natulala na naman siya, matapos maalala ang halikang naganap sa kanila ni Jiro. Iyon ang unanng beses na hinalikan siya ng binata, ngunit pakiramdam niya ay kilala na niya ang halik na iyon.

“Ganon parin, 5 libo,” tipid niyang sagot.

“Grabe girl, galante talaga non. Gabi gabi nalang may 5

libo ka, napaka swerte mo talaga,” sambit ni Dona, nginitian na lamang niya ang kaibigan.

Nagsinungaling siya kay Dona, ang totoo ay laging 10 libo ang binibigay ni Jiro sa kanya, pero hindi niya sinasabi sa lahat dahil baka magsumbong sa management nila. Sobra sobra na kase ang binibigay ng binata sa kanya, ilang beses na rin niyang tinanggihan. Ngunit nagagalit lang ito sa kanya kayat tinatanggap na lang niya tutal ay kailangan din niya upang pangsuportahan ang kanyang pamilya.

“Alam mo girl baka may gusto sayo yan si sir Jiro, patulan mo na tiba tiba ka dyan,” natawa na lamang si Ara sa suhestyon ng kaibigan. Naglalakad na sila palabas ng bar  upang umuwe.

“Gaga ka talaga, bakit ko naman papatulan yun, ubod ng sungit at mukang may sira pa,”

“ Ay ikaw ang gaga, hindi mo ba alam na siya si Jiro Mikael Rivera, ang Ceo at Owner ng Rivera Group of Compny,” nakapamewang pang sambit ni Dona, pinanlakihan pa ng mata si Ara.

“Oh ngayon?”

“Ay girl, si Jiro lang naman ang isa sa pinaka mayaman dito sa Pilipinas. Nabibilang din ang pangalan niya sa most Batchelor Billionaire sa mundo. Kapag inakit mo yan ay solve na ang problema mo, mapapagamot mo na ang tatay mo, sucure pa ang future ng anak mo,”

Natahimik si Ara, napag-isip ang sinabi ni Dona. May punto ito ngunit ang tanong gusto nga ba siya ni Jiro. Saka hindi siya naniniwala na magugustuhan siya nito dahil napagwapo nito at mayaman pa.

Hanggang sa makauwe sa bahay ay hindi mawala sa isip ni Ara ang sinabi ni Dona, malaki ang naitutulong ng mga binibigay ni Jiro sa pagpapagamot ng Tito niya na ngayon ay tinuturing niya ng ama. Ngunit kailangan din niyang mag-ipon para sa anak, napakahirap ng buhay at kahit anong kayod niya ay hirap na hirap siyang bigyan ito ng magandang buhay.

“Nanay!”

Lumawak ang ngiti ni Ara ng marinig ang matinis na boses ng anak na si Elise. Mabilis itong tumakbo papunta sa kanya saka siya niyakap ng mahigpit.

“Ang aga mo naman nagising anak,” masuyong wika ni Ara pagkatapos halikan ang anak. Binuhat niya ang 3 taong gulang na anak saka sila naupo sa lamesa. Hinalikan niya sa noo ang Tito niyang may sakit.

“Kanina kapa hinihintay nyan Ara, maagang nagising, napanaginipan daw niya ang tatay niya,”Nawala ang ngiti sa labi ni Ara dahil sa sinabi ng Tita niya.

Nalulungkot siya sa tuwing nagtatanong ang anak niya tungkol sa ama nito. Wala naman siyang maisagot sapagkat maging siya ay hindi niya kilala ang lalaking nakasama niya tatlong taon na ang nakaraan. Ang lalaking sumira ng buhay niya, ang siya ring dahilan kung bakit siya nagkaroon ng bagong buhay, ang nagbigay ng kanyang mahal na anak.

“Nakatulog naba ulit?” Bahagyang tumango si Ara sa kanyang Tita. Kagagaling lang niya sa kwarto upang ihiga ang nakatulog niyang anak. Bumalik siya sa kusina upang makausap ang tita niya na ngayon  ay tinuturing na nyang pangalawang ina.

“Nay, kawawa naman po ang anak ko, kung kilala ko lang sana ang ama niya,” nalulungkot na wika niya, nagsimula ng mangilid ang luha niya dahil nasasaktan siya para sa anak.

“Anak, may plano ang Panginoon magtiwala ka lang. Nakalimutan mo naba, apat na taon na ang nakalipas hindi mo alam ang gagawin mo, sirang sira ang buhay mo pero para sa anak mo lumaban ka. Tingnan mo ngayon, kahit paano ay nasa maayos na kayong mag-ina,”

“Sana rin po nasa maayos si Mommy,”

Apat na taon na ang nakalipas ngunit walang araw na hindi naalala ni Ara ang Mommy Lira niya. Nalulungkot parin siya sa tuwing naaala niyang iniwan niya ito sa malupit niyang stepfather.

----

Isang linggo ang nakalipas, masamang masama ang loob ni Ara dahil natanggal siya sa bar, at malinaw na si Jiro ang may kagagawan nito. Pinuntahan niya ito upang makiusap na bawiin kung ano man ang sinabi sa may ari ng bar, upang makabalik siya sa trabaho ngunit mariin itong tumanggi at sa halip ay binigyan ng isang offer.

“Wala kang ibang gagawin, just take care of my mother, samahan, kwentuhan mo, kausapin mo, that’s it,” Laglag ang panga ni Ara sa sinabi ni Jiro. Hindi niya maitindihan kung bakit siya ang pinipilit nitong maging tagapa-alaga ng nanay nito gayong pwede naman itong maghire ng mahusay na nurse.

“Bakit hindi ka maghire ng nur--

“Ikaw ang gusto ko,” matigas na sambit nito, kita ni Ara na tila nauubos na ang pasensya ni Jiro. Nagdadalawang isip kase siya sa offer nito, una hindi niya kasundo ang ugali ni Jiro, pangalawa natatakot siyang makasama ang lalaki.

“If you take this job, I will give you 10 million pesos after the contract, bukod pa ang salary mo every month,”

Halos manlaki ang mga mata ni Ara matapos marinig ang sampung milyon. Malaking tulong ang sasahurin niya para matustusan ang pagpapagamot ng tito nya. Secured narin ang future ng anak sa 10 million na makukuha niya.

“Kung tatanggapin ko ang alok mo, ano ang mga dapat kong ipasang requirements?”kinakabahang tanong ni Ara, nais niyang makasigurado dahil baka hingan siya nito ng mga dokumento na hindi niya maaaring ibigay. Tinatago parin niya ang pagkatao niya, baka makilala siya sa oras na pakuhanin siya ng mga dokumento.

“No need for that. You only have to agree to all my conditions, you have to sign the contract,”

“At ano namang conditon yun?” Napangiti si Jiro, sa isip nito ay mapapayag na niya ang dalaga, habang si Ara naman ay hindi parin maiwasang kabahan sa mga kinikilos ng binata.

“First, you have to stay here at the mansion--

“Pero sir, hindi po pwede,” Agap ni Ara, napakunot noo ni Jiro, nagsalubong ang mga kilay nito dahil sa naiisip.

“Bakit may asawa kana ba?”

“Wala po, kaya lang --

“Second, youre not allowed to have a boyfriend, no dating while working here, you can’t talk to another guy,” Mabilis na tumango si Ara dahil wala naman na siyang balak makipagrelasyon. Napataas naman ang kilay ni Jiro, lihim siyang natutuwa sa naging tugon ni Ara.

Tumayo si Jiro, mariin niyang tinitigan si Ara na ngayon ay doble doble ang kaba sa dibdib. Naiilang si Ara sa paraan ng pagtingin ng binata sa kanya, nais niyang umiwas ngunit huli na dahil na korner na siya nito. Napasandal siya sa pader kayat napilitan siyang magtaas ng tingin upang salubungin ang titig ni Jiro.

“Sir,” nauutal niyang sambit ng dahan dahang ilapit ni Jiro ang labi sa kanyang labi. Akala ni Ara ay hahalikan siyang muli ni Jiro kayat napapikit siya ngunit agad nagtungo ang bibig ni Jiro sa tenga nya upang doon magsalita.

“Remember you’re not allowed

to talk to anyone except me, only me Ara,”

Natutop ni Ara ang bibig ng bigla siyang sinukin dahil sa labis na hiya. Napangiti naman si Jiro, isang nakakalokong ngiti.

“You taught hahalikan kita ulit?” pang aasar ni Jiro kasabay ng muling paglapit ng labi sa labi ni Ara ngunit mabilis siyang tinulak nito.

“Hindi ah,” mabilis na depensa nito pagkatapos ay agad na pinirmahan ang kontratang naroon saka nagmamadaling magtungo sa pinto. Lihim namang natatawa si Jiro, nag-eenjoy siya sa pang aasar sa dalaga lalo sa tuwing namumula ito dahil sa hiya.

Palabas na si Ara ng may maalalang itanong si Jiro.

“Do you have a child?” Napalingon si Ara, bahagya siyang nagulat sa tanong nito, nagtataka din siya sa biglang pagseryoso ng muka ni Jiro. Nag-isip si Ara kung sasabihin ba niya ang tungkol sa anak niya ngunit sa huli ay naalala niyang kalingan parin nyang ilihim ang tungkol sa anak niya upang maprotektahan ito. Isa pa ay baka hindi na niya makuha ang trabaho sa oras na malaman ni Jiro na may anak na siya kayat nagpasya siyang ilihim na lamang.

“Wala po sir,”

“Okay, you can go,”

Ilang minuto ng nakalabas si Ara mula sa opisina ni Jiro ngunit hindi parin niya magawang umalis. Hindi mawala sa isip niya ang tila lungkot na nakita mula sa mga mata nito. Pakiwari niya ay nasaktan ito matapos malamang wala siyang anak, ngunit tila imposible naman iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status