Share

Kabanata XIV

“Johara nandiyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Ang sabi mo babasahan mo ko ng kwento bago ako matulog. Si Jiro na naman ang kasama mo, nagtatampo na talaga ko sa sayo,”

Agad kong pinunasan ang luha sa aking pisngi matapos marinig ang boses ni Doña Melissa. Isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan bago ako nagtangkang lumingon sa kanya. Nang magkaharap kami ay saka ko lang napansin na nakasuot na pala ito ng pajama at tila handa na upang matulog, dala na rin kase nito ang manikang palagi niyang yakap sa pagtulog.

Hindi ko nais na malaman ni Jiro na narito ako sa labas ng kanyang silid, lalo na ang isiping nakita at narinig ko ang lahat. Kaya naman agad akong lumapit at hinawakan sa braso ang Doña upang igiya pabalik ng kanyang silid bago pa kami abutan ni Jiro.

Habang naglalakad kami ay nakahawak ako sa braso ng Doña, hindi ko maiwasan ang magtaka dahil sa pananahimik nito kayat naisipan kong marahil ay nagtatampo na nga ito sa akin gaya ng sabi niya kanina.

Bigla
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status