MAKALIPAS ang dalawang linggo nabuhayan ang lahat nang unti-unting iminulat ni Devance ang mata. Gracia and Akhil were ecstatic to see their son regained his consciousness at last. Kabaliktaran ni Triana na hanggang ngayon ay wala pa ring improvement sa lagay nito. “Kanchha!” maluha-luhang saad ni Gracia. “Can you see us?” Iwinagayway ni Akhil ang kamay sa harap ng anak. But Devance merely moved his eyeballs. Para lang itong nakatitig sa kawalan. Nanatiling walang ekspresyon ang mukha nito. The doctors rushed in and checked his vital signs. Nakahinga nang maluwag ang mag-asawa nang sabihin ng doktor na stable na ang lagay nito. But it would take time for his full recovery considering his severe leg injury. Lalong naiyak si Gracia nang makita ang bunsong anak na hindi makapagsalita nang maayos at bumalon ang luha sa mata. “Kanchha, please. Hold on, you can do this…” Gracia sobbed as she held Devance’s hand. Katabi niya si Akhil na pilit siyang pinakakalma. It was not long when
Three months later PARA sa pamilya ni Triana ay isang normal na araw na lang ito. It was past lunchtime. Mabilis na dumaan ang mga buwan na wala pa ring pagbabago sa kalagayan nito. Pero hindi nila inaasahan na sa araw na ito biglang bumilis ang tibok ng puso ni Triana dahilan para mataranta si Lucia lalo na at may pagmamadali sa mga kilos ng doktor na naroon. The equipment around Triana was beeping non-stop. “She’s suffering tachycardia. Give me the defibrillator!” utos ng doctor. Hindi napigilan ni Lucia ang mapahikbi. Mag-isa lang siyang bumabantay ngayon sa anak dahil out of the country sina Travis at Tristan. They had to attend an important business meeting that they could not let it pass. Wala naman kasi silang pagpipilian kundi ang magpatuloy sa buhay kahit na patuloy na nakikipaglaban sa kamatayan ang nakatatandang kapatid. “Save her…” Nanghihinang muling naupo si Lucia sa sofa habang panay ang kanyang dasal. Wala sa isip niya na isuko ang anak kahit nakikita niyang n
UNTI-UNTING iminulat ni Triana ang mata. It took her a while to adjust from the light that almost blinded her. Sa una ay malabo ang kanyang nakikita. Hanggang sa luminaw ang kanyang paningin matapos ang ilang sandali at agad niyang nabungaran ang maluha-luhang mukha ni Caleb pati na rin ang kanyang ina. “M… Mom…” she stuttered. Where is Devance? Gusto niyang isatinig pero nahihirapan siyang magsalita. Parang namamanhid din ang kanyang katawan at hindi niya maigalaw nang maayos. Sa sobrang saya ng kanyang ina ay hinalikan nito ang kanyang kamay. Samantalang si Caleb ay humalik sa kanyang noo. “A miracle indeed!” Caleb exclaimed. What happened? Maraming tanong ang bumabagabag sa isipan ni Triana pero parang blangko ang kanyang utak. Bakit narito siya sa hospital at bakit hindi siya makagalaw nang maayos? Kaunting kibot niya lang ay naramdaman agad niya ang matinding kirot sa kanyang ulo. Her headache had worsened when memories slowly coming through her mind. Noong gabing inaapoy ng
TRIANA was on her way to recovery—physically. But the psychological trauma still lingered that she could not properly sleep without the help of medicine. Wala rin siyang ganang kumain pero pinipilit niyang magpalakas para sa mga anak niya. Ang nakakalungkot lang dahil habang tumatagal ay wala siyang balita sa asawa. She tried to contact Devance countless times, but he was always out of reach. At nang minsang tawagan niya si Dexa ay sinabi nitong hindi maganda ang lagay ng kapatid at kailangan rin muna niyang magpagaling kung gugustuhin niyang makita ang asawa. Although she never mentioned where her brother was. Lagi itong umiiwas. Her sister-in-law was back in Milan, and Triana hadn’t seen her from the moment she woke up. Hindi naman siya nagtatampo dahil nalaman niyang halos hindi siya nito iniwan nang mga panahong nag-aagaw buhay siya. Nagpumilit siyang puntahan ang asawa kung nasa townhouse nila ito naglalagi. But she could not move freely without the help of somebody. Hindi pa n
MARAMI pang sinabi si Attorney Sanchez kay Triana tungkol sa divorce proceedings dahil sa Nepal sila ikinasal ng asawa. Pero walang kahit anong rumehistro sa isip niya. Tuluyang namuo ang galit sa kanyang dibdib hanggang sa umalis na ito. Sinikap naman niyang huwag pagbalingan ang matandang abogado dahil sumusunod lang naman ito sa utos. How could Devance do this to her? They promised to make their marriage work! They swore to struggle together when they hit the rock bottom. Hindi na nga ito nagpakita at nagparamdam sa mga nakalipas na buwan, ngayon naman makikipag-divorce sa kanya? The situation was nothing but absurd! Kaya ba natitiis sila ni Devance nang ganito dahil plano na nitong makipaghiwalay? Hindi na ba siya nito mahal? Did this happen because of Eshvi? She was going insane! Speaking of Eshvi, wala siyang balita sa babaeng iyon mula nang aksidente. Mabuti na iyon dahil dagdag pa sa stress niya kapag nanggulo pa ito. Baka tuluyan nang maputol ang natitirang hibla ng kanyang
DALI-DALING nag-ayos si Triana nang marinig ang sinabi ng ama. He gave her instructions on what to do. Pinadadala siya nito ng ilang pirasong damit dahil medyo may kalayuan ang kanilang pupuntahan. She ate an early dinner first. Kaharap niya sa hapag sina Gracia at Akhil. Triana asked lots of questions about her husband’s condition, but the couple seemed to be very careful in answering. Hindi na lang siya nangulit pa tutal naman makikita na niya si Devance maya-maya lang. “You’re going there with Vijay, Kanchhi,” wika ni Akhil matapos nilang kumain. “What about you?” Papalit-palit ang tingin niya sa mag-asawa. Akhil shook his head. “We’re not going. We have decided to give you privacy there. If something happens, call us.” “But…” she protested. Pero naisip rin niyang mas mabuti na ngang silang dalawa lang ang naroon. They could resolve their family issues alone. “Be careful, Kanchhi.” Gracia smiled. “Thanks, Mom and Dad. I’m going now.” Tinungo niya ang kuwarto at kinuha ang da
NAG-IPON ng lakas ng loob si Triana matapos ang ilang sandali. She cried about the hopelessness of their situation, but she swore it would be the last time to waste her tears. Hindi puwedeng makita ni Devance na awang-awa siya sa kalagayan nito. Triana would still trust his love for her. Hindi naman kasi ganito ang pagkakakilala niya sa asawa. She knew him as a loving husband and the best father to their children. He was not perfect, but Devance was responsible, and he would never hurt her. Gagawin niya lahat kahit magmukha siyang tanga kung para naman iyon sa mga anak niya. Mababawi niya rin ang asawa, kailangan niya lang ng mahabang pasensya. Triana went out when she finally composed herself. Taas-noo siyang naglakad patungo sa kusina para magluto ng pagkain. Tamang-tama naroon si Grady. It appeared that he was also preparing to cook.“We don’t have enough stocks of food right now. I’ll be in the city tomorrow to buy everything we need,” anang lalaki. Muli nitong isinara ang cupboa
KINABUKASAN maagang umalis si Grady gamit ang chopper para bumili ng mga pangangailangan nila. He would drop by at home in Bhaktapur to report to Akhil. Pero babalik naman ito kaagad kaya sila lang ni Devance ang naroon sa cabin. Sasamantalahin ni Triana ang pagkakataon na silang dalawa lang ng asawa ang magkasama at sisikapin niyang magkausap sila nang maayos. Hindi niya makalimutan ang nangyari kagabi pero gaya ng bilin sa kanya ni Grady, kailangan niyang umasta na parang walang nangyari. Triana found Devance in the same spot at the back of the cabin. Nakamasid ulit ito sa malayo. “Good morning, Kanchha!” Magiliw na bati niya. Pero para itong bingi na tila hindi siya narinig. Nakatunghay lang ito sa makapal na sea of clouds at sa unti-unting paglabas ng araw. Napahalukipkip si Triana dahil na napakalamig na ihip ng hangin. “I’ll prepare your tea.” Triana had anticipated what could happen if she forced him to drink the tea. Kaya ipinatong niya iyon sa maliit na mesa sa tabi nito