HINDI inaasahan ni Triana na pupuntahan siya ni Akhil sa bahay nang sumunod na araw. Marahil ay nasabi na ni Devance ang tungkol sa usapan nilang paghihiwalay. Hindi siya makatingin nang deresto rito dahil sa mga naging desisyon niya. “D-Dad…I’m sorry,” nahihirapang sambit ni Triana. Kasalukuyan silang nasa loob ng mini library nag-uusap. Iniwan sila ng ina para magkaroon ng privacy matapos itong magdala ng tea sa kanilang bisita. “I flew immediately here from Jakarta when my son called me last night about your problem.” Huminga nang malalim si Akhil at waring pinag-aralan ang ekspresyon ng kanyang mukha. “What…did Dev tell you?” Lihim siyang napalunok. Malamang siya ang masama dahil hindi naman nito sasabihin na ang lalaki ang may kasalanan kung bakit siya biglang nagdesisyon na makipaghiwalay. “That you are getting a divorce. What happened, Kanchhi?” Lumalim ang gatla sa noo nito na hindi maitago ang matinding pag-aalala. Nag-ipon si Triana ng lakas ng loob. She decided to take
“ARE YOU serious, Triana?” Hindi maitago ni Lucia ang matinding pagkagulat nang sitahin nito ang anak tungkol sa naging pag-uusap nito at ni Akhil. Ilang minuto nang nakaalis ang lalaki. Hindi na ito nagpaunlak na kumain dahil tanging si Triana lang ang gusto nitong makita. Akhil was a very busy person and Lucia perfectly understood that. Umasa siyang maaayos ang problema ng mag-asawa dahil normal naman ang mag-away. Kahit naman sila ni Trevor ay hindi na mabilang ang kanilang hindi pagkakaunawaan noong nabubuhay pa ito. “What did you say to Akhil?” tanong pa niya sa anak. Samantalang seryoso si Triana na naghahanda na ng mga gamit na inilalagay sa malaking maleta na waring hindi nito narinig ang mga sinabi niya. Mugto ang mga mata ng anak at kasalukuyan silang nasa loob ng silid nito. “Stop ignoring me. This is a serious matter!” At saka lang ito sumagot. “You think this is a joke? Of course, I’m serious! We are talking about my future here. Paulit-ulit na lang tayo. Pinagbigyan n
ISANG marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Triana bago pumasok sa entrance ng airport. They were at NAIA Terminal 3. Wala nang balikan ito. Oras na pumasok siya sa loob, hinding-hindi siya lilingon dahil sa dami ng maiiwan niya—ang pamilya at ang kumpanya. This is for the greater good. She raised her head. Hindi dapat siya panghinaan ng loob. Pinili niya ito kaya dapat lang na panindigan niya. “Are you all right?” Napapitlag si Triana. She looked at her companion, it was none other than her ex-fiancé. Tinotoo ni Caleb ang pangako nitong sasamahan siya papuntang US. Malaki ang pasasalamat niya sa presensya nito dahil kahit paano ay may kumakausap sa kanya. Baka kasi tuluyan na siyang mawala sa sarili dahil sa dami ng iniisip niya. Wala kasing kasiguraduhan ang kanyang naging desisyon. Magiging successful ba ang buhay niya sa ibang bansa? Paano niya maalagaan ang mga anak kung mag-isa lang siya roon? Bahala na. I’ll cross the bridge when I get there. “I’m okay.” Tipis siyan
NATAGPUAN ni Triana ang sariling umiiyak sa kalagitnaan ng gabi. Parang ngayon lang tuluyang na-absorb ng utak niya ang mga nangyayari dahil mag-isa na lang siya at malayo sa lahat. Kinakain ang puso niya ng sobrang kalungkutan. She was filled with so much uncertainty. Paminsan-minsan ay sinisilip niya ang cellphone at kahit paano ay umaasa siyang maalala ni Devance. Pero halos messages lang ng kanyang ina at ni Lara ang nakikita niyang lumabas sa kanyang screen. Halos hindi rin kasi niya binubuksan ang mga mensaheng galing kay Caleb. Gusto niyang natawa sa sarili. Buo ang loob niyang makipaghiwalay sa asawa dahil pinili nito si Eshvi. Pero heto ngayon at umaasa siyang kahit paano ay kukumustahin siya nito kahit hiwalay na sila. Kahit alam niyang naghihintay siya sa wala. She even prayed that Dev would ask for forgiveness for what he did. Pero ni hindi man lang nito naisipang magparamdam. Even for old time’s sake. They used to be friends after all. Siguro pakiramdam ni Devance ay na
DUMATING ang araw ng panganganak ni Triana. At gaya ng inaasahan ay hindi na niya naitago sa ina ang kanyang pagbubuntis. Halos himatayin ito sa pagkagulat nang nalaman ang kanyang kundisyon. Pinagalitan pa siya nito. “So, this is the reason why you want to be away and despise the idea of coming home last holiday season! You’re going to kill me out of shock!” litanya ni Lucia sa anak. Subalit agad namang napawi ang tampo nito nang makita ang mga apo. Kitang-kita sa mukha nito ang hindi maitagong saya dahil sa kislap ng mata nito. Tahimik itong naupo sa light blue couch sa may paanan ni Triana. Kasalukuyan siyang nakahiga sa hospital bed sa loob ng private room ng isang kilalang hospital sa New York. May nakakabit pang dextrose sa kanyang kamay at maputlang-maputla pa siya. Mabuti na lang at malawak ang silid na kinaroroonan niya. Kitang-kita rin ang luntiang dahon ng mga punoy kahoy mula sa salamin sa labas ng kanyang silid. Maluha-luha si Triana nang yakapin ang kambal. They were f
Four years later ABALA si Triana sa pag-check ng mga dokumento sa kanyang mesa tungkol sa financial status ng chains of coffee shop na pag-aari niya—the Ravini’s Café. The sales had soared recently. Sa ngayon masasabi niyang stable na ang business niya kumpara noong nagsisimula pa lang. Halos dumaan siya sa butas ng karayom dahil wala siyang masyadong katuwang. Her employees were mostly Filipinos. That way she could help create jobs for them. “Nanay!” tawag ng munting tinig na siyang dahilan para matigil siya sa ginagawa. Ibinaba niya ang hawak na papel at isinarado ang laptop. Kasalukuyan siyang nasa loob ng kanyang mini office sa kanyang bahay sa Manhattan. Tumambad sa kanya ang mangiyak-ngiyak na magandang mukha ni Rini. “What happened, sweetheart?” Tumayo siya. Bago pa makasagot ang batang babae ay pumasok naman si Ravi na pumapalahaw din ng iyak. “Nanay! Charlotte is telling us we don’t have a father.” Halos pumiyok si Ravi na nagsumbong. Huminga nang malalim si Triana.
Wellington, New Zealand. “CONGRATULATIONS! Mr. Chaudhary.” Inilahad ng may katandaang lalaki ang kamay kay Devance. He was a Caucasian and the CEO of a well-known food company in this country. “Thank you, Mr. Willams.” Tinanggap niya ang kamay nito at nakipagkamay din siya sa tatlong kasama nito. Dalawang babae at isang lalaki. They just signed a million-dollar deal regarding the imports of his products in New Zealand. It was a success, and the investors were impressed. Wala nang bago roon kay Devance. Lahat naman ng business deals niya ay walang pumalpak. Namana yata niya ang likas na galing ng ama sa pagnenegosyo. He was still the chairman and president of AGC, and he expanded the business already. He could tell how proud his father was. Siya na mismo ang nagdedesisyon sa ikabubuti ng kumpanya at hindi na siya pinakikialaman ng ama. “Dev, babe. I want to go on shopping.” Nilingon ni Devance ang pinanggalingan ng tinig at napangiti siya. Kakalabas lang nila sa conference room.
LUMIPAD si Triana patungong Scotland kasama ang mga anak at imbes na ang mga nanny nito ang isama ay sina Travis at Tristan ang itinalaga niyang magbantay sa dalawang bata. Tutal hindi naman sila magtatagal dahil babalik din sila ng Manhattan pagkatapos ng kasal ni Lara. Isang intimate wedding ang ginanap sa isang hilltop sa Edinburg. The place was refreshing as the grassland was vibrant green. Nagkalat din sa paligid ang mga sari-saring kulay ng tulips kaya para silang nasa paraiso. Napapalibutan sila ng malalaking rock formations at sa malayuan kitang-kita ang bundok na may niyebe. There was a small river stretched near the venue and there were wild elks roaming around. It was late in the afternoon and the wind breeze was not that chilly. Triana counted the guests, they were no more than forty. Lara wore a plain white minimalist wedding dress. Kitang-kita ang saya sa mukha nito habang sinasabi ay wedding vow kay Austin. “Austin, I never doubted my love for you back then. I pledge