Share

CHAPTER 60

Four years later

ABALA si Triana sa pag-check ng mga dokumento sa kanyang mesa tungkol sa financial status ng chains of coffee shop na pag-aari niya—the Ravini’s Café. The sales had soared recently. Sa ngayon masasabi niyang stable na ang business niya kumpara noong nagsisimula pa lang. Halos dumaan siya sa butas ng karayom dahil wala siyang masyadong katuwang. Her employees were mostly Filipinos. That way she could help create jobs for them.

“Nanay!” tawag ng munting tinig na siyang dahilan para matigil siya sa ginagawa. Ibinaba niya ang hawak na papel at isinarado ang laptop. Kasalukuyan siyang nasa loob ng kanyang mini office sa kanyang bahay sa Manhattan. Tumambad sa kanya ang mangiyak-ngiyak na magandang mukha ni Rini.

“What happened, sweetheart?” Tumayo siya.

Bago pa makasagot ang batang babae ay pumasok naman si Ravi na pumapalahaw din ng iyak.

“Nanay! Charlotte is telling us we don’t have a father.” Halos pumiyok si Ravi na nagsumbong.

Huminga nang malalim si Triana.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status