Share

Chapter 7 Lucy

<Azaria>

Naaptingin ako sa babaeng kanina pa nakatingin kay Nick, mukhang may gusto siya.

“Choose whatever you want. Grandpa called, and he wanted to go with us to the mansion,” tamad na sabi niya sa akin.

Isang oras na kami namimili at hindi ako makapili ng kulay.

“Anong maganda? Itong pink or deep purple?” Tanong ko sa kanya, “maganda din itong Sierra Blue,”

“What do you think it is,” 

Hinawakan ko ulit ang deep purple.

“Go for the pink,” suhesyon na.

“Eh, kulay pink na ang old phone ko,” reklamo ko.

“If you don’t mind, I’ll just do it,”

Napatingin ako sa babaeng kanina pa nakadikit kay Nick. Kinuha niya ang iphone na tinitignan ni Nick at nandilim ang mukha ko ng sadyahin niya na mahawakan niya ang kamay ni Nick.

Hinayaan siya ni Nick at hindi na nagsalita.

“I want this pink and deep purple,” sabi ko kay Nick na naiinis.

“I can’t choose between the two,”

“Buy the two; I’ll change my phone too,”

Ngingiti na sana ako nang mapansin ko na ginagahasa na ni babae si Nick.

Tinignan ko ng masama ang babae pero ngumiti lang siya sa akin.

“Excuse me; I hope you won’t mind if I ask. What’s your perfume? I wanna give it to my brother; I guess he will like your perfume.”

Kinuyom ko ang kamao ko.

I look at Nick kung sasagot siya.

He was about to answer nang umalis na ako at pumunta sa counter.

Ang landi niya!

Nawala na ako sa mood.

Pagkatapos nu’n hindi ko na siya pinansin. Binibigyan ko siya ng masamang tingin na alam ko ay nagtataka na siya sa inaakto ko.

Madami kaming pinamili, at iyung iba ay hindi na masakay sa kotse kaya tinawagan niya ang driver na ihatid ang mga pinamili namin sa bahay.

Gabi na din at napagod ako.

“We’ll go to the mansion,” imporma na siya sa akin.

“Are you tired?” Tanong niya sa akin at hinawakan ako sa kamay.

I’m using my new phone, parehas din kami ng case at siya ang namili. Sa kanya ang pink, at sa akin ang deep purple.

“Why you look grumpy?’ Nakakunot noong tanong niya.

“Itanong mo sa babae mo kanina!” Asik ko sa kanya at binawa ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Wala pa kami isang buwan na kasal, nangangaliwa na siya at sa mismong harapan ko. Ang landi niya.

“I don’t have woman,” walang ideyang sagot niya.

“Why are you mad ba? Kanina mo pa ako pinapatay sa tingin mo. What I did?”

Mas lalo akong nainis sa tanong niya. Napakamanhid naman pala.

“Ewan ko sa’yo! Tandaan mo hinding-hindi kita mamahalin! Pumayag lang akong pakasalan ka dahil kapalit iyan ng pagtulong sa akin ni lolo!” Sa inis ko ay kung ano na ang nasabi ko.

Gusto ko siyang saktan sa mga salita ko dahil naiini ako sa kanya.

“Kung hindi lang ako nagipit ay hindi ako papayag na pakasalan ka! Isang malaking pagkakamali na ikasal ako sa’yo! I hate you Nikolai!” 

Bumilis ang pagtakbo niya ng sasakyan at umigting ang panga niya. Humigpit din ang pagkakahawak niya sa manibela.

“I don’t know that you fucking hate me! You don’t need to shout it to my face!” Galit na sagot niya habang ang ang tingin ay nasa daan.

Gusto ko umiyak, at hindi ko alam kung bakit.

Nainis ako sa kanya, kaya ko nasabi ang mga iyon.

“I hate you! Hindi ko alam kung bakit gusto ni lolo na pakasalan kita! Isa ka lang naman ampon!” Sigaw ko sa kanya.

Mas lalong bumilis ang takbo niya. Napahawak ako sa seatbelt dahil sa takot.

“Watch you mouth, Azaria,” nandidilim na sabi niya.

“Why are you acting like that, huh? Kanina mo pa ako pinapatay sa tingin mo and suddenly sasabihin mo ang mga iyan?! I know that you fucking hate me! And I’m not hoping that you’ll like me!” Sigaw niya pabalik.

Tuluyan na akong naiyak.

“We’ll talk about it in the house,” umiigting na sabi niya.

Mabilis lang kaming nakadating sa mansion at nauna akong bumaba. Hindi ko na siya hinintay at pumasok ako sa loob.

Galit ako sa lalaking iyon. Ayoko sa kanya. Gusto ko magwala sa sama ng loob.

Okay pa kami, tapos bigla na lang kaming nag-away. Hindi ko naman kasalanan na bigla kong nasabi ko ang mga iyon dahil sa galit ko.

Nick ruins the mood.

Pinunsan ko ang luha ko before I enter the mansion.

“Apo, you’re here,” masayang bungad sa akin ni tanda nang makita niya.

Patago kong pinunasan ang nangingilid kong luha.

“Bakit mo kami pinapunta dito?” Tanong ko sa kanya.

“Gusto ko lang kayo kamustahin na dalawang mag-asawa. You look blooming, Azaria,” pambobola sa akin ni matanda.

“Nagpahanda ako. Kumain na tayo,” nauna na ako maglakad.

“Teka, nasaan si Nick?” Tanong ni matanda ng mapansin na ako lang ang mag-isa.

“I’m here,” napatingin ako kay Nick.

Tumawa ang matanda nang makita niya ang ampon niya. Nagtama ang tingin namin ni Nick at sinamaan ko siya ng tingin. Inirapan ko din siya.

“Tara na sa kusina. Nandito din ang mga magulang mo, Azaria.”

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni tanda. Nakita ko ang mga magulang na masayang nag-uusap sa hapag habang hinihintay kami.

“Azaria,” masayang bati sa akin ng nanay ko.

I kissed my parents sa cheeks nila at inirapan ko si Lucy. Ang gaga, inirapan din ako.

“Mom, dad,” bati ni Nick sa mga magulang ko at hinalikan niya din ang pinsgi ng mga ito. Habang ginulo niya ang buhok ni Lucy.

“Ngayon na lang ulit tayo nagsama-sama sa isang hapag,” ma-dramang sabi ni nanay.

Umupo sa tabi ko si Nick at ramdam ko ang tingin niya sa akin.

“Grandpa, look at my dress! Mama baught this for me,” Pagmamalaki ni Lucy sa suot niyang damit.

Nagsimula na kaming kumain.

“Wala ba kayong balak mag honeymoon?”

Munti na akong mabulunan sa tanong ni matanda.

Kailangan pa ba iyon?

“Pagkatapos ng kasal niyo ay nag trabaho ka na Nick. Spend time to Azaria, para maging comfortable kayo sa isa’t isa,” grandpa said.

Uminom ako ng sabaw.

“I’m still busy with the company. I’m working on the project,” dahilan ni Nick.

Mabuti naman nakuha siya sa tingin ko na nakakamatay.

“Azaria, kasal ka na. Kaya dapat mag behave ka na,” payo sa akin ni mom.

“Azaria behave herself,” pagtatanggol sa akin ni Nick.

“And she’s doing great. She’s also a good wife,” nakangiting sabi ni Nick sa kanila.

“Eh, hindi naman marunong magluto iyan!” Biglang sabi ni grandpa.

“She’s trying her best to everything,” pagsisinungaling ni Nick.

Alam ko  naman na nagsisinungaling siya.

“Mabuti naman iyon. Magiging isang malaki at masayang pamilya tayo,” grandpa added.

“I heard Camille will go home na?” Tanong ni Dad.

Napa-angat na ako ng tingin. I look at Nick na kumakain.

Uuwi na ang babaeng iyon?

“Surprise daw ang pag-uwi niya,” masayang sabi ni grandpa.

Favorite apo niya din ang babaeng iyon.

“Oh, I miss Camille na. Ang tagal na since huling kita ko sa kanya. I heard na nag bo-bloom ang career niya,” sabi ni nanay.

Wala silang maipagmalaki sa akin dahil sa mga ginawa ko. Puro kasi problema ang binigay ko sa kanya.

Napatingin ako kay Nick nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Nakatingin din siya sa akin.

Natapos na kami mag dinner at umuwi na din ang mga parents ko. Kami na lang ni Nick ang nandito, at kausap niya si Lolo.

“Alam niyo ba ang chismis mga mare?” 

Napahinto ako sa pagtitingin ng pagkain nang marinig ko ang mga kasambahay.

“Nakulong pala si Ma’am Azaria at tinatago iyon ng Don!”

Hindi ako nakulong.

“Oo, tapos pinakasal siya kay sir. Hays, kung ako kay sir hindi ko papakasalan iyon. Hindi naman siya wife material, hindi marunong magluto at maglaba. Puro kaartehan ang alam sa buhay. Luging-lugi si sir Nick sa kanyan.”

So, ako ang topic?

“Oo nga ang arte. Nakakainis ang kaartehan niya. Dapat umuwi na lang siya sa kanila. Ayaw ko nga nandito ang babaeng iyon kasi ang daming inuutos.”

Tumingin ako sa kanila.

“Tapos bibigyan siya ng Don ng 25% percent. Naku, hindi naman niya deserve iyon. Baka nga tuluyan ng mawala ang kumpanyan sa kanila kapag binigyan siya ng karapatan.”

“Kung ako kay Sir Nick hahanap ako ng babaeng marunong sa bahay at hindi maarte. Baka nga mabubos ang kayamanan ni sir dahil sa babaeng iyon,” sabay tawa.

I continue to listen.

“Baka nga pineperahan niya lang si sir!”

“True, kapag naghirap sila ay baka mawalan din tayo ng trabaho. Dapat sa kanya ay hindi pinagkakatiwaalan. Mabuti pa si Ma’am Camille mabait. I heard na uuwi na daw si Ma’am Camille.”

Napunta na kay Camille ang usapan.

Hindi ako wife material? Wala akong pake.

Pumasok ako sa kwarto ko.

Pina-plastik na pala ako ng mga kasambahay dito sa bahay. Kung sino pa ang matanda siya ang chismosa.

Hacienda lang naman ang binenta ko, ah.

Si Nick na naman ang tama sa paningin nila at si Camille din.

Wala ba talaga may gusto sa akin?

Ako ang pinaghawak sa Hacienda kaya ko iyon naibenta.

Bakit ba ayaw ng mga tao sa akin? Si Hailey lang ang nakatagal sa akin, si Hailey lang iyung hinid ako pineperahan at nakaka intindi sa akin.

Pinunasan ko ang luha ko.

Kaya ayaw ko dito sa mansion kasi hindi ko naman ramdam na belong ako dito.

“Azaria, why are you crying?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status