Share

Chapter 38 Hana

"Kiki…" naiiyak na tawag ko kay Kiki.

Bakit siya ganyan? Bakit mukha siyang galit? Hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa isip niya.

Hinanap ba niya ba ako?

Siya ba ang nagligtas sa akin?

"Who's that man?" Malamig na tanong niya. Walang emosyon ang kanyang mga mata.

Malamig at nakakatakot siyang nakatingin sa akin.

"Who the hell is that man?!" Nabigla ako sa bigla niyang pagsigaw.

Sino ba ang tinutukoy niyang man? Hindi ko siya maintindihan. Wala akong kilala na man ang pangalan.

Bakit galit siya? Diba dapat nag-aalala siya.

Dapat tinatanong niya sa akin kung kamusta na ako at kung okay lang ba ang pakiramdam ko.

"Hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy mo." Natatakot na sagot ko sa kanya.

Napatingin ako sa kamao niya na mahigpit na nakayukom at nalabas na rin ang mga ugat niya. Kita ko ang mga ugat niya sa kamay.

Galit ba siya? Kung galit siya, ngayon ko pa lang siya makikitang galit. A

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status