Share

Chapter 6 Malate

Thanks to the jeepney driver na maghatid sa akin sa condo.

"Hija, masyado naman yatang malaki ito." Sabi niya ng ibigay ko sa kanya ang pera.

"Manong thank you po talaga. Keep that money po. Thank you po." Sabi ko at tinalikuran ko na siya.

Pinunasan ko ang mukha ko bago pumasok sa loob ng building. Sure naman ako na tulog na 'yung masungit na lalaking 'yon.

Ala dose na, at malapit na mag alas tres.

Takot na takot ako, hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Hindi ko nga alam 'kung saan lugar iyon.

Naglakad ako at naghanap ng machine. Nag withdraw ako at naghanap ako ng jeep na maghahatid sa akin sa Condo. Ayoko sumakay sa taxi, may trust issue ako. Basta, nandito 'yung pakiramdam na takot akong sumakay ng taxi.

Ayaw nga akong ihatid ni kuya dahil masyadong malayo daw. Pinilit at nagmakaawa ako sa kanya dahil takot na takot ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

I gave him ten thousands dahil masyadong malayo at pauwi na siya. That's also a thank you dahil hinatid niya ako ng safe at hinatid niya ako kahit pagod na siya sa biyahe.

Sumakay na ako sa elevator at three seconds lang ay nandito na ako sa harap ng pinto.

Room 1128

Pinunasan ko ang mukha ko at inayos ko ang buhok ko.

Akmang bubuksan ko na ang pinto nang kusa 'yong bumukas.

Babayaran ko na lang 'yung pera niya.

Hindi ko inaasahan na gising pa siya sa mga ganitong oras. Nanikip ang d****b ko nang makita siya. Gusto ko siyang yakapin kaso hindi pwede.

We look into each other's eyes. I look at his deep black brown eyes.

--

He sighed.

“Where have you been?” His face is blank and his voice is cold. Magulo din ang buhok niya at nakasuot siya ng hoodie and a pjamas. Ash grey hoodie.

Nasa pintuan pa rin siya at nakahawak pa rin sa door knob.

Lumunok ako dahil feeling ko maiiyak na naman ako. Hindi ko kayang magsalita, baka kasi mag break down ako sa harapan niya.

Ngumiti ako sa kanya, “bakit gising ka pa?” Nakangiti ‘kong tanong sa kanya.

Hindi siya kumurap o gumulaw, hindi rin nagbago ang facial expression niya. Hindi ko alam ‘kung galit ba siya o naiinis. Hindi ko mabasa ‘kung anong iniisip niya.

‘Don’t answer me with another question.” Matigas na sabi niya at direktang nakatingin sa mga mata ko.

“Sa trabaho.” Pagsisinungaling ko at pumasok na sa loob. Ayaw yata niya akong papasukin, “makikitira muna ako ng mga ilang araw, ah. Hindi ko po kasi nakukuha ang sahod ko. Wala pa akong budget pang lipat.” Sabi ko sa kanya at pinilipit na hindi maiyak.

Humarap siya sa akin at sinira niya ang pinto, “what happened to you? Why do you have scratches? Did the chinese chase you again?’ Tanong niya habang nakatingin sa siko ko. Hindi naman siya mukhang nag-aalala.

Napatingin ako sa tinitignan niya at tinago ko sa likod ko iyon para hindi niya makita pero nakita na niya na. Ang hapdi nga, eh.

Tinulak kasi ako ni Huana kanina, kaya nagasgasan ako.

Inilipat niya ang tingin niya sa mukha ko, “did you cry?” Seryoso lang siyang nakatingin sa mukha ko at parang tinitignan kung nagsasabi ako ng totoo.

Tumingin ako sa left side niya, “hindi, noh. Ganyan lang ‘yan kasi puyat ako. Sigi na. Maliligo m-muna ako.” Paalam ko mabilis na tumalikod sa kanya.

Mabilis akong pumasok sa banyo.

Para siyang investigator kung makapagtanong sa akin.

Pupuntahan ‘ko muna si Weltry bukas, manghihiram ulit ako ng pera makalipat na ako. Babayaran ‘ko pa siya dahil sa pagpayag niyang maikasal sa akin. Patay na ako, binabayaran ‘ko pa ‘yung mga utang ko.

Paano makatulog ng maayos na hindi iniisip ang mga utang? Edi, tanggalin ang isip mo.

--

Nang tinawag ako nang secretary niya ay pumasok na ako sa office niya.

“Weltry.” Naiiyak na tawag ko sa pangalan niya nang makapasok na ako sa loob ng kanyang office.

May inaayos siya na mga papel at nag-angat siya ng tingin sa akin nang tawagin ko siya. “Lemme guess, you’re in trouble again?” Itinabi niya ang mga hawak niyang mga papel at umupo ako sa visitor’s chair, kahit hindi pa naman niya ako pinapaupo. Makapal din naman ako kaya susulitin ko na ang pagiging makapal ng mukha ko.

Ngumuso ako sa tanong niya “Weltry, baka pwedeng manghiram ulit?” Nagbabakasaling tanong ko, “promise talaga. Last na ito.” Desperadang sabi ko at itinaas ang kamay ko.

“Mangungutang ka ulit?” Tinaasan niya ako ng kilay at sumandal siya sa swivel chair. Parang alam na niya ang pinunta ko.

Nakanguso lang akong nakatingin sa kanya. Alam ko naman na makapal ang mukha ko pero nahihiya pa rin ako, may ganu’n pa lang tao, noh, at ako iyon.

Proud ako sa sarili ko. Sabi kasi nila dapat maging proud ka sa sarili kasi, ikaw lang ang magiging proud sa sarili mo, wala ng iba. Lahat ng mga bagay nagsisimula sa ating mga sarili.

“Oo, sana. Tapos after ko mangutang mag po-post ako sa social media na kumakain ako sa mamahaling restaurant.” Seryosong sabi ko at napatawa naman siya.

“Ang dami mo ng utang sa akin. Binayaran ko na rin ang mga utang mo sa bangko,” he cross his arm. “Gusto mo ng sugar daddy? May ipapakilala ako sa’yo.” Tudyo niya.

I cringe. Bakit ngayon niya lang naisipan na ipakilala sa akin iyan kung kelan may asawa na ako.

“Mabango ba iyan? Baka amoy putok iyan.” Biro ko.

Humalakhak naman siya sa tawa.

“Uy! Mas mabango pa iyon kesa sa hininga mo. Ang pabango nu’n ay dollars.” Sabi niya, naalala ko si Atty. na amoy dollar. Hihi.

“Magkano ba ang kailangan mo?” Umiiling na sabi niya at may kinuha sa drawer niya. Kinuha niya rin ang ballpen na nasa harapan ko.

“Pwedeng kalahating milyon?” Nahihiyang sabi ko.

“Gawin mo ng isang milyon, nahihiya ka pa” Tukso niya at nagsimula ng magsulat sa mga papel.

“Weltry, baka nangangailangan ka ng assistant, mag a-apply ako. Ang dami mong pera. Dinaig mo pa ‘yung may-ari ng isang kumpanya.” Sabi ko.

Isa kasi siyang president ng isang insurance company. Nag-umpis siya sa mababang pwesto at dahil masipag at madiskarte siya. Kaya ayan, naging president siya.

Binigay niya sa akin ang cheque at isang milyon ang isinulat niya. Ni piso wala pa akong nababalik sa mga inutang ko sa kanya.

“Doon ka na lang sa sugar daddy na sinasabi ko sa’yo. Papatulan ka kaagad nu’n at papakasalan. Edi problem, solving ka na. Kesa sa nangungutang ka sa akin.” Sabi niya at itinago ang papel na kinuha niya sa drawer.

Ang linis ng table niya at ang neat.

“Pag-iisipan ko muna.” Baka bigla akong mangailangan. Ayaw ‘kong i-reject ang sinabi niya kaagad. Para naman may alas ako.

“Siguro may sugar daddy ka, noh. Kaya ang dami mong pera. At saka saan mo nakilala iyang sugar daddy na gusto mong ipakilala sa akin kung wala ka din ganoon” Panghihinala ko.

He chuckled. “Baka sugar mommy kamo.” Pag tatama niya sa akin.

“Parehas lang din iyon.” Katwiran ko.

Napailing na lang siya sa akin, “sigi na, umalis ka na. Marami pa akong gagawin and no questions are allowed kapag mangungutang, okay?”

I cringe.

“Sige salamat. Kung hindi lang kita pinsan jinowa na kita at hinalikan dahil sa kabaitan mo.”

“May pagnanasa ka pala sa akin, huh.” Nakakalokong sabi niya.

Kaagad akong sumagot sa kanya, “oo!” agaran na sagot ko at may pagka confidence pa.

“Hindi ikaw ang type ko. Baka kapag ikaw ang naging jowa ko, mabaon pa ako sa utang.” Pagsakay niya sa sinabi ko.

Sinamangutan ko siya, “Sige, thank you. Love you, cousin. Mwa mwa tsup! With sound.” Nag flying kiss ako sa kanya at umilag siya para maiwasan ang kiss ko.

Masaya akong lumabas ng opisina niya.

30 minutes later

Weltry enters his office when a man in a suit is sitting in his visitor’s chair.

Mukhang kanina pa ito naghihintay sa akin.

From the distance of his office table and to door of his office niya ay na sha-sharpen ang tangos ng ilong nito. He’s playing with his pen coolly.

His dark brown hair na nagmumukhang light brown dahil sa mataas na sikat ng araw.

He silently sat on his swivel chair.

“Atty. Kienzo.”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ella
prang mejo mgulo? anyways I'll keep on reading ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status