Share

Chapter 7 Rawr

“Bolat, sure ka dito na waitress lang talaga, ah.” Paninigurado ko kay Bolat. Minsan kasi scam din si Bolat.

“Oo, teh. Wala talagang tiwala, eno. At saka tignan mo ang suot mo. Ang ayos.”

Tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Pumayag na ako sa inaalok niyang trabaho habang hinihintay ko ang mga kumpanya na tumawag sa akin. ‘Yung pera na inutang ko kay Weltry ay ginamit ko sa pag a-apply ng trabaho. Next time ko na lang babayaran ‘yung sa kasal namin ni kiki. Hindi pa naman niya ako sinisingil.

“Tara na, teh. Okay na ‘yan.” Hinila niya ako.

“Alam mo na ang gagawin mo, eh. Sinabihan na kita at tinraining. Huwag kang mananapak ng mga customers.” Paalala niya sa akin na may halong pagbabanta.

Tumango ako sa kanya.

Nag start na ako sa pag ta-trabaho at wala pa ako sa kalahating oras ay nakakaramdaman na ako ng sobrang pagod. Ang daming customers. Hindi ko na alam kung ano ang haharapin ko.

Iniwan na rin ako ni, Bolat. Hindi ko alam ‘kung nasaan siya.

“Ms. baka pwede ka. 10K isang gabi.” Bulong sa tenga ko ng isang matanda habang nilalagay ko sa table nila ang alak na kanilang inorder.

Kinalibutan ako sa ginawa niyang pag bulong sa tenga. Lahat ng buhok ko sa katawan tumaas, kasama ‘yung sa ibaba.

“Ay, waitress lang po ako dito. ‘Kung gusto mo po ng take out. Pili ka lang po sa mga menu namin, charot! Ayan po sa stage.” Turo ko sa mga babaeng gumigilang sa stage. Para silang worm kung gumiling.

Iniwan ko na siya. Mukhang siya mayaman na bastos.

Sa unang gabi ko dito sa bar ay hindi maganda ang naging karanasan ko, ang daming manyak at mga adik.

Porke may mga pera at mga mayayaman. May nakikita din akong nang-aadik.

Ang iba naman ay parang mga sinasaniban. Ibang bar yata ang na-applyan ko

Nanlaki ang mata ko ng may humawak sa braso ko. Isang malamig na palad at amoy mayaman.

Putek!

Unti-unti akong humarap sa kanya at akma ko na siyang sisigawan nang malunok ko ang dila ko. Para akong nawalan nang dugo sa katawan ko nang siya ang nasa harapan ko.

Putang piki! Pisting yawa! Anong ginagawa niya rito? Bakit nandito itong lawyer na ito?

“Hey.” Ngumiti siya sa akin para lumabas ang mga pangil niya. I mean, puting ngipin.

“Do I know yah?” Tanong ko.

He smiled at me, “aren’t you the wife of atty. Enzo?” He asked.

“Po? Itong mukhang ito? Mukha ba itong asawa ng isang atty?” Tanong ko sabay turo sa mukha ko.

Ganito pala ang pakiramdam ng nahihiya, ngayon ko lang nalaman at na experience. Sana pala hindi ko na lang naramdaman. Nakakahiya naman.

Pinakatitigan niya. “It’s you.” Pagpilit niya.

Napakagat ako sa ibabang labi, “hindi nga ako iyon! Kahit lawyer ka ipupukpok ko itong tray sa’yo!” Banta ko sa kanya at iniwan siya.

Narinig ko pa nga ang tawa niya habang paalis ako.

Baliw talaga ang lawyer na iyon. Nabaliw na sa kaka-memorized ng mga batas. Si Attorney Rodriquez yata 'yon.

“Aray!” React ko ng ipukpok ko ang tray sa ulo ko. Masakit pala.

Huwag naman niya sanang sabihin kay kiki na nag ta-trabaho ako dito, mukha pa naman siyang madaldal.

Napatalikod ako nang makita ko siyang nakasandal sa kotse niya. Putek! Nandito din siya, edi magkasama sila nu’ng madaldal na lawyer na iyon?

“Hey!” Bago pa ako makalayo sa kanya ay tinawag niya.

Jsq! Huwag naman niya sana ako nakita kanina sa loob ng bar na isang waitress pero malabong hindi eh, mukhang nakita niya ako at hinihintay niya ako ngayon. Kaya pala hindi ako mapakali kanina at parang may nakatingin sa akin.

“Hey Ms. delusional.” Tawag niya ulit sa akin.

Humarap ako sa kanya. Makapal ang mukha ko kaya dapat hindi ako mahiya sa kanya. Siya ang dapat na mahiya sa akin.

“Kiki, nandiyan ka pala.” Kunware nagulat ako.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya.

Napatingin ako sa paligid at wala ng katao-tao, hindi katulad kanina na sobrang crowded sa loob.

Iilan na lang din ang mga sasakyan na naka park.

“Doing some, uh, work.” He licked his lower.

Nakasandal pa rin siya sa hood ng kotse niya at nasa loob ng pants niya ang isa niyang kamay. Ang cool naman niyang tignan. Nakasuot niya ng coat at ang sa loob nu’n ay isang plain crew neck shirt.

“Ah, macho dancer ka dito sa bar?” Tanong ko. Lawyer sa uamaga, macho dancer sa gabi.

Napatawa naman siya sa tanong ko. Anong nakakatawa doon? Pasok sa banga ang katawan niya at malay ko ba ‘kung pangarap niyang maging macho dancer noong bata siya kaya, nag pa-part time job siya ngayon.

“Are you going home? Sumakay ka na sa akin.” Alok niya.

“Sasakay ako sa’yo?” nabigla na tanong ko at tinuro ko ang sarili ko.

“Yeah, why?” Nagtatakang tanong niya.

“Marunong ka ba mag drive? Baka hindi ka naman magaling, ah.” Hamon ko sa kanya.

“Which drive are you referring to? I am good driver at both.” Cool at makahulugan na sagot niya.

“Ikaw naman, ang green minded mo naman. Tara na!” Aya ‘ko sa kanya.

He opened the door for me.

“Saan kita ihahatid?” Tanong niya ng napa-andar na niya ang kanyang sasakyan.

“Pwede ba sa puso mo?” Pilyang tanong ko.

He sexily chuckled, “why not?” He rides my joke.

“Saan nga kita ihahatid.” Sabi niya at nakalayo na kami sa bar.

“Pwede ba kitang batukan?” Seryosong paalam ko.

Tinignan niya ako ng nagtatanong pero ibinalik niya rin ang paningin sa daan.

“Para ka kasing may amnesia. Duh, magkasama tayo sa iisang bahay. Nakikituloy nga ako sa’yo diba. Nakatira tayo sa condo mo at saka huwag kang mag-alala bago ako umalis sa condo mo babayaran kita. Para naman, huwag mong isipin na tinakbuhan kita at hindi binayaran,” Madamdamin na saba ko.

“Pumayag ako na patuluyin kita sa condo?” Nagtatakang tanong niya.

Tumango ako sa kanya bilang sagot, “oo, napilitan ka pa nga at ayaw mo akong palabasin ng condo mo dahil hindi pa sure na tatantanan na ako ng mga tauhan ni Mr. Huang.”

Seryoso lang siyang nag da-drive at nakikinig sa akin. Mukhang naging interesado siya sa sinabi ko.

“Mr. Huang?” Paninigurado niya.

“Oo, iyon ‘yung pangalan nu’ng chinese businessman na bumili sa akin at balak lang akong pakinabangan nu’n sa bar niya.” Ulit ko, “alam mo, sa dami ng mga republic act at mga kliyente mo, nagiging makakalimutin ka na, noh.” Sabi ko sa kanya.

Imbis na ma-offend ay napatawa siya, mukhang nag e-enjoy pa nga siya na nilalait ko siya.

“That business Chinese own an illegal bar?” He asks while still looking at the road.

“Oo.” I answered.

“I heard his business shut down at nasa kulungan na siya ngayon.” Balita niya sa akin.

Napasuntok ako sa tuwa sa hangin, “yes!” napatingin siya sa akin.

“Magiging malaya na rin ako sa wakas pero, huwag mo muna akong paalisin sa condo mo, ah?”

Hindi na siya sumagot at nag-usap pa kami sa ibang bagay. Ang daldal niya at hindi na siya msungit.

Nakikipag-usap na siya sa akin. Hindi na siya parang isang robot.

“Nag grocery ka? At saka ang dami mo naman yatang condo?” Nagtatakang tanong ko at isinara ang fridge.

Iba kasi ang dinaanan namin na lugar at pumasok kami sa ibang condo at mas malaking itong condo niya sa compare sa una.

“Yeah.” Maikling sagot niya habang hinuhubad ang suot niyang coat. Ipinatong niya iyon sa balikat niya at uminom ng tubig.

“You can stay in the other room.” Kitams, bumait din siya.

“Yes! Makakatulog na rin ako ng maayos!” Bulalas ko.

“Bakit? Aren’t you comfortable sleeping in my first condo?” He asked and put the glass in the sink.

Ngumuso ako, “ang tigas kaya u’ng sofa mo doon at napaka ungentleman mo. Hindi man lang tayo tabing matulog at saka pinatulog mo talaga ako sa sofa. Paano tayo makakabuo kung hindi tayo magtatabi?” Biro ko sa kanya.

“Osige, tabi na lang tayong matulog.” Naiiling na sabi niya habang natatawa.

Mas gusto ko yung ganitong sides, iyung sumasakay sa mga trip at pagiging madaldal siya.

Naligo na ako at pinahiram niya ako ng damit niya at tulad ng una niyang ginawa ay binilhan niya ako ng damit. May inutusan siyang bumili ng damit ko.

Katabi ko na siya matulog.

“Ang saya mo, ah.” Baling niya sa akin habang humihiga na sa kama. Kakatapos niya lang mag shower at ang bango niya. Amoy fresh. Fresh from the bath.

Naka-upo ako sa kama niya.

“Syempre, sino ba naman ang hindi magiging happy kapag may makakatabi kang gwapong nilalang!” Masayang sabi ko, “pero, huwag mo akong kakasuhan kapag may ginawa ako sa’yo, ah. Gagapangin lang naman kita.” Sabi ko sa kanya.

Marami pa akong pangarap at ayaw kong makulong.

“Huwag kang masyadong ngumiti parang nahuhulog iyung panty ko at baka gapangin kita. Rawr.” Sabi ko.

“Mag-asawa naman tayo kaya may karapatan ka. Rawr!”

Ang saya niyang kausap ngayong araw. Nagkulitan pa kami bago tuluyang nahiga sa kama.

“Kiki.” tawag ko sa kanya.

Nakahiga na siya sa kama at nakapikit na ang mga mata niya, “Kiki, do you love me?” Seryosong sabi ko.

He opened his eyes and looked at me, “would you mind if I love you?” Seryosong tanong niya.

“Sige! I will give you 365 days to love you and if you don’t. I will set you free, baby boy.” Natatawang sabi ko.

“Ang kulit mo.” Tumatawang komento niya.

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Reymar Lago
nakaka..walang gana gumastos ka nga ng data may bayad pa hahaha double kil
goodnovel comment avatar
Elisa Catacutan
ganda nga oh kaso may bayad nman.huhuhu kakanitin lang eh kainis
goodnovel comment avatar
Rose Marie
ganda ng kwento
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status