Share

Chapter 57

"Mauna ka nang sumakay sa elevator. Susunod na lang ako. Makikita mo naman ang mga bodyguards ko na naghihintay sa baba," sabi sa akin ni Cristiano.

Nasa harapan na kami ng elevator ngayon at hinihintay ko lang huminto 'yon doon. Dalawang metro siguro ang layo niya sa akin at talagang hindi siya lumapit. Tipid naman akong ngumiti at tumango sa kaniya dahil mas mainam nga na hindi kami magkasama sa loob ng elevator. Nakakahiya kung doon pa ako masusuka at baka biglang kumalat na lang doon sa buong company na buntis ako.

Nang bumukas ang elevator ay laking pasasalamat ko naman dahil walang ibang tao na sakay roon kaya mabilis na akong pumasok. Nagtama naman ang mga tingin namin ni Cristiano habang sumasara ang pintuan ng elevator. Kita ko ang seryosong mga tingin niya sa akin na para bang sobrang lalim ng iniisip niya. Naputol lang ang titigan naming dalawa nang tuluyang magsara ang pintuan.

Tatlong minuto lang naman ang lumipas hanggang sa nakababa na ako sa parking area. May sumalu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status