C15D*MN IT!Ang hirap.Isang araw nasa condo lang kami ni Selena, wala kaming pasok sa kanya kanya naming trabaho. Nanonood lang kami ng movies sa sala habang kumakain. Masaya kami at sana pang habang buhay na. Napaangat ang tingin ko ng tumayo bigla si Selena. Kumunot ang noo ko."Mag babanyo lang.." nakangiti nitong sabe. Tumango ako saka ngumiti pabalik. Nasa movie lang ang paningin ko hanggang sa mapansin kong ilang minuto ng nasa banyo si Selena at hindi parin lumalabas. Tumayo na ako upang sundan ito."SELENA? WHAT TOOK YOU SO LONG? ARE YOU OKAY?" sigaw ko mula sa labas ng banyo habang kinakatok ko ito. Ang tagal kasing lumabas. Ilang minuto na."LALABAS NA AKO!" huminto ako pag katok ng marinig ko ang boses na un. Napabalik ako sa sala ng marinig ko ang phone ko. Kaagad lumundag ang puso ko ng makita ko ang pangalan ni olivia na nag tatawag. Kaagad ko itong kinuha saka sinagot."Oliviam..?" mahinang sabe ko. Tumingin ako sa likod ko at nakahinga ako ng maluwag ng makita kong h
LUCAS POV.Sa pitong taon, wala na akong balita kay selena at kev. Sa pitong taon hindi na ito nag paramdaman. Hindi ko na rin inalam pa kong anong ginagawa nila. Hindi na rin ako interesado. Nilagok ko ang isang basong alak.Nasa opisina ako ngaun habang nakatalikod sa mesa ko. Nakaharap ako sa malaking salamin na kong saan kitang kita mo ang matatayog na gusali. Nasa bulsa ang mga kamay ko. Lumilipad ang isipan ko kay Selena at kong anong nangyare dito. Pilit ko siyang kinalimutan pero hindi ko magawa, ang hirap hirap.Umalis din kami ni Olivia pagkatapos ng meeting namin sa wedding planer na hinanda nina Mom. Umuwi kami ni Olivia sa condo ko. Bagong condo na binili ko. Hindi ko na kailanman binalikan ang condo ko noon na kong saan ginawan nila ng milagro. Parang kahapon lang, sariwang sariwa parin sa akin.Napatingin ako sa intercom ko ng tumunog ito. Lumapit ako dito at pinindot ko ang speaker. Nag salin ulit ako ng isang basong alak bago ko nilagok."Good evening Mr. Revamonte, p
Pumasok ulit sa imahe ko ang binti ni Selena na merong dugo. Para akong nawalan ng dugo habang iniiisip kong anak ko un. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Hinding hindi. F*CK!i'm sorry selenaYumuko ako at mas lalong umagos ang luha ko ng maalala ko kong paano ko ito sinaktan, kong paano ko ito dinurog, kong paano ko ito pinaiyak.I'm sorryBumilis ang tibok ng puso ko. Ang sikip sikip sa dibdib habanh binabalikan ko ang nangyare 7 years ago. Hindi ko alam kong anong nararamdaman ko. Hindi ko alam. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag merong nangyaring masama sa mag ina ko.Tumayo ako at ginamit ko ang natitira kong lakas upang umalis sa opisina para kausapin si Olivia. Kailangan ko ng totoo.Umalis ako ng building. Ni hindi ko na pinansin ang secretary kong lalapit sana sa akin. Hindi ko pinansin ang mga empleyado kong bumati sa akin. Lahat sila nag sitabihan, siguro nakita nila ang galit kong mukha. Pag sisihan ko ito panigurado. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Yong
LUCAS POV.Umalis ako sa hospital pagkatapoa maihatid si Olivia. hindi ako nag dalawang isip na tawagan ang mga private investigator namin. Limang private investigator kinuha ko para mahanap si Selena sa america at dito sa pilipinas.Pero..Bigo ako. Dalawang buwan na ang lumipas hindi ko parin mahanap. Hinang hina na ako. Halos hindi na ako umuuwi sa bahay para lang makuha ang impormasyon sa mga private investigator ko pero ni isa walang naka kuha kong nasaan si Selena..Where are u?Papalit palit ako ng investigator dahil lahat sila palpak kong kumuha ng impormasyon. Walang makapag sabe sa akin kong nasaan si Selena. Gumatos ako ng libo libong mahanap lng si Selena. Nawala din sa isip ko si Olivia, hindi na ako bumalik sa hospital pagkatapos kong ihatid."Sigurado kaba sa nakuha mong engineer?" seryosong sabe ko kay patrick, kaibigan ko saka business partner narin. Umiinom kami ng alak ngaun dito asa conference room ng company niya. Balak naming mag patayo ng hotel kasama ang mga ka
SELENA POV.Kaya ko ba?Pumikit ako ng mariin habang hinihilot ko ang sintedo ko. Nasa harap ako ng building ng isang cliente ko. Hindi pa ako lumalabas sa kotse kase kinakabahan ako. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Nito ko lang nalaman na kasama si Lucas sa magiging cliente ko.F*CK!Kinakabahan ako. Hindi pa ako handa makita silang muli. Hindi pa ako handang makasama sila sa iisang kwarto. Hindi pa ako handa. Hinding hindi pa ako magiging handa. Biglaan kase kaya hindi ko napag handaan. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako mapakali sa loob ng kotse ko dito.Nong una tinanggihan ko si Adam pero anong magagawa ko? Napa Oo na siya ng client at hindi na pwedeng umatras. Hindi ko napaghandaan ang pangyayarinh ito."E d harapin mo sila, ito na ung araw para magkita mo silang muli. Umpisahan muna kong anong binabalak mo. Andito lang ako sa likod mo,naka abang." Si adam pagkatapos kong tanggihan na hindi ako pupunta. Sinamaan ko ito ng tingin habang nakangising naman itong nakating
LUCAS POV.Naka kuyom ang kamao ko habang nakatago ito sa ilalim ng mesa. Hindi ko tinantanan ng titig si Selena kahit na nag sasalita ito. Tinapos namin kaagad ang meeting pagkatapos kong nagsalita na wala na kaming ibang kukuning engineer. Unang beses itong pumasok sa conference room hindi ko maitatago sa mukha ko ang gulat gulat. Hindi ko inaasahan ang pang yayaring ito, gulat na gulat ako.She's Engineer?.how? Ang daming nagbago dito maliban sa mukha nitong maganda parin. Mas lalong kumintab ang makinis nitong balat. Her hair so thick and shiny. Mas lalong gumanda ang katawan nito. Bumaba ang paningin ko sa tiyan ni Selena. Namutla ako ng maalala ko ang anak ko. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.Nakaramdam ako ng kirot ng sabihin niya sa lahat ng tao ditong hindi ako kilala, na hindi ito interesado sa pagkatao ko. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Baby? Ito ba ang paraan mo para saktan ako? Ito ba ang paraan mo para ibalik ang sakit na dinulot ko sau? Well selena, I tell mag
SELENA POV.Tinulak ko ng malakas si Lucas kahit nanghihina ako sa mga katagang sinabe nito ng makita kong bumukas ang elevator. Sunod sunod umagos ang luha ko ng hindi ko namalayan. Naninikip ang dibdib ko at hindi makapaniwala kay Lucas.Anong nangyare?Ang sabe niya sa akin noon hindi niya anak si Abbie. Hindi niya tinanggap si Abbie. Hindi niya inakong anak niya si Abbie dahil mas pinaniwalaan niya na anak ito ng lalaking isa sa sumira sa buhay ko. Kong alam kong anong nagawa ko sa kanila kong bakit nila ako sinira ang pagkatao ko. Hindi ko alam kong anong nagawa ko kong bakit nila ako pinaglaruan, pinag pustahan at sa tuwing naalala ko yan parang nadudurog ang puso ko.Minahal ko si Lucas ng totoo. Binigay ko sa kanya ang lahat lahat. Pati ang isang bagay na iniingatan ko, sinuko ko kay Lucas dahil mahal ko ito. I love him so much dahilan para maubos ako. Halos hindi ko na magawang mahalin ang sarili ko. Halos mabaliw ako kakaisip dito. Halos hindi ako maka kain sa sobrang pag ma
Nasa tapat na kami ng gate ng bigla kong narinig ang pangalan kong sinigaw sa loob. Napahinto ako, pumikit ako ng mariin bago ako humarap kay Kev. Dahan dahan itong lumapit sa akin habang mababasa ko sa mata nito ang PAGSISISI.Pagsisisi huh?Tumaas ang kilay ko. Mukha talagang guilty. Ngaun pa? E nasaktan na ako. Huli na ang lahat para mag sisi. Huling huli na."I'm Sorry."I smirk."Keep it." malamig kong sabe bago ako tumalikod. Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko basta ang alam ko lang naalala ko na naman ulit. Ang hirap hirap makalimut lalo nat kapag naalala mo kong makikita mo ang taong un."S-selena? I said I'm sorry." Ani ni Kev.Napahinto ako. Hindi pa ako nakakadalawang hakbang ng marinig ko ulit ang nag susumamo nitong boses. Nanatili akong nakatalikod, hindi ako humarap.dito. hindi ko gustong makita ang mukha nito.Aalis na ako.Naglakad ulit ako. Palapit na ako sa gate habang dahan dahan itong binuksan ng katulong. Ayokong marinig ang boses. Ayokong humarap dito. Nag