Hindi ko alam kong anong naramdaman ko. Napangiti ako ng malungkot kasabay non ang pagtulo ng isang butil kong luha. Sinalo ko nalang ito gamit ang palad ko. Kinalma ko ang sarili ko.Pero..Aksidenting napatingin ako sa kaliwang daanan ng hospital at tumambad sa akin si Mr. Mrs Samanego na nakatingin sa akin habang tulak tulak ang wheel chair na kong saan naka upo si.."O-olivia?."Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mukha nito. Dahan dahan itong palapit sa amin. Kumirot ang puso ko habang nakatingin dito. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngaun.Kumirot lalo ang puso ko ng tuluyan na silang nasa harap namin. Ang lapit lapit na ng distansiya namin. Hindi ko alam kong anong magiging reaction ko ng makita ko ang totoong mukha ni Olivia.Naka upo ito sa wheel chair habang nakasoot ng hospital gown. Nakangiti ito sa akin ng malungkot. Halos hindi ko makilala si Olivia sa itsura nito ngaun. Namumutla ang mukha, ang labi nito, ang buong katawan. Ang payat payat na. Hindi ito nakita an
Ok lang!Masakit pero kailangan tanggapin. Masakit pero ok lang. Hindi namin ipililit ang sarili namin ng anak ko sa mga taong ayaw namn sa amin. Hindi ko ipipilit ang sarili namin ng anak ko sa mga taong hindi kami tanggap. Masakit kase wala kang magagawa kundi ang tanggapin nalang..Ngunit.Nagulat ako ng nasa harapan na namin si Mrs. Revamonte habang nakatingin sa anak ko. Lumuhod ito para mag lebel sila ng anak ko. Nagulat talaga ako at hindi makagalaw. Seryoso ang mata ni Mrs. Revamonte habang pinagmasdan ang anak ko.Kumirot agad ang puso ko ng dahan dahan inangat ni Mrs Revamonte ang kamay nito at hinaplos ang pisngi ng anak ko. Umusog ang anak ko palapit sa akin na parang natatakot."She look like Lucas." wala sa sarili nitong sabe. Mas lalo akong nanigas. Ramdam ko kaagad ang higpit ng yakap sa akin ng anak ko. Naninikip ang dibdib ko kase akala ko makakatanggap kami ng insulto mula dito."mama.!" sabe ng anak ko at mas lalong umusog palapit sa akin na parang takot. Tiningnan
Bumundol kaagad ang kaba ko. Hinila ko ang isang lalaking nurse para mag tanong kong anong nangyare. Napatingin sa akin ang nurse na hinihingal"Anong nangyare? Tanong ko kaagad ito. Tatlong linggo ang lumipas patuloy lumaban si Olivia. Lumaban ito ng lumaban. Ang akala nga nila , araw nalang ang bibilangin pero nagulat sila ng umabot ito ng linggo."critical na po. nag aagaw buhay na."Natulala ako ng ilang sandali. Iniwan na ako ng nurse dito pagkatapos masagot ang tanong ko. Kaagad bumundol ang kaba sa aking dibdib. Natulala ako at natigilan. Halos nawalan ako ng lakas pero tumakbo parin ako kahit na ang bigat bigat yumapak.Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Bawat hakbang ko bumibigat ang dibdib ko. Para akong merong nakapasan habang palapit ako. Nag kagulo silang pumasok sa isa pang ICU. Naninikip ang dibdib ko. Ang kaninang tumatakbo ako ngaun naman ay dahan dahan nalang ang lakad ko.Nag punta ako sa malaking salamin at mula dito sa kinatayuan ko kitang kita ko si Olivia
EPILOGUELUCAS POV.Today is our future starts. Ngaun ang simula namin para sa kinabukasan namin. Ngaun ang araw namin na mag kasama habang buhay namin. I will protect her and our future children, I will lover her more and more each passing day."Relax darating un." nag aasar na sabe sa akin ni patrick, ang best man ko. Kinakabahan ako. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Kailangan ko pang lumanghap ng hangin upang pakalmahin ang sarili ko. Hindi ako mapakali dito kanina pa."he's nervous I can't believe it. D*mn isang lucas kinakabahan, bago un ah." pang aasar na sabe ni patrick habang nakikipag usap sa kaibigan ko. Sinamaan ko ito ng tingin nong narinig ko ang tawanan nila."wait ti'll you get married patrick, pag tatawanan talaga kita big time." Inis na sabe ko. This is not funny. This is serious. Tagal naman ng bride ko. Hindi talaga ako mapakali. Kanina ko pa ako patingin tingin sa relo ko. Napatingin ako sa taong tumapik sa balikat ko at tumambad sa akin si Kev na nakangiti hab
SELENA POV.Masakit. It's hurts like hell. Nanatili akong naka yuko habang pinapanood siyang malapit na matapos. Hindi ito mapakali, dahilan para madurog ulit ang puso ko. Nangingilid ang luha ko habang pinagmamasdan ang boyfriend ko.LUCAS RILEY V. REVAMONTEMy 5 years boyfriend. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko habang pinapanood parin siya. I can almost feel his frustrated. Nasasaktan kase kailanman ay hindi siya naging frustrated, kabado when it comes to me.I don't know how to react. Sari sari ang emosyong nararamdaman ko ngaun. Andami kong problema at dumadagdag pa sa akin ang pag bubuntis ko. Sasabihin ko na sana ito pero dibale nalang muna. Huminga ako ng malalim para paklamahin ang sarili. Literal na sumakit ang puso ko."You can stay here if you want." tumango kaagad ako, wala naman akong matutuluyan na iba e. Ulila na ako. Parehong patay na ang magulang ko. Buntis ako at hindi ko alam kong anong gagawin ko.Sinama niya ako papunta sa airport. Halos gusto niya ng palipari
"I'm sorry Selena, I need to go" nag mamadali itong bumangon."Pero tek--"Pinatay kaagad ang tawag. Nanghina ako. Napapikit ako, parang dinudurog ang puso ko. Tumulo kaagad ang luha ko at nahulog nalang ito sa unan.Nanatili ako sa kama habang patuloy umaagos ang luha ko. Siguro dala lang ito sa pag bubuntis kaya naging masyado akong emotional. Pinunasan ko ang luha ko, may ibang pagkakataon pa naman para masabe kay Lucas ang tungkol sa kalagayan ko.Tumingin ako sa orasan na nasa tabi ko lang nakapatong sa cabinet. Napapikit ako ng mariin ng ilang minuto nalang ma lelate na ako sa trabaho. Kahit nanghihina ay tumayo ako. Tinabi ko ang phone ko pagkatapos ng tawag ni Lucas.Dumiretso kaagad ako sa banyo, naligo ako saka nagbihis na din bago ako nag punta sa kusina para makapag baon. Nakakalungkot. Bawat sulok dito sa bahay ay naalala ko si Lucas. Nakakapangungulila.Pagkatapos kong nag baon ng sandwich lumabas na ako. Pumara kaagad ako ng taxi ng makababa ako. Naka soot ako ng simpl
"I'M DONE!" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng marinig ko un sa kabilang linya. Kumunot agad ang noo ko."Sino un?" takang tanong ko. Tumingin si Lucas sa gilid na parang merong sininyas bago ulit binalik sa akin ang paningin."I'm sorry, mga kasambahay lang ng mga samanego" nakangiti nitong sabe. Tumango ako at naniwala sa sinabe nito."Ahm... by the way I have to go, kailangan ko pang bumalik sa hospital.... I'II call you later, i love you""Luc--"hindi ko natapos ang sasabihin ko ng pinatay kaagad ang tawag. Napapikit ako saka bumagsak ang balikat ko.SELENA POV.Natulala ako ng ilang sandali pagkatapos pinatay ni Lucas ang tawag. Pumikit ako ng mariin saka ako dahan dahan tumayo upang tapusin ang pag luluto ko. Kumikirot ang puso ko, wala namang bago.Gustong gusto kong sabihin sa kanya ang kalagayan ko pero laging may sabit, laging may mangyayare. Gustong gusto kong sabihin sa kanya na buntis ako baka sakaling uuwi un at ako naman ang piliin niya.Pumikit ako ng mariin ng mara
"I'M DONE!" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng marinig ko un sa kabilang linya. Kumunot agad ang noo ko."Sino un?" takang tanong ko. Tumingin si Lucas sa gilid na parang merong sininyas bago ulit binalik sa akin ang paningin."I'm sorry, mga kasambahay lang ng mga samanego" nakangiti nitong sabe. Tumango ako at naniwala sa sinabe nito."Ahm... by the way I have to go, kailangan ko pang bumalik sa hospital.... I'II call you later, i love you""Luc--"hindi ko natapos ang sasabihin ko ng pinatay kaagad ang tawag. Napapikit ako saka bumagsak ang balikat ko.SELENA POV.Natulala ako ng ilang sandali pagkatapos pinatay ni Lucas ang tawag. Pumikit ako ng mariin saka ako dahan dahan tumayo upang tapusin ang pag luluto ko. Kumikirot ang puso ko, wala namang bago.Gustong gusto kong sabihin sa kanya ang kalagayan ko pero laging may sabit, laging may mangyayare. Gustong gusto kong sabihin sa kanya na buntis ako baka sakaling uuwi un at ako naman ang piliin niya.Pumikit ako ng mariin ng mara