Share

Chapter 27: Jealousy

Tumingin ako sa kapatid ko na may pagtataka. Nasa isang hapagkainan kami. Dito na kami nag hapunan dahil iyon ang sabi ng inay sa amin.

“Nak, paki-abot nga ng tinola,” kukunin ko na sana ang sabaw ng unahan ako ni Harold. Naguguluhan ko siyang sinundan nang tingin. Anong ginagawa niya?

Inabot niya kay inay ang mangkok ng tinola. “Salamat nak,” laglag sa sahig ang panga ko sa narinig mula kay inay. “Welcome po tita,” nakangiting sagot ni Harold. Tumingin ulit ako kay Dave at gaya ko ay tila naguguluhan rin siya sa mga nangyayari.

Anong kaguluhan ito? Bakit may nak-nak kaming naririnig?

“Baka naman may isa sa inyo inay ang magpaliwanag kung anong nagyayari dito?” humalukipkip ako sa harapan ngunit nakurot lang ako ng inay bagay na tinawanan ni Harold.

“Huwag kang magganiyan sa harap ng pagkain, Lorelay. Kumain ka na diyan.” Sabi pa nito na ikinasimangot ko.

“Hi people,” naagaw ang attention namin kay Shiela. May dala siyang ulam na nasa isang tupperware. Ngumiti ako nang magtama ang pan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ella SD
Thank's po sa update ... ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status