Pagpasok namin sa kwarto, tumambad sa amin si Mr. Shein, naka upo ito sa kama at may benda sa ulo.Lumingon ito sa amin. Walang emotion ang mukha niya. Bumaling ako kay Lee para sana magtanong kung anong nangyari sa kaniya nang marinig ko itong nagsalita.“Wife,” tawag niya sa akin.“Y-You’re my wife, right?”Huh?tumingin ulit ako kay Lee and this time ay malalim na ang gatla sa noo ko.“Ipapaliwang ng doctor mamaya.” Iyon lang ang sinabi niya at umalis.Wait. Teka, ano bang nangyayari?“Why you look surprise?” napatingin ulit ako kay Mr. Shein at naguguluhang sinalubong ang mga mata niya.Teka. Anong nangyayari? Bakit siya na aksidente? At bakit kung umakto siya ay hindi niya ako naaalala?“Niloloko mo ba ako?”Kasi kung oo pwes hindi na ako natutuwa.“You look mad. Why?” nagtataka niyang tanong.Anong why? Normal kasi hindi naman pwedeng nasa hospital siya at parang nagka amnesia.“Look. Hindi ko alam kung ano na namang pakulo ito pero pakiusap hindi na nakakatuwa.”Nakita kong nag
“Should we live here, mama?” nagri-reklamong sabi ni Sico habang papasok kami sa bahay ng papa niya.“Your dad can’t go home for a month dahil pinapunta siya ng mommy niya sa States.” Humaba ang nguso ni Sico at nagdadabog na pumasok sa loob ng bahay.Si Rico naman ay humarap sa akin. “Titira ba tayo kay papa na mama?”Tumango ako. “He needs us. Walang mag-aalaga kay papa.”Sumilay ang ngiti sa labi ng anak ko at agad na sumunod kay Sico sa loob. Nilingon ko si Vicente na siyang bumuhat sa mga maleta namin.“Salamat Vicente,” sabi ko. Tumango lang siya at nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa loob ng bahay.Sumunod ako sa dalawang kong anak. Naabutan ko si Rico na yakap yakap na ang ama habang si Sico ay nasa gilid at nakasimangot.Nakitang kong nag-aalalang tumingin si Mr. Shein sa kaniya. Iniisip siguro niya bakit ganoon ang pakikitungo ni Sico sa kaniya.“Sico!” Tawag ko sa anak ko. Pinandilatan ko siya ng mata. Sinabi ko sa kaniya ang sitwasyon ng papa niya and now, he’s acting like this.
“By the way, it looks good on you being a wife to him.” Sandali akong natigilan at tumitig sa kaniya.Akala niya ay ngingitian ko siya. “Umalis ka na pakiusap.”“So sungit,” sabi niya at umalis na rin sa harapan. Mabuti naman at badtrip pa rin ako sa mukha niya.Nang maluto ko na ay tinawag ko na ang mga anak ko at si Mr. Shein.Nakasimangot na pumunta si Sico sa akin habang naghagikgikan naman sa likuran si Rico at Mr. Shein.“You’re so madaya papa!” Sabi ni Sico. Tumawa si Rico. Hindi ko alam kung anong nagyayari sa mag-ama.“No, son. You know that I’m not.” Lumapit si Mr. Shein kay Sico at kinarga ito.“You know that papa played fair.” Masayang sabi ni Mr. Shein. Kitang kita sa mata niya ang kasiyahan habang karga ang anak.Napataas ang kilay ko sa nasaksihan. Ayos na sila? That fast?“Huwag mo ‘kong kargahin. You’re still healing!” Sico said it angrily but kilala ko siya. He’s worried to his father.Tumingin si Mr. Shein sa akin at halatang natutuwa ito. Iyong tuwang para ng naiiy
“Mama! Bend! You need to bend more mama.” Namumula ako sa sigaw ng anak kong Sico habang nasa gilid at nakatingin sa akin.Hindi ko alam kung chini-cheer ba niya ako o ano."You heard our son wife. You need to bend!" Inikutan ko ng mata si Mr. Shein sa likuran na halatang enjoy na enjoy sa nangyayari. Kalaro namin si TG at teacher Han ng volleyball at itong mga anak ko ay kung anu-anong sinasabi.Itinira ni TG ang bola at hindi ko na receive ng maayos kaya tumalsik ang bola sa kinatatayuan ni Sico."Mama you're doing it in a wrong way. You need to bend your knees.""Anak, nakatuwad na si mama." Namumula kong sabi at narinig ko ang mahinang halakhak ni Mr. Shein sa likuran ko."That's the purpose mama. You're just standing straight there kaya hindi mo na ri-receive ang bola." Sumimangot si Sico.Narinig ko ulit ang mahinang tawa ni Mr. Shein sa likuran. Agad niyang itinikom ang bibig niya ng lingunin ko siya at sinamaan nang tingin. Hindi ko alam kung pinagti-tripan ba ako ng mag-aam
Kinagabihan, patapos na akong maligo at nakasuot na nang pantulog. Paglabas ko ng banyo, naabutan ko ang asawa kong nakataas ang kilay sa akin."Wife, I'm ready." Tinaasan ko rin siya ng kilay. Anong ready pinagsasabi niya?Sumimangot si Mr. Shein at tumayo para puntahan ako sa kinatatayuan ko.Hinila niya ang kamay ko at pinaupo sa kama sa tabi niya."Hindi tayo pwede mag sex. Baka mabinat ka." Sabi ko sa kaniya at inirapan siya. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.Kinuha niya ang lotion at naglagay ng ilan sa kamay niya."Anong pinagsasabi mo? Sabi ko, I'm ready to put lotion in your body. I told you earlier. You're thinking dirty. That's bad wife." Kunwari disappointed na sabi niya kahit rinig kong pinipigilan niyang huwag matawa. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko sa kahihiyan na tinawanan niya na ng lubos. He's doing it on purpose. Nakakainis.Nilagyan na ni Mr. Shein ang kamay ko papuntang braso ng lotion cream. Nakatitig lang ako sa kaniya habang ginagawa niya ito.Unconsci
“Mama, bakit hindi pa po tumatawag si dad?” tanong ni Sico nang maabutan niya ako sa kusina na naghihiwa ng mga sahog para sa lulutuin mamaya.Napatingin ako sa pintuan nang makita na nakatayo doon si Mr. Shein.Tumingin ako kay Sico at ngumiti dito. “Your dad is busy, Sico.”Bumuntong hininga ang anak ko. “I miss dad, mama.” Aniya at malungkot na umupo sa harapan ko.Hindi na ako nagkomento pa sa harapan niya. Pinabayaan ko lang siya na kunin ang bawang at balatan ito.Tumingin ako ulit kay Mr. Shein na nakatalikod na at paalis na sa kinatatayuan niya kanina.Hindi naman namin mapipilit ang mga bata na kalimutan si Zee lalo’t siya na ang tumayong ama sa dalawa.Alam kong hindi pa iyon naintindihan ni Mr. Shein dahil wala nga siyang maalala. Buti nga at hindi niya ako tinatanong bakit ganoon nalang kalapit ang mga bata kay Zee.Dahil oras na tanungin niya ako, alam kong magsisinungaling lang ako sa kaniya.Ganoon pa man, napapansin ko namang napapalapit na rin si Sico sa kaniya. Wala
Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan ko ang dalawang bata na nakahiga na sa lap ng papa nila habang mahimbing na natutulog. Si Mr. Shein naman ay nakaupo sa sahig at nakasandal sa sofa.Nang magtama ang paningin namin ay hindi man lang siya ngumiti. Kinabahan tuloy ako sa hindi ko malaman na dahilan.Lumapit ako sa kaniya at umupo sa harapan niya. “How’s the day?” tanong niya. Tumaas ang sulok ng labi ko dahil pakiramdam ko ay alam niya ang nangyari sa lakad ko.“I saw an old friend,” sabi ko sa kaniya.“Old friend…” Ulit niya sa sinabi ko. Tuloy ay hindi ko mapigilang hindi mangiti.Umupo ako sa harapan niya mismo ay humiga sa dibdib niya.“Bakit? Kilala mo ba ang old friend na ‘yon?” tanong ko. Hindi siya nakasagot.“Wala namang kaso ‘yon. Old friend lang ‘yon.”Hindi na siya nang komento pa at hinawakan ako sa ulo at hinimas himas ang buhok ko.“Bakit ba kasi ang ganda mo? Alam naman nang lahat na kasal ka na, heto’t pinipilit pa rin nilang kunin ka sa ‘kin.” Nakangusong aniya.Imbes n
"Well, mama's cooking skills is superb. So it's not a surprise that her pwet is delicious.""Pwet ng manok, anak." Nakapikit kong sambat dahil pulang pula na ako sa hiya dahil sa topic ng mga lalaki sa bahay na ito.Narinig ko ang mahinang tawa ni Mr. Shein sa tabi ko kaya nasipa ko siya sa ilalim ng lamesa.Naubo siya at tumigil sa pag tawa ngunit kita ko pa ring nagpipigil siya.Mabuti at hindi na nagsalita ang dalawang anak ko. Tahimik na naubos namin ang kinakain namin.Sabay pa akong hinatid no'ng tatlo sa labas ng bahay. Nakasuot na ako ng coat at maayos na maayos na ang get up ko ngayon."Mama is so beautiful," komento ni Sico na nakangiti sa akin."Yeah." Dagdag ni Rico."Yeah. Indeed." Sang-ayon ni Mr. Shein. Lagi nalang akong namumula dahil sa tatlong lalaki sa buhay ko."Alis na ako." Sabi ko sa kanila."Bye, mama!" Sabay na sabi no'ng dalawa. Lumapit ako sa kanila para humaIik sa pisngi nila.Si Mr. Shein naman ang lumapit sa akin at kinabig ako palapit sa kaniya saka hina