Share

21.5: Discussion

CHAPTER 21.5

Discussion

PAGKATAPOS kumpirmahin ni Merlin na tutulong si Selene sa pagbawi sa kaharian ng Izquierdo, hinayaan na ng mahiko na makapagpahinga silang dalawa ni Lucas. Bumalik si Merlin sa opisina nito dahil mayroon daw itong aasikasuhin para bukas samantalang si Lucas, hinatid siya sa harap ng kwarto niya dahil magkatabi lang naman ang pahingaan nilang dalawa.

“Are you satisfied?” tanong nito habang inaabot sa kanya ang kapa na ginamit nila sa pagpunta sa Nethermoore.

Tipid na ngumiti si Selene at kinuha ang kapa sa binata. Hindi niya alam kung kuntento na ba siya sa mga nalaman niya kanina. Marami pa siyang gustong malaman tungkol sa kalupitan ng mga Demelza, e. Pero hindi pa yata ito ang tamang panahon para malaman ang lahat dahil malalim na ang gabi.

Hindi bale, may bukas naman. Makakapagtanong siya kay Merlin sa oras na makapagpahinga silang tatlo. Maraming nangyari ngayon, e.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status