Share

Chapter 1

Chapter 1

Sophie's POV

”Sophia Nicole P. Mendoza, hindi ka pa ba bababa riyan?! Male-late ka na!” sigaw ni nanay sa akin mula sa baba. Sakto naman pababa na rin ako ng hagdan.

“Si nanay naman, tinawag pa ang buong pangalan ko. Pwede naman Sophie na lang,” reklamong bulong ko sa sarili.

“Aba, e kung hindi pa kita tinawag sa buo mong pangalan, hindi ka pa bababa riyan,” sermon ni nanay sa akin. Narinig pala ni nanay ang bulong ko.

Kailangan ba talaga buong pangalan? Ma-try nga, baka sakaling bumaba rin ang mga ulap sa langit. Hihi!

Tinapos ko agad ang pagkain at saka ako humalik sa pisngi nina nanay at tatay bago ako nagpaalam sa kanila na aalis na.

"O’sige. Mag-iingat ka. "Wag maging lutang ang utak," paalala ni nanay at tatay.

Grabe naman sila. Huhu.

Masaya akong naglalakad ngayon papunta sa unang kong trabaho. Tumatalon-talon at kumakanta pa ako dahil sa sobrang excitement na nararamdaman. Isa lamang akong simpleng babae na nakatira sa isang simpleng bahay lang din. Akala nga ng iba na ako si Sofia the first. Uh-uh! Ako lang ‘to. Sabi ni mommy maganda raw ako kaya naniniwala naman ako sa kanya, kasi sabi nga nila 'mother knows best'.

Bigla akong napahinto at napanganga sa harap ng isang malaking building na papasukan ko ngayon. Halos hindi ko maiwasang mapanganga nang sobra dahil sa sobrang laki talaga nito at kakaiba rin ang disenyo. Mula rito sa kinatatayuan ko, makikita mo rin sa itaas ng building na ito ang pangalan ng kompanya.

"Wow!" may paghangang sabi ko sa sarili. "Ang laki naman nito. Baka maligaw ako riyan," bulong ko sa sarili sabay nguso. “Teka, tama kaya itong na puntahan ko?” Binasa ko ulit ang message sa akin kanina ni Ms. Estella.

“Powerhouse Legacy Enterprise.” Tumingin ulit ako sa taas at tama naman ang napuntahan ko.

Tutuloy pa ba ako? Nabatukan ko agad ang sarili ko dahil sa katangahan. Siyempre, papasok ako noh. Mahirap na ang mawalan ng trabaho. Nasa may entrance na ako nang bigla akong harangin ng dalawang guard. Hala!

"Miss, hindi ka pwedeng pumasok dito," ani ni kuya. Umangat ang paningin ko papunta kay ‘kuyang’ guard ng sabihin nito iyon.

"Hala bakit kuya?" gulat kong tanong. Teka, kailangan ba ng ID? Parang meron ako rito.

"Sandali lang kuya ah," sabi ko sa dalawang ‘kuyang’ guard. Nagtataka naman silang tumingin sa akin.

Akala ata nila lolokohin ko sila. Dali-dali kong kinuha ang bag ko at kaagad na hinanap ang ID na nasa loob ng purse ko na kanina ko pa dala-dala.

"Heto kuyang guard oh," sabi ko sabay abot ng ID. Pwede na siguro iyon. Ang laki nga ng ngiti ko diyan eh. Nagtatakang tumingin naman sa akin ang dalawa.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" biglang bulyaw ni ‘kuyang’ guard sa akin.

Nakakatakot naman siya, huhu. Ibinigay ko naman ang ID ko ah. Ano pa ba ang kailangan nila? Naiiyak na ako.

"Bakit school ID mo ang ibinigay mo sa amin? Hindi ito paaralan, Miss. Naglolokohan ba tayo dito?!" Hala! Hindi ba pwede ang school ID? Akala ko pwede basta ID. Malay ko ba mga kuya.

Nabigla ako nang bigla na lang silang nagsiyukuan at nakita ko pa ang mga tuhod nila na nanginginig. Hala! Kung kanina, ako ang takot tapos ngayon sila na naman. Natatakot ba sila sa akin? Pero bakit naman sila matatakot sa akin? Sila nga iyong nakakatakot kanina pa eh. In fairness, ang bait nila kuya guard ah. May pa yuko pa silang nalalaman. Akala siguro nila ako si Sofia the first hihi.

Eh, pero hindi naman ako prinsesa. Akala siguro nila, kasi nakita nila sa ID ko na ang pangalan ko ay Sophia.

"Move."

Pero, magkaiba naman sila ng spelling ah? Hindi ba sila marunong magbasa? Hala! Kawawa naman sila ‘kuyang’ guard. Turuan ko kaya sila? Tama - tama. 'Yon nalang ang gagawin kong excuse para makapasok. Ang talino ko talaga hihi. Papasok na sana ako kaso may biglang nagsalita sa likod ko.

"Are you deaf?" sabi ng taong nasa likod.

Lumingon ako rito at hindi ko maiwasang mamangha nang makita ko ang buong itsura nito. Nasa langit na ba ako? Ba't may anghel sa harapan ko? Hala! Hala!

"Galit po ba kayo sa akin? Promise hindi ko na po gagawin ang binabalak ko. Pangako po," mangiyak-ngiyak kong sabi habang nakataas ang kanang kamay. Napapikit ako ng tumingin ito sa akin kaya hindi ko nakita ang reaksiyon nito.

Pero, ‘di ba? Dapat nakangiti siya kasi ang mga anghel mababait.

Ma e-try nga.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. I blinked enumerable times. Sino 'to? Anghel nga ba itong kaharap ko?

Juskolord!

Kukunin mo na po ba ako? Marami pa po akong pangarap. Please, Lord! Spare my life. Nag sign of the cross pa ako.

"Hindi ka ba gagalaw diyan?"

Teka? Galit ba ang anghel? Umayos ako ng tayo ‘tsaka siya tiningnan ng diretso.

"Kukunin mo na po ba ako? Pero, teka lang. Hindi pa ako nakapagpaalam. Pwede po bang umuwi muna ako ‘tsaka ninyo ako sunduin?" Nilakihan ko pa ang ngiti ko niyan. Sana naman pumayag siya.

Nalulungkot tuloy ako. Makikipagbati pa sana ako sa mga alaga kong halaman. Muli ko itong sinulyapan pagkatapos ng ilang sandali at hindi ko maiwasang titigan nang malalim ang kaniyang mga mata. Tumitig din ito pabalik sa akin. Iniangat nito ang isang kamay. Akala ko sasampalin ako nito kaya mabilis akong umatras at saka sumigaw nang sumigaw.

"Waah! Magpapaalam po muna ako. 'Wag niyo po muna akong kunin, please po?!" naiiyak kong usal. Dumilat ulit ako.

Teka?

Nasaan na siya? Pumayag na ba siyang magpaalam muna ako?

Ang bait naman pala niya. Dahil ayaw akong papasukin ng mga guards, umupo na lang ako sa harap nitong building. Nakakangalay kapag palagi ka na lang nakatayo.

"Haay! Kailan kaya ako papasukin ng mga guards? Late na ako." I'm doomed. Tumingin ulit ako sa may entrance nang may nakita akong babae na papalabas kaya kaagad akong tumakbo papalapit kay ate. Hindi pa ako nakakalapit nang hindi sinasadyang marinig ko ang usapan nila ‘kuyang’ guards.

"Wala pa ba ang bagong secretary? Nandito na si sir. Why is she late? First day na first day!" Ang aga-aga ate high blood ka na. Lumabas na ako sa pinagtataguan ko kaya napatingin sa akin sila ‘kuyang’ guards pati na rin si ateng high blood.

"You! Why are you late? Come inside!" biglang bulyaw nito sabay duro sa akin.

Sa wakas!  Makakapasok na rin ako! Ewan ko ba kung bakit niya ako pinapasok pero at least nasa loob na ako. Hihi.

Kinalabit ko ito.

"Ateng highblood," tawag ko rito pero kaagad akong napatutop sa bibig nang marealize ang sinabi. Marahas itong humarap sa akin at pagkatapos ay tinaasan ako ng kilay.

"Anong tinawag mo sa akin?!" nakapameywang nitong sabi.

Hala! Narinig niya ba?

"Ah ... sabi ko ‘ate’ hehehe. Saan po ba ang office ng CEO?" takot kong tanong dito. Pinagdikit ko pa ang dalawang hintuturo ko sa likod. Nagdarasal na sana makalimutan ni ate ‘yong tinawag ko sa kanya kanina.

Nakakatakot naman itong si ate. Parang gusto ko na tuloy umatras at umuwi ng bahay. Huhu.

“Follow me," agaran nitong utos. Sumunod naman ako rito. Nagniningning yata ang mga mata ko pagkapasok. Hindi lang kasi sa labas ang maganda, ang ganda din ng nasa loob. Parang hotel lang. May mga furniture, at ang bawat haligi nito ay makikita mo na hindi lang isa kung hindi ay lima.

Ang yaman-yaman siguro ng may-ari nito. Matanong nga ang may-ari nito kung ano’ng lotto number ang tinaya niya. Baka sakaling palarin din ako.

Busy ako sa paglilibot gamit ang mga mata ko nang hindi ko namalayang huminto na pala si ateng, napahinto rin ako ngunit kasabay ng aking paghinto ay nabunggo ako sa isang malapad na likod ng isang lalaki.

Aray! Ang sakit ng ilong ko. Huhu.

Napatingala ako sa taong nabangga ko.

"Tss. Hindi ka ba sasakay?" biglang tanong nito habang nakatalikod bago pumasok sa loob ng elevator. Habang ako ay nasa labas pa rin.

Ako ba kausap niya? Umiling-iling ako.

Hindi yata. Baka 'yong nasa harapan niya kasi do'n siya nakaharap eh.

Tiningnan ko ang kinatatayuan ni ateng highblood kanina, ngunit wala na ito sa puwesto nito. Ibinaling ko na lang ulit ang paningin kay kuyang anghel. Sinilip ko naman kung sino ang kausap nito ngunit wala naman akong nakitang ibang tao sa loob ng elevator. Hala! Sino ba ang kausap niya? Teka?! M-mult-to? Bigla akong napasigaw ako sa takot na ikinabigla ni kuya.

"Ayoko na dito! Waah! Ilabas niyo ako. Huhu, mommy!" Napaiyak na talaga ako. Huhu.

Takot talaga ako sa multo. Nagulat ako nang bigla na lang may humawak sa aking kamay na nakatakip sa buong mukha ko at pinipilit nitong tanggalin mula sa pagkakatakip ngunit mas lalo ko lamang itong hinigpitan dahil ayokong makita 'yong ‘mumu’.

"Hey! Look at me," utos nito sa akin ngunit hindi ko kayang sundin dahil natatakot ako. "What are you scared of? Hey, Miss? Can you hear me? " ulit na tanong nito ngunit wala rito ang atensiyon ko.

”Why are you shouting? You’re not even inside the elevator, yet.“

Doon ko lang yata napagtanto na tama ang sinabi ni ‘kuyang’ anghel pero mukhang natuod yata ang mga paa ko at hindi ko ito maigalaw.

"Hey! It's okay. I'm here," alo nito sa akin na naging effective naman.

Hala! May magic ba si kuya? Paulit-ulit niya iyong ginagawa habang nakayakap sa akin hanggang sa unti-unti akong kumalma. Inumpisahan ko ng idilat ang mga mata ko.

I saw him staring at me ngunit kaagad akong umiwas ng tingin nang may maramdaman akong kakaiba sa puso ko. I can feel my heart beating faster.

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? May sakit yata ako. Huhu. Magpa-check-up na kaya ako bukas?

"Hindi ka ba sasakay?" tanong ni kuyang anghel sa akin nang makita niya akong nakatayo lang sa labas ng elevator. Nakapamulsa itong nakasandal sa pader habang nakatingin sa akin na parang kanina pa nito inoobserbahan ang mga kilos ko.

"Sasakay?" patanong kong sagot dito. Blangko naman niya akong tiningnan kaya dali-dali akong naglakad papalabas. Nakita ko kasi itong bigla na lang nanlalaki ang mga mata kaya naman inumpisahan ko ng tumakbo palabas.

Baka magalit na naman si ‘kuyang’ anghel. Wala pa naman na akong pamasahe. Naubos na kanina papunta dito eh. ‘Di bale na nga, hihingi nalang ako kay ‘kuyang’ anghel. Bibigyan naman siguro niya ako … ‘di ba?

Sabi ni mommy, masama raw ang maging damot kaya kung may maibibigay ka, magbigay ka. Hindi mo dapat ito solohin kasi blessing daw 'yon at ang blessing ay para sa lahat. Share-share ‘di ba?

"Where are you going?" Nakahabol pala si kuya. Hinawakan ako nito sa pulsuhan at bigla na lang akong hinila papasok sa loob.

Teka? Sabi niya sasakay kami. Ang gulo naman kausap ni kuya.

"Sabi mo po sakay. Tara na po. Baka wala ng tricycle ngayon at hindi tayo makakasakay." Tiningnan naman ako nito ng masama.

May nasabi ba ako? Nag pout nalang ako ‘tsaka umiwas ng tingin dito.

"Sa elevator. Tss." Saka ako nito tuluyang hinila papasok sa loob. Nagpahila na lamang din ako dahil baka magalit na naman si kuyang anghel.

Nagdadahilan lang 'to eh. Ayaw niya lang yata ako bigyan ng pamasahe.

Literal na napanganga ako sa ganda ng opisinang pinasukan namin.

Waah! Tiningnan ko ang pangalan na nakalagay sa lamesa at nakita ko ang pangalan na "Leo L. Bandemer." Impit akong napasigaw dahil sa wakas, nakarating din ako sa office ng boss ko. Talaga nga naman anghel itong si kuya dahil tinulungan niya akong makapasok dito. Nakita ko itong parang may kinukulikot sa may drawer ng lamesa ni Mr. Bandemer kaya naman sinita ko ito dahil baka may makakakita. Aba't! Ngayon pa naisipang magnakaw at talagang idadamay pa ako. Jusko naman po! Ayoko pang makulong!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status