Share

Chapter 2

Kadarating lang namin ngayon dito sa venue ng client namin, ang La Casa Vista. Isa itong exclusive hotel and resort dito sa cavite. Today ang grand opening nito at sila ang napili na mag supply ng mga bulaklak at mag arrange niyon sa venue.

Namangha siya sa ganda ng lugar, ang landscaping na ginawa dito ay talagang quality. Kahit ang halamang ginamit ay mamahalin at yung iba ay di basta basta makikita dito sa bansa.

The place is so relaxing, the beach is very inviting. Parang kapag nag bakasyon ka dito ng ilang araw yung stress mo mawawala at maglalahong parang bula.

"Mam dito ba natin ilalagay ang mga ito?" tanong sa kanya ni kristel habang hawak nito ang isang bungkos ng mga daisy.

"Oo, tapos samahan mo na rin nitong white lilies para mas gumanda. Yan ang gagawin nating centerpiece sa mga tables,"

Natutunan niya na rin ang concept ng pag design and flower arranging at kung paano patatagalin ang buhay ng fresh flowers nila. Hindi 'man siya kasing galing ng ibang flower arranger pero masasabi niya na she has a talent pagdating sa pag decorate.

They are busy placing the centerpiece in each tables ng biglang tila may komosyon sa di kalayuan sa pwesto nila, hindi na sana niya ito papansinin pero parang may kung anong pwersa ang humihila sa kanya para lumapit roon.

Natagpuan na lang niya ang sarili na nakikisilip sa karamihan ng mga tao, sinisipat kung ano or sino iyong pinagkakaguluhan ng mga ito. Nang hindi na makatiis ay pumatong siya sa isa sa mga upuan na naroon at mula sa lokasyon niya ay malaya niyang nakita ang nangyayari.

May isang itim na luxury car ang nakaparada at inaabangan ng lahat ang bababa mula roon. Marahil ito yung may ari ng resort. Aalis na sana siya sa pwesto niya ng biglang bumaba ang isang lalaki na naka white long sleeve na nakatupi hanggang siko nito, nakasuot din ito ng itim na pantalon at itim na sapatos. Nakasuot ito ng shades kaya hindi ko masyado makita ang full face nito.

Bababa na sana siya ng biglang gumawi sa direksyon niya ang lalake at pakiramdam niya ay nakatitig ito sa kanya. Nabitin sa ere ang paa niyang akmang bababa sa upuan at napatingin din dito.

She felt a cold air passes her and suddenly she became stiff for a moment. The man slowly removed his shades and there she saw him looking at her with a cold stare. Napakurap siya dahil parang nakaramdam siya ng biglang kakaibang kaba.

Lahat ng tao tuloy ay napatingin sa direksiyon niya dahil nakatitig pa rin sa kanya ang lalake. Naasiwa siya bigla kaya mabilis siyang umalis at bumalik sa pwesto nila Kristel.

"Saan ka galing mam? bakit parang namumutla ka yata?" puna pa nito sa'ken. Ramdam ko ang malamig na pawis sa aking mukha. Nagkunwari na lang ako na may kinuha lang para mabaling sa iba ang pansin ni Kristel.

Inutusan niya ito na siya na ang mag ayos sa entrada ng hotel, hindi pa rin kasi siya maka-get over sa titig ng lalake na iyon. She felt something cold and tension when he look at her, as if the stare seems familiar and the sudden tension is just a normal reaction of her body.

She released a deep sigh, eto na naman kasi siya sa mga weird feelings niya. Pakiramdam niya kasi the scene today was destine to happen.

"My God ano ba nangyayari sa'ken!"

Pinili na lang niyang bumalik sa sasakyan at doon na lang hintayin ang kasama niya, alam na rin naman ng mga ito ang dapat gawin. Besides in a few moment mag sisimula na ang event sa resort na iyon.

Pinasya niyang mag muni-muni muna habang nakatanaw sa malawak na karagatan, ang ganda ng dagat, hindi kasi maalon ngayon kaya kalmante lamang ito. Hindi gaya ng puso niya na kanina pa nagwawala.

Nahuhulog na siya sa malalim na pag iisip ng biglang mag ring ang phone niya, sinulyapan niya iyon at nakita ang pangalan ng general manager ng La Casa Vista, si Sir Emman. Sinagot niya agad ang tawag nito.

"Hello Sir Emman, napatawag ka po?"

"Yes, Ms. Heather kasi hinahanap kita para invite ka na dito na kayo mag lunch ng mga kasama mo."

"Ganoon po ba, sige Sir will stay po for the lunch, Thanks."

"Okay. Marami namang table na available. see you around,"

Nang ibaba nito ang tawag ay naglakad na siya pabalik ng venue, sasabihan na lang niya sina Kristel at Mang Lito na doon na sila mag lunch. Mabilis naman niyang nakita ang dalawa, nasa may loob na ang mga ito ng hotel sa lobby area at inaayos ang mga flower stand nila.

Buhay na buhay ang mga bulaklak nila, lalo na ang sunflower. Ang tingkad ng kulay nito. Agad siyang lumapit sa dalawa at sinabi sa kanila ang invitation ni Sir Emman. Natuwa naman ang dalawa.

Bumalik na lang sila sa open venue kung saan may extension ng mga tables para sa ibang guest. Mas pinili nila na doon sila umupo kesa sa loob ng lobby ng hotel. Puro sosyal at mayayaman kasi ang naroroon.

"Ang ganda dito mam no? nakakarelax ang dagat at tanawin. Tapos ang ganda pa nitong resort, para kang nasa enchanted forest."

Napangiti siya kay kristel ng bangggitin nito ang enchanted forest, naalala niya tuloy ang panaginip niya. Tunay nga na maganda talaga ang ambiance ng lugar na ito. Para kang nasa loob ng gubat tapos paglabas mo may malawak na dagat.

Ang galing ng nakaisip ng design and landscape ng lugar. imaginative and creative.

"Mam si Sir Emman oh papalapit sa atin. Ang pogi niya talaga!" kinikilig na sambit ni kristel. Napailing na lang siya dito. Unang kita pa lang kasi nito sa binata ay nag ka-crush na agad ito dito.

"Hi Heather!" nakangiting bati nito sa kanya.

"Hi Sir Emman," ganting bati niya dito.

"Emman na lang please. Mukhang di naman nalalayo ang age natin eh," tila napapahiyang sabi nito sa akin.

"Okay Emman,"

"Are you all ok here? p'wede naman kayo sa loob may mga vacant pa dun," concern na sabi nito sa kanila.

"Yes, ok na kami rito mas presko pa nga dito,"

"Sige kayong bahala but If you need anything just approach me okay,"

"Sure. sige baka kailangan ka na sa loob."

simpleng pagtataboy niya dito, alam niya kasi na ito ang general manager doon.

"Yeah. sige see you around. Enjoy here,"

Nang makaalis ito ay nakita niyang nakanguso si kristel. Natatawang tinapik niya lang ito sa kamay at sinabing hindi niya type si Emman.

Hindi niya lang masabi dito na meron siyang nakitang mas gwapo pa rito. Yung lalake kanina na may malamig na titig na tumatagos hanggang sa kaluluwa niya.

Nasaan na kaya yun?

usal niya sa sarili. Hindi na niya kasi ito nakita pa simula kanina.

I wonder where he is...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status