Share

Kabanata 2

Xara's POV

Hindi na ako nagulat nang haplusin niya gamit ang likuran ng kanyang kamay ang aking mukha. Bago hinawakan ang panga ako upang timingin sa kanya.

"You really are a real-life doll…"

Suminghap ako habang nakatitig kami sa isa't-isa. Ramdam ko ang galak dahil sa sinabi niya. Muli naman niyang pinaglaruan ang ibabang labi ko gamit ang kanyang hintuturo bago siya ngumisi at hinalikan ako na parang tinikman niya lang ang labi ko.

Inilandas niya pababa sa aking leeg ang tungki ng kanyang ilong. Nakakakiliti ngunit agad akong tumayo para lumayo sa kanya. Nakalimutan ko na naglinis nga pala ako at malamang ay nangangamoy na ako.

Mapupungay ang mata nitong sinundan ako ng tingin. Nakabitin pa rin sa ere ang kamay at bahagya pa rin siyang nakayuko kung ano ang porma niya noong naroon pa ako na hawakan niya.

"Uh~sorry… Naglinis kasi ako kaya mabaho ako. Maliligo muna ako," paalam ko.

Kinagat nito ang ibang labi habang hinila muli ang kamay ko. Ngunit ngayon ay hindi para umupo sa tabi niya kung hindi ay sa kanyang kandungan. Pinaghiwalay niya ang mga binti ko kaya para akong nakaluhod sa sofa at nasa gitna ko siya bago niya ako hinila para tuluyan na umupo sa hita niya.

Sobrang tigas ng mga hita niya kaya pakiramdam ko ay masyado akong malambot para sa kanya. Naroon ang atensiyon niya sa aking dibdib bago niya itinaas ang laylayan ng suot kong masikip na sando. Sinunod ko ang gusto niya na hubarin ko iyon kaya lantad ang h***d kong dibdib sa mukha niya dahil hindi naman talaga ako nag-ba-bra kapag nasa bahay lang. Masyado akong nasisikipan.

Sandaling paninitig ang ginawa nito bago sinugod ng halik at mararahang kagat. Napapaliyad na lamang ako sa tuwing s********p niya. Napahawak ko sa kayang batok upang mas lalo siyang idiin sa dibdib ko. Sarap na sarap ako. Kahit siguro buong araw niyang gawin sa akin ito ay hindi ako magsasawa…

"Uh~hmm…"

Umahon ito at tinitigan ako. Alam kong halatang-halata na nasasarapan ako sa ginawa niya at ganoon din naman ang nakikita ko sa kanya.

Hinila niya ang batok ko at dinilaan ang aking labi bago hinalikan na parang walang bukas. Hapit na hapit niya ako sa kanyang katawan kaya ramdam ko ang nananakit niya pag-aari na galit na galit na ngayon.

"Uhmm…'

Ilang minuto bago ito tumigil at pareho naming habol ang aming mga hininga. Kita ko ang namamasa niyang labi na alam kong kagagawan ko. Isang pasada lamang nito gamit ang dila para bahagyang mawala iyon.

"Where's your room," tanong nito sa hingal na paraan.

Tiningnan ko ang itaas kung saan kita ang aking pinto, "Uh~doon lang sa katabi ng kwarto ni Ate…"

"Let's go."

Bababa na sana ako ngunit tumayo na ito kasama ako. Hindi ko mapigilang ngumiti. Pinulopot ko na lang ang aking mga binti sa kanyang baywang at niyakap ang kanyang batok. Sobrang bango niya sa natural na paraan. Among mayaman talaga.

Bahagya siyang tumigil at napaahon ako mula sa kanyang leeg nang marinig pagbukas ng gate kasunod ang tunog ng sasakyan.

"Si Ate!" nabibigla kong sagot.

Gusto ko sanang bumaba ngunit hindi niya ako hinayaan. Tinuloy niya ang lakad patungo sa aking kwarto. Inilapag niya ako sa kama at binalikan ang pinto. Ni-lock niya ito. Nanlaki ang aking mga mata dahil hindi pa rin pala siya aalis kahit na nandito si Ate.

"Hahanapin ako ni Ate—ang damit ko," tumayo ako dahil wala pa rin akong damit kaya naghanap ako sa closet ko, "Baka makita ni Ate at magtanong siya…" mahina kong ani dahil wala naman yata siyang pakialam.

Napasinghap na lamang ako nang muli na naman niyang idinikit ang katawan sa aking likuran at dinakma ang aking dalawang dibdib.

"Mamaya kana magbihis," parang lasing na sambit nito sa leeg ko.

Kahit gusto ko rin iyon ay dapat na muna akong bumaba para hindi magtaka si Ate. Nilabanan ko ang sarili at lumayo sa kanya. Binitawan niya rin naman ako. Sinoot ko ang malaking t-shirt ko na may tatak ng paaralan namin sa Senior High.

"Bababa muna ako. Babalik naman ako agad. Uh~saglit lang talaga."

Agad na akong tumakbo palabas ng pinto na hindi siya nililingon. Nagkagulatan pa kami ni Ate dahil parang sa kwarto ko ang tungo niya kapaga hindi pa niya ako nakita.

"Oh! Kanina pa kita tinatawag. Nag-order ka ng pizza? Ba't hindi mo kinain?"

"Ano—sumakit kasi ang tiyan ko kaya nag-CR muna ako. Alam ko naman na dumating ka na kaya…"

Sinipat siya nito, "Okay. Aalis rin ako ulit. Kukuha lang ako ng damit ko dahil may event akong pupuntahan. Wala kasi ang Boss ko kaya ako ang nirepresenta."

Tumango-tango lamang ako sa mga sinasabi niya.

"Okay na ba tiyan mo? Gusto ko bumili muna ako ng gamot mo?"

"Ah, hindi na, Ate. Okay naman na ako."

"Okay. Baka matagalan ako sa pag-uwi. Lock the doors, okay? 'Wag magbubukas kapag may kumatok. May susi ako kaya alam mo na dapat na hindi ako, yon. Gets mo, Xara?"

Bahagyang akong ngumiti, "Yes, Ate. Ingat ka po."

"Oo naman. Kailangan mo pa ako, bunso. Ikaw lang naman ang inaalala ko…"

Bahagya akong tumawa, "Ayan ka na naman, Ate, eh… Iiyak ka na naman n'yan!"

Malakas din itong tumawa, "Oo na! Kukuha na ako damit. Kainin mo na iyong pizza mo!"

Tumango lamang ako at patakbo na kinuha ang pizza sa mesa. Bakit ba kasi nagdala pa ng pizza tapos hindi rin naman pala nito kakainin. Hinanap ko pa ang damit ko at natabunan ng throw pillow. Muli kong nilingon ang pinto ng kwarto bago dinala sa kusina ang pizza at pinasok ko na lang sa ref.

Natakam ako kaya kumuha ng isang slice. Madali ko iyong naubos sa sarap. Umiinom ako ng tubig nang maisip na dalhan ang kasama ko sa kwarto.

Nasalubong ko ulit sa Ate sa hagdan. Ngunit nagmadali na siya.

"Xara! I-lock ko na lang ang mga pinto ngayon, okay? Para hindi na ako mag-isip!"

"Okay, Ate! Ingat ka po! Love you!"

"Love you too! Tawagan mo 'ko agad 'pag may kailangan ka!"

Nang marinig ang tunog na sasakyan ni Ate na paalis ay napaayos ako ng tayo. Bumuga muna ako ng hininga bago kinatok ang pinto at binuksan ito. Halos matapon ang tubig sa basong hawak ko nang bigla na lang niya akong idiniin sa likuran ng nakasarang pinto.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status