Share

Chapter 2

STEVEN

"WHAAAT?!!" 

"Ano ba 'yan! Ang bano naman maglaro e," 

"Isa pa, nakatiyamba ka lang!"

"Hey, can you lower down your voices? Kuya's still sleeping," 

"Mamaya ka na manermon, Yzekiel! Sadya ang pag iingay namin para magising na 'yang kuya mo." 

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. At nang iikot ko ang tingin sa paligid ay bumungad sa akin ang dalawa kong kapatid na unggoy na nasa playstation ko. Samantalang nasa may mini sofa si Yzekiel at nagbabasa ng libro. 

"Araaayyy," 

"Natalo?!" 

Daing ng mga ito matapos masapol sa ulo habang nasa kalagitnaan ng laro. Malamang ay Dota o LOL ang nilalaro nito. 

"What are you doing here? Why didn't you wake me up?" malamig kong tanong. 

Tiningnan naman nila ako na tila nagsasabing, 'Nagtatanong ka pa talaga?' Kakamot-kamot na nagsalita si kuya Daniel, "Playing. What else do you see?" 

"Bakit ka naman namin gigisingin edi nabugahan kami ng apoy?" sarkastikong saad ni kuya Samuel. 

Sila ang kambal kong kuya. At si Yzekiel naman ang bunso. Kung ang dalawa kong kuya ay bibo, makulit, mapangasar at masiyahin ay siyang kabaliktaran namin ni Yzekiel. Kapwa kami tahimik at mas pinipiling magbasa na lamang ng libro kaya kami ang magkasundo. 

Sabi nga nila ay mas mukha pa kaming kambal kung kumilos. 

"Get out," walang emosyon kong saad sa mga ito bago tumayo sa kama na siya namang sinunod ng mga ito. 

Mabuti naman dahil baka itong kama na ang ibato ko sakanila. Akala mo naman ay walang mga sariling kwarto. Naiiling na kinuha ko ang twalya ko at dumiretso sa banyo para maligo. Mataas na ang sikat ng araw pag gising ko kaya paniguradong late na ako nito.

First day ko pa naman ngayon sa kolehiyo at hindi malabong mapatalsik na naman ako. Dapat second year na ako kaso nga lang ay na-kick out ako dahil sa pag-absent at pakikipag-away sa hindi ko mabilang na beses. 

Wala naman akong pakialam dahil hindi ko rin naman gusto sa school na iyon. Napilit lang ako ni mama na lumipat para makaiwas sa gulo. Tss. What she didn't know is that, I am chaos himself. 

Tapos na ako mag-asikaso at kasalukuyang nasa hapagkainan. Naabutan ko naman si mama na kagagaling lang sa kusina. 

"Oh? Gising ka na pala. Hindi ba dapat kanina pa kayo umalis?" taka nitong tanong. 

Marahil nagtataka kayo kung bakit hindi alam ni mama o hindi siya nagche-check kung nakaalis na ba kami o hindi pa.

Well, my mother is not the type to pry on our personal lives. We are all grown up men except for Yzekiel but she is letting him decide on his own. 

As long as we won't break her trust, she's good with that. And she's really supportive in everything. Maliban na nga lang sa pakikipag-away ko noon. Doon ko lang naramdaman ang galit niya at pagbabawal. 

Buong buhay ko lahat ng gusto ko nasusunod at sinusuportahan niya. Kaya labis ang gulat ko nang ilipat ako ni mama sa iba't-ibang paaralan para lang magtino. At hindi niya rin talaga ako kinibo hanggat hindi ako nagtitino. 

"Hindi tumunog ang alarm," sagot ko. 

"Sa susunod i-set mo na. Aalis na ako, 'nak. Ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo." aniya at lumabas na.

Napabuntong hininga naman ako at niligpit ang pinagkainan ko. Hinugasan ko na rin ang mga pinggan sa lababo at iba pang gamit. Wala kaming katulong at tanging kaming magkakapatid lang ang gumagawa sa bahay para tulungan si mama. 

Saktong tapos ko na ang paghugas nang makita ko si Yzekiel na nakasandal sa may ref at hinihintay ako. Napaangat ang kilay ko at tiningnan lang siya. 

"Are we going now?" He asked and I shrugged.

"You shouldn't be so dependent on me." 

He sighed, "I know." 

"You should try to loosen up, brother. Try to make real friends that will be with you no matter what." payo ko at tinapik siya sa balikat.

Naglakad na ako paalis at nakasalubong ko ang kambal. Dala na nila ang bag nila at mukhang kami nalang ang hinihintay. Tss. Biruin mong napakalapit lang namin sa school pero late pa kaming lahat.

Sila kuya ay wala namang kaso dahil hindi naman talaga pumapasok ang mga iyan pag first day. Si Yzekiel ay senior high kaya hindi ko alam kung anong diskarte niya sa buhay. 

"Tara na!" aya ni kuya Dan at nauna na sa labas. Kinuha ko ang bag ko sa sofa at huminto sa salamin para tingnan ang sarili ko. 

Tsk. 

Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa University. Ang kambal at si Yzekiel lang talaga ang nag-aaral dito dahil ako lang ang humiwalay sakanila. 

Kaya sa aming lahat ako lang ang transferee. Sila ang may alam sa pasikot-sikot sa campus.

"Steven, ang building ng college ay nasa south wing. Preschool to grade school ang nasa north wing. High school ay nasa west wing at senior high naman sa east wing. Ang cafeteria ang nasa gitna ng lahat kaya madadaanan mo 'to kung pupunta ka sa library, gym, pool, at iba pa." paliwanag ni kuya Dan habang itinuturo ang nasa paligid. 

Tumatango lang ako habang nakikinig sa sinasabi niya. Inilibot ko rin ang tingin ko at in-obserbahan ang paligid. Masyadong malaki ang University na ito pero hindi naman mahirap kabisaduhin. 

Habang naglalakad ay napapansin kong nakatingin sa amin ang mga madadaanan namin. Halos lahat ay babae at kita kong kilala nila ang mga kapatid ko. 

Naririnig ko pa ang bulungan ng iba. Marahil ay sikat nga ang mga kapatid ko. 

"I'm annoyed with the attention that we're getting. Who are you on this campus?" pasimple kong tanong kay Yzekiel. 

"Something ridiculous." aniya.

"Like?" 

"Ice prince and charming princes." He said like it's the most disgusting thing that came out of his mouth. 

"Gross," saad ko. 

Pagkatapos mag-orient ni kuya ay naghiwalay na kami ng landas. Sa cafeteria ako dumaan dahil may gusto akong tingnan sa library. Sakto namang maraming tao dahil break. 

"You know what? I don't really care kung bago ka o ano dahil ayoko sa pagmumukha mo," rinig kong saad ng isang boses. 

Napahinto ako at nangunot ang noo ko. What the fuck was that? Uso pa ba ang bullying pag college? Umiling lang ako at tumuloy na dahil bibili ako ng pagkain. 

Ngunit sa kasamaang palad ay may dumaan sa gilid ko na lalaking naka skateboard na naging dahilan kung bakit sa akin natapon ang juice na para sa iba dapat. 

"What—tsk." ani ng pamilyar na boses. 

"Malas mo naman, nerd. Ikaw pa nakasalo nitong juice para sa baguhan. Bagay naman kayo e kaya mag sama kayo." dagdag nito. 

Siya pala ang nambubully na narinig ko kanina lang. Kung alam ko lang na siya iyon ay sana pinatid ko na. 

"Bro! Sorry. Halika sa locker room may extra ako," alok ng lalaking nakatabig sa babae kanina. 

Tumango nalang ako at sumunod sa kanya. I don't think I can attend any of my classes today.

Sa rooftop nalang siguro ako tatambay.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alecxa Lee
There's an error here, na kami*
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status