Share

Chapter 13

Parang wala sa sarili na lumabas si Trixxie sa clinic. Hawak ang reseta sa mga kailangan niyang inumin na vitamins at ang kopya ng ultrasound report ay bumalik siya sa kanyang sasakyan. Maingat niyang Isinilid sa kanyang sling bag ang ultrasound report. Mahirap ng magpakampante at baka mabuking siya ng pamilya.

Hindi kaagad niya pinaandar ang sasakyan at nakatunganga lang siya sa manibela. Bumuntonghininga siya at nangingilid ang luha na napahawak sa impis pa na tiyan. Disappointed siya sa sarili. Hindi dahil wala siyang pagmamahal sa buhay na nasa kanyang sinapupunan kundi isang bata na naman ang isisilang na hindi kilala ang ama.

Napasigok siya at napatingin sa kalangitan. Ayaw niya sisihin ang sinuman. Alam niya sa sarili na nagpabaya siya. Paano na si Trevin? Paano na ang paghahanapbuhay kung muli ay buntis siya sa ikalawang pagkakataon sa iisang lalaki? Nagtatalo ang kanyang isip kung ipapaalam niya kay Gavin ang kalagayan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status