Share

Chapter 36.1

Ava Sofia's POV

Naimulat ko ang aking mata at puting dingding ang aking nabungaran. Tunog ng aircon at isang makina ang nagparindi sa aking tainga kaya agad akong bumangon. Naramdaman ko ang kung ano ang nakadikit sa palapulsuhan ko kaya agad akong kinabahan.

Nasa hospital ako! Anong ginagawa ko rito? Ang naalala ko hinimatay ako, bakit dito pa ako dinala sa hospital? Akmang tatanggaling ko iyon ng may magsalita.

"Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?"

Tahip-tahip ang kaba sa aking dibdib nang marinig ko ang boses ni Nanay. Nakaupo siya sa isang maliit na sofa at may katabi siyang isang doctor. May hawak itong maliit na board na may mga papel, halatang nag-usap sila. Bakas sa mukha ni nanay ang galit at pag-aalala?

Napalunok ako at napaiwas ng tingin. "Ilang oras na akong nakatulog?" mahinang tanong ko.

Tumingin ang Doctor sa hawak niya at binaling ang tingin s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status