Pagbaba namin ng barko ay bumungad sa amin ang napakaraming kumpol ng mga tao dito sa pantalan at sa bayan na tinigilan namin. Maggagabi na pero madami pa ring mga tao ang nasa labas. Ang iba ay tulad naming kabababa ng barko habang ang iba naman ay pasakay at bibyahe pa lang. Madami rin ang mg nagtitinda sa gilid gilid, pagkain, pasalubong at iba pa.
"Dito na tayo magpalipas ng gabi sa bayan. Agahan na lang natin bukas ang pag-alis para mas maaga tayong makakarating doon," ani Caleb na siyang nauunang naglalakad.
Base sa mga kilos niyang walang pag-aalangan ay mukhang kabisado niya ang mga pasikut-sikot sa lugar na ito.
Kumuha siya ng murang kwarto na tutuluyan namin tutal ay magpapalipas lang naman kami ng gabi dito.
Matapos naming makuha ang susi ng tutuluyan namin ay ang agad naming ginawa ni Caleb ay linabhan namin ang aming ilang mga damit na nagamit namin doon sa barko.
Pagkatapos naming mag-ayos ay saka kami lumabas upang humanap ng lu
Ang mga mata ng lalaki ay dumako sa akin. "Sino ka—" Bago ko pa matanong kung ano ang pangalan nito ay hinablot ni Caleb ang kamay ko at walang paalam na kinaladkad ako palabas ng kainan. "Ano ba Caleb! Hindi man lang tayo nakapagpasalamat sa kanila!" wika ko pero wala siyang pinapakinggan. Nang nasa labas na kami ay hinila niya ako sa madilim na eskinita at doon ako pinagalitan. "I didn't like what you did there! Paano kung sinaktan ka nila?!" galit niyang sigaw sabay suntok sa pader. "I know what I'm doing Caleb! Isa pa, paano kung nalaman nila na isa kang lobo? Eh di napahamak ka?" sagot ko naman. "I can take care of myself Lauren! I can protect you! Paano kung ginalaw ka ng mga iyon? May mukha pa ba akong ihaharap kay Dean pag nangyari iyon?" "Eh wala namang nangyaring masama sa akin ah," wika ko upang pakalmahin siya. "That's not the case here! Kasama mo ako Lauren. Alam mo ba ang dahilan kung bakit m
Nasa mundo pa ba ako ng mga tao? Bakit parang lahat ng mga naririnig at nasasaksihan ko ay puno ng mga mahika at hindi makatao? At ang tulay, how in the earth did it appear out of nowhere? The design and details of the bridge is the same as the Mordul's, old yet strong and sturdy. Sobrang kapal at lapad din nito na pwedeng daanan ng sampong tao na magkakatabi. Sa kakaisip ko at dami ng mga katanungan ay hindi ko napansin na tumigil na pala si Caleb sa paglalakad kaya nauntog ako sa likod niya. Tumingin ako sa aming harapan at doon ko napansin ang isang malaking lalaki na walang suot na damit at nakayapak lang din na naglalakad palapit sa amin. Ang kapansin-pansin pa dito ay ang mahaba at sobrang lambot nitong buhok na sumasayaw sa bawat hampas ng hangin. Kulay puti na ang mga buhok nito dahil sa kabila ng tikas ng katawan nito ay mahahalata ng matanda na ito. Malawak ang pagkakangiti niya sa amin habang nilalapitan kami. Para siyang nilalang n
Malayo pa kami sa pintuan ni Caleb pero agad na kaming sinalubong ng mga kasambahay na nakauniporme, pati mga damit nila na pangkatulong ay sobrang elegante rin.Apat silang sumalubong sa amin at halos hindi sila magkandaugaga kung paano kami aasikasuhin."Magandang araw po sa inyo," sabay-sabay nilang wika habang nakapalibot sa amin.Merong kumuha ng duffle bag na nakasukbit sa mga balikat namin, meron ding kumuha sa hawak kong paper bag samantalang ang isa naman ay pinatungan ako ng malaking tuwalya."Naku miss, baka malamigan kayo niyan. Bakit ganyan lang po ang suot niyo?" wika ng pinakamatanda sa kanila.Nagkamot lang ako ng batok. Ganito ba sila dito? Masyadong maalaga sa mga bisita nila?"Pasok po kayo sa loob. Nakahanda na po ang kwartong gagamitin ninyo. Maligo at magpahinga po muna kayo, gigisingin na lang po namin kayo kapag handa na ang hapunan," anila na nauunang maglakad sa amin.Namamangha kong inilibot ang aking mga ma
Nakatingin ako ngayon sa kulay itim na silk dress na nasa ibabaw ng kama.Ibinigay kanina ito ng isa sa mga katulong at sinabing ito raw ang susuotin ko para sa hapunan. Katatapos ko lang maligo and I still have 3O minutes to prepare before the dinner.Sa tingin ko ay sobrang garbo ng magiging hapunan na ito na kailangan pang magsuot ng ganitong damit.Hindi naman ito masyadong magarbo. Simple lang itong tingnan pero sobrang elegante pa rin ang pagkakatabas nito.Kinuha ko na ito at sinuot na. Ayon sa katulong na nagdala sa akin ng damit ay nakauwi na raw ang mga Vaughan. At isa pa sa mga kabilin bilinan niya ay bawal daw ang malate sa hapunan dahil isa raw iyon sa pinakamahigpit na batas dito sa kastilyo. Kaya kahit na madami pa akong oras ay natataranta pa rin ang mga galaw.Never pa akong nalate buong buhay ko. Kung merong mga okasyon ay ako lagi ang unang darating sa event. I'd rather wait than being late. Mas nakakahiya iyong nandun na silang
Tensyonado ako habang mag-isang nakaupo sa napakagandang hapagkainan. Punong-puno ito ng mga iba't-ibang mga klase ng masasarap na mga pagkain na kulang na lang ay kumislap ang mga ito sa ganda ng mga pagkakaplating.Sa gilid naman ay ang mga tagapagsilbi na diretsong nakatayo at handang mag-asikaso sa mga kakain. Liban sa mga sumalubong sa amin kanina na mga katulong na masayahin, ang mga ito ay wala man lang bahid ng ngiti sa kanilang mga mukha at diretso ang tingin sa hangin na siyang lalong nakadagdag sa tensyon na nararamdaman ko.Huminga ako ng malalim dahil parang kinakapos ng hangin ang dibdib ko.Bakit ang tagal namang magbihis ni Caleb? I looked at the time. There's still five minutes before the assigned time of the dinner.I put my phone in silent mode. Sinabihan ko na kanina si Dean na huwag muna siyang tumawag o magtext dahil kakain na kami pero mas mabuti na yung mas sigurado dahil kahit sabihan ko pa siya ay wala rin siyang pinakikinggan mi
"Pwede na bang umalis?" tanong ko kay Christy.Sa tingin ko ay hindi muna ngayon ang tamang oras na pag-usapan ang pinunta namin dito. Sa away na nangyari kanina ay paniguradong hindi maganda ang magiging pag-uusap namin lalo na at mukhang mainit ang dugo sa akin ni Alpha Jaxx."No," maagap na sagot ni Christy. "We can't leave the table unless he says so."Bumuntong hininga ako. I thought that everything will be okay."Just eat and don't mind what you saw. That's natural whenever Falcon is here," sagot naman ng katabi kong lalaki."Yeah. Kumain ka na lang Lauren habang hindi pa bumabalik si Uncle Jaxx. This is not new to us pero dahil hindi ka pa sanay ay mawawalan ka talaga ng gana na kumain pag ganun ang makikita mo," wika naman ni Gio.Nagsitanguhan ang lahat. Bilang ko ay nasa walo silang lahat na magpipinsan kasama na Charlie. Hindi ko pa alam ang pangalan ng iba pero hindi na iyon mahalaga dahil pagkatapos ng lakad ko dito ay aalis na
Pagkalabas ko ay agad kong namataan si ginoong Mateo sa park, kasama si Falcon na parehong nakatingin sa malayo at nag-uusap.Nag-alangan pa ako noong una ngunit nang mamataan ako ni Falcon ay iwinagayway niya ang kanyang kamay upang lumapit ako kaya wala na akong nagawa.I stand beside him and put my arms on the railings as I stared at the water beneath us.The words that Alpha Jaxx said to me finally sink in. Sarili kong ina, ngunit wala man lang akong kaalam-alam tungkol sa pagkatao niya at kung ano talaga siya. And it seems like Dad don't have plans on telling it to me. Paano na lang kung hindi ko nakilala si Charlie? Habang buhay na lang bang maitatago sa akin ang tungkol sa bagay na ito?"I'm sure that Jackson told you about your mother?" simula ni ginoong Mateo."O-Opo," sagot ko."Do you believe him?""I don't know," wika ko kahit na naniniwala talaga ako. I just want to hear the truth coming from him.Huminga ito ng ma
After that night, I haven't saw Alpha Jaxx again. Base sa mga napagtanongan ko ay hindi raw nila alam kung saan ito nagpunta. It's not that I'm concern, I'm just curious.Caleb and I stayed in Mordul for two more days base na rin sa kagustuhan ni ginoong Mateo. Sa loob ng dalawang araw na iyon ay nilibot namin ang kabuoan ng Mordul at masasabi kong sobrang rangya ng pamumuhay ng mga tao dito tulad ng mga Vaughan. Pero sa kabila ng mga karangyaan na mga iyon ay mahahalata pa rin ang pagiging simple nila.I get to know more everyone here in the castle especially my cousins. Nakakatuwa silang kasama, sobra nilang kwela at andami nilang mga kwento na sinabi sa akin, kulang na lang ay paghatian nila ako upang makausap lang."Lauren?" tawag ni Caleb mula sa labas ng aking kwarto."Bakit?""Pakibilisan nang maabot pa natin ang huling biyahe ng barko sa araw na ito. Pinapatawag ka rin ni ginoong Mateo, mukhang may sasabihin sa iyo," aniya."Sige. Pa