Share

Chapter 47

Wala nang nagawa pa si Leon nang hinila ko siya papasok sa loob ng bahay.

Pasalampak siyang umupo sa sofa saka pumikit. He looks stressed and tired. Habang hinahanap ko ang lalagyanan ng mga gamot ay nagsalita si Leon.

"Bakit di ka muna kaya magpalit ng damit," aniya.

Liningon ko siya at nakataas ang isa niyang kilay sa akin. Sabagay, mas mabuti na ang magpalit muna ako ng damit para mas kumportable akong gumalaw-galaw.

"Sige. Magbibihis muna ako saglit," wika ko.

Papasok na sana ako sa kwarto pero nilingon ko ulit si Leon. I eyed him. "Don't you dare try to escape."

Leon rolled his eyes and picked up the remote of the TV. "Yes madam."

Mabilis lang ang ginawa kong pagligo dahil baka pag magtagal pa ako ay mainip si Leon at maisipang tumakbo. Iba pa naman ang takbo ng isip ng isang iyon.

Isang simpleng short at malaking t-shirt lang ang suot ko. Nakayapak lang din ako dahil hindi ko na maalala kung saan ko inilagay ang tsinelas

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status