Jacob's voice is calm now. Wala ng bahid ng galit di tulad kanina na kulang na lang ay sumpain ako at itapon sa kabilang mundo.
"C-Can we talk?" he asked. His voice is soothing and almost pleading.
Natuod ako sa aking kinauupuan. Sa sobrang gulo ng isip ko ay parang nawala na rin si Auntie Divina sa harap ko at ang tangi ko na lang na maririnig ay ang malakas na tibok ng aking puso.
"Lauren.." tawag ulit sa akin ni Jacob.
At base sa boses niya ay nasa likuran ko na siya at naghihintay lang na lumingon ako sa kanya.
My forehead started to sweat. Hindi naman ako natatakot kay Jacob pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Dahil ba sa sobra akong nasaktan dahil sa mga sinabi niya kaninang umaga?
Napapitlag ako nang may tumapik sa balikat ko. Pag-angat ko ng tingin ay naabutan ko si Auntie Divina na nakadungaw sa akin.
She didn't speak. Instead, she gave me a reassuring smile and after that, she went inside the house.
Naiwan kaming d
Pagkarating namin sa bahay ni Jacob ay nakabukas lahat ang ilaw nito pati na sa labas pero ang ikinagulat ko ay ang aking nabungaran. Sa labas kasi ay nagkalat ang mga plywoods, pako at iba pang mga natibag na semento.Nagtataka ko tuloy na nilingon si Jacob na nasa aking tabi. Nagpaayos ba siya ng kanyang bahay kanina habang wala ako?Pagbalik ko ng tingin sa balkonahe ay doon na talaga natigilan. May mga naglalakihan kasi na mga bagahe doon.Sino naman kaya ang bisita ni Jacob?Tatanungin ko na sana siya nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Sebastian na nakangisi."Hey Lauren. Good evening!" bati niya at bahagya pang kumaway.Mula sa kanya ay dumako ang aking tingin sa mga gabundok na mga bagahe."Sa iyo ang mga iyan?" tanong ko saka itinuro pa ang mga gamit."Yep. Flash news Lauren, dito na ako titira!" natutuwa niyang wika.Nalaglag ang panga ko.What? Totoo ba ang narinig ko?Lumabi si S
"Welcome to my room," natutuwang wika ni Sebastian pagkabukas niya ng kanyang kwarto.Bumungad sa akin ang ipinagmamalaki niyang kwarto niya at hindi ko mapigilan ang hindi umawang ang labi.Napapikit ako at sinapo ang aking noo. Ang kwarto niya.. ay sobrang nakakahilo."How was it? It's good right?" aniya na parang batang naeexcite.Napipilitan akong tumango kay Sebastian.Ang kwarto niya ay sobrang makulay at tingin ko ay lahat na ata na klase ng kulay ay nandito. Wala na rin akong makita pa na dingding dahil lahat ng parte niyon ay natatakpan ng mga iba't-ibang klase ng posters. Ang dami rin niyang mga nakadisplay na mga action figures. At susme, pagtingin ko sa kanyang kisame ay lalo akong napamaang. Paano ba naman kasi ay puno iyon ng mga glow in the dark na mga buwan at bituin. At kung hindi ako nagkakamali ay nandun pa sina Peter Pan at Tinkerbell.All in all, ang disenyo ng kanyang kwarto ay pangbata. Bagay naman kahit papaano sa kan
Ilang oras pa lang akong nakaupo at nagbabasa ay nakakaramdam na ako ng pagkabagot.Ibinaba ko ang aking mga papel na binabasa saka nagbuga ng hangin at sumandal sa aking upuan.I really can't stand this kind of job lalo na at iba ito sa mga itinuro ni Koko noon na mga trabaho sa Capitol. May natutunan naman ako pero iba talaga ito, mas mahirap at mas komplikado. Hindi na ako nagtaka dahil nasa ibang mundo ako, mundo na hindi ko kinasanayan.Bukod pa doon ay hindi sanay ang katawan ko na nakatambak lang at walang ginagawa. Paniguradong magkakasakit ako kapag ganito lagi ang gagawin ko. Mas gusto ko ang gumagalaw at laging nasa aksiyon, hindi yung ganito na nakaupo at nagbabasa na parang politiko o negosyante.Bumaling sa akin si Dean nang makita ang pagtigil ko sa aking ginagawa. "What's wrong?" tanong niya."Wala bang ibang pwedeng gawin dito bukod sa mga ito?" tanong ko sabay turo pa sa mga bunton ng mga papel sa harapan namin.Ewan ko kay
Hinayaan ko lang si Dean na pagtawan ako. Di bale at gaganti ako.Pasimple kong inilibot ang aking paningin dito sa loob ng kanyang opisina. Ang mga mata ko ay natigil sa isang halaman na nasa aking tabi. Napangisi ako nang mahulaan ko kung anong klaseng halaman ito.Isang Kalachuchi..Gusto kong matawa dahil sa dinami-rami ng halaman na pwedeng ipalagay ni Dean dito sa loob ng opisina niya ay isang Kalachuchi pa. Iba rin ang taste niya. Well, matitikman na niya ngayon kung ano ang lasa ng kanyang halaman.Mabilis at naging maliksi ang aking galaw sa pagpitas ng mga dahon nito. Inilagay ko ang mga nakuha na dahon sa ibabaw ng lamesa at binilang.Lima.Lihim na akong natatawa. Dinikdik ko na ito ng mabuti upang lumabas ang lahat ng katas nito para mas mapait. Nang matapos ay inilagay ko na ang katas ng Kalachuchi sa natimpla kong kape ni Dean. Isinama ko na rin ang dinikdik na dahon para mas masaya. Mabuti na lang at lumubog ito at hind
Todo ang ngiti ng babae habang lumalapit siya sa akin.Ngayon ko lang siya nakita dito. Noong una ko kasing punta dito ay wala siya at hindi ko nakita.She doesn't look like a teacher though."Hi there! Lauren right?" aniy nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin.Tumango ako."Yeah."Agad kong natunugan ang accent ng kanyang salita. Mukhang hindi nga siya lumaki dito sa bayan ng Magnuth, o kung lumaki man dito ay paniguradong naglagi siya ng matagal sa ibang bansa.I know that it's rude to talk to her while I'm riding on the back of my horse so I decided to get off.Pagkababa ko ay agad niyang inilahad ang kanyang kamay at ipinakilala ang kanyang sarili."My name is Amanda. I am the school's Principal," pakilala niya.Oh. Principal huh? Kaya pala ganun ang suot niya.Inabot ko ang nakalahad niyang kamay. "Lauren. It's nice to meet you," pakilala ko pa rin kahit kilala na niya ako.Siguro ay sinabihan na siy
Maraming ipinakita sa akin si Amanda na mga klase ng pagsasanay ng mga estudyante. Papunta na kami ngayon sa pangkat ng close combat.Habang naglalakad kami ay lumilipad ang aking isipan tungkol sa pinag-usapan namin kanina ni Amanda tungkol sa pagkakaroon ng lakas na katulad nila.It's true that I really envy their strength and abilities but that's all. It's just a kind of envy that doesn't harm any, envy and admiration. I won't stoop so low just to get marked by a wolf that isn't my mate. And maybe I'm not one of those lucky human girls to get a wolf mate.I'm envious but I'm not delusional to the point to do things that is against the nature. Kung ano man ang meron ako ngayon ay kontento na ako. Hindi ako magkakandarapa para magkaroon lang ng lakas na katulad nila.Nagising ako mula sa aking malalim na pag-iisip nang makarinig ako ng mga pagsigaw."That's damn wrong! What kind of posture is that?! You'll get beat in an instant if you keep
Sunod-sunod ang mga atake na pinapakawalan ni Brandon. Sobrang bilis at pulido ng bawat galaw niya. I finally understand what Amanda said about Brandon. Malaki siyang tao at sobrang laki pa ng kanyang mga kamao kaya halos doble ang lakas ng pwersa na binibitiwan niya.Hiyawan at sigawan ang naririnig ko habang walang tigil akong inaatake ni Brandon.At dahil hindi pa ako makaporma ay ang tangi ko lang na ginagawa ay iniiwasan at sinasangga ang bawat atakeng pinapakawalan niya.Kahit na umaatake na siya ay kita ko na lagi pa rin siyang nakadepensa kaya nahihirapan akong makakita ng pagkakataon na umatake sa kanya."What's wrong little kitten? Are you just going to avoid and block all my attacks? Come on, show me something interesting," pang-aasar niya.Hindi ko binigyang pansin ang patutsada niya sa akin. He can blab all the way he wants but I won't give him the satisfaction that he wants.Nagpatuloy lang sa ganun ang aming laban hangga
Malakas na napamura si Brandon sa ginawa kong pag-umpog ng aking ulo sa kanya. Sapo-sapo niya ang kanyang noo habang parang wala sa sariling napapaatras. Sa tingin ko ay nahihilo siya dahil sa mariin niyang pagpikit at sa pasuray-suray niyang pag-atras.Sinapo ko rin ang aking noo dahil pakiramdam ko ay nahihilo ako.Heck. Where did I get that move?Umaalog ang paningin ko at sa tingin ko ay pati utak ko ay naalog na rin. Sa nanlalabo kong mga mata ay nahagip ko ng tingin si Brandon na papalapit na muli sa akin.Nahihilo pa siya pero alam kong marami pa siyang nakaimbak na lakas upang muli akong sunggaban ng mga suntok.Damnit. How am I suppose to get out from this fight? I'm at my limit here. So far ay ito ang pinakamatagal na physical combat na naranasan ko dahil sa wakas ay nakatagpo na ako ng taong papantay sa akin at humigit sa kakayahan ko. Dito ko pala sa Magnuth makikita ang taong iyon.Gusto ko mang tumakbo palayo kay Brandon pero w