Share

Chapter 43

Nanatili lamang akong nakaupo rito sa dining area nang magpaalam si Hayes upang magpalit ng damit dahil ihahatid niya ako at pagkatapos ay diretso na siya sa trabaho. Kitang-kita ko ang pagiging kuryoso ng ilang kasambahay na pumapasok. Naaasiwa ako at tuluyan nang hindi naging kumportable. 

Mas lalo akong inatake ng kaba nang makita ang pagpasok ni Donya Herenia na naka-itim na mahabang roba. Umangat ang kaniyang kilay nang matanaw ako. 

Nanginig ang mga tuhod ko nang tumayo ako upang magbigay galang sa kaniyang pagdating. 

"G-Good morning po, Donya Herenia." Nanuyo ang aking lalamunan.

Umasa ako ng kahit na tipid na ngiti mula sa kaniya ngunit nanatili lamang malamig ang kaniyang ekspresyon. Umupo siya sa kabisera na para bang hindi narinig ang aking bati. Nilubayan ako ng aking kaluluwa. 

"Morning," aniya nang hindi ako sinusulyapan bago inutos ang isang ka

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status