Share

Chapter 46

Kinagat ko ang labi ko at marahas na pinalis ang luha na kanina pa nagbabadya.

Hindi ko alam ngunit sobrang apektado ako sa mga narinig mula kay Zanila. Bawat salita ay tagos sa puso ko na nagsilbing bala para makaramdam ako ng pagdurugo. 

Dala-dala ko ang pag-uusap namin ni Zanila hanggang sa mga sumunod na araw. Kahit anong gawin ko ay hindi iyon mabura sa utak ko. 

"Ba't hindi mo ibenta 'yang mga painting mo nang mapakinabangan naman natin. Sayang naman kung 'tong kwarto mo lang ang nakakakita!" si Tita Margaret. 

Binaba ko ang kamay ko mula sa canvas. Sumulyap ako sa kaniya at ngumuso.

"Ayaw ko naman pong ibenta kung hindi ako satisfied sa mga ito. Tsaka may kulang pa." Nagkibit-balikat ako at tinuloy ang pagdampi ng paint brush sa canvas.

"Ano ka ba! Ang galing mo kayang magpinta. Kahit ako na hindi mahilig sa ganiyan ay namamangha pa rin

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status