Share

Chapter 2: Apologize

Hindi mapakali si Yenna sa kakaisip sa ginawa niya sa lalaki at hindi niya rin alam kung bakit niya ito pinalo. "What the fuck Yenna! Look what you've done!" Sigaw niya at sinabunutan ang sariling buhok.

"Yenna, it's already 1:30 a.m can you stop blaming yourself?matulog ka na." Saway sa kaniya ng Roommate niya na Isang CCA (Call Center Agent) katabi niya lang ito ng kama kaya rinig siya nito.

"Reivy?" Tawag niya rito mas matanda ito sa kaniya pero ayaw nito na tinatawag siyang ate kaya nasanay na siyang pangalan lang ang itinatawag rito, sumagot ito sa pamamagitan ng antok na boses at humarap habang nakapikit pa."What will you do if you've done such thing na hindi mo naman sadya?" Tanong niya rito at nag mulat ito ng mata at tinignan siya na parang hindi makapaniwala.

"You're not a kid anymore Yenna."panimula nito at umayos ng higa. "When you've done such thing that you're not meant to hurt someone, then apologize. Apologize Yenna. That's it." 'yon lang sinabi nito at tumalikod na upang matulog Hindi na niya ito tinanong pa dahil baka may pasok pa ito mamaya.

"Hay!Ngayon tuloy obligado pa ako mag sorry sa ka baliwan ko!" Inis niya na sabi at nag talukbong ng kumot. "Konsensiya ko pa ngayon!" Napahingang malalim nalang si Yenna at nag disisyon na humingi ng tawad sa lalaki kapag nakita ito.

Maaga nagising si Yenna at nag punta sa paradahan ng Taxi upang antayin ang lalaki. 

"Nasaan na kaya 'yon?" Bulong niya 7:30 na ay wala pa ito kaya nag antay pa siya ng 15 mins dahil baka late lang ito pumapasok at tama nga siya dahil na kita niya ito sa waiting area na naka headphones. 

"Okay, Yenna kaya mo ito!" Pagpapalakas Niya sa loob upang lapitan ang lalaki, first time Niya itong gagawin kaya kinain niya ang buong kahihiyan niya para mag sorry rito. 

Agad nilapitan ni Yenna ang lalaki na mukhang walang Nakita dahil Hindi siya nito pinansin. Iilan lang ang tao sa waiting area at mag kakalayo pa kaya hindi sila napapansin ng mga ito.

"Hey?" Bungad niya ng tumabi siya rito pero wala itong sinagot siguro hindi siya nito naririnig dahil sa suot na headphones kaya nag punta siya sa harap nito at nag senyas na tanggalin ang headphones pero tinignan lang siya nito at nilagpasan upang sumakay ng Taxi.

"Napaka sungit!" Inis na bulong ni Yenna.  "Akala mo kung sinong gwapo, Hindi naman." Dagdag pa nito. "Papahirapan pa ako, pasalamat siya mag sosorry pa ako sa kaniya." Bulong nito habang nag lalakad pasakay sa Taxi.

Habang nag lalakad papasok ay nakita niya ulit ang lalaki at tumakbo siya para sabayan ito na hindi naman siya pinansin kaya tinanggal niya ang headphones nito kaya napa tingin ito sa gawi niya.

"H-Hi?" Medyo nahihiya na sabi ni Yenna na nag wawave hands pa pero tinignan lang siya Ng lalaki na parang naboboring ito. "I just wanna say sorry for hitting you yesterday." Sabi nito pero tinalikuran lang siya nito at nag lakad na ulit.

"Hey! Wait!"

Hinabol ulit ito ni Yenna at sinabayan hindi niya ito gawain pero ginagawa niya dahil sa konsensiya niya."Nag sosorry na nga ako bakit ayaw mo parin tanggapin?" Tanong ni Yenna na parang dapat ay matuwa ang lalaki na nag sosorry siya.

"Iba nalang ang guluhin mo." Bulong nito na rinig naman niya kaya kinunutan niya ito ng tingin. 

"Duh!?I don't do that thing! Pasalamat ka nga nag sosorry ako at kinukulit kita pa kita na patawarin ako eh!" Pagyayabang niya rito. "Ikaw palang ang kinukulit ko at Ikaw palang ang matigas na taong nakilala ko." Sabi niya at nahinto naman ang lalaki at tinignan siya.

"You don't know me." 

Pagkasabi nito nun ay humiwalay ito nang direction papaunta sa room nila. "Hey! Hindi d'yan ang room natin!" Tawag niya rito pero hindi siya nito pinansin. "May mali ba sasinabi ko?" Pagtatakang bulong ni Yenna at nailing na naman sa inis dahil panibagong dahilan na naman pra mag sorry dahil sure ito na hindi na naman papasok ang lalaki at konsensiya niya na naman.

"Bakit ba kase ang sensitive masyodo ng lalaki na 'yon?" Bulong niya sa rili habang inis na naupo sa chair niya wala pa ang first subject nila kaya magulo ang room nila dahil sa mga nakatayo at nag kukwentuhan.

"What happened to you Yenna?" Tanong Ng kaibigan na nag aayos. "Did you already apologize?" Tanong nito ulit pero umiling lang siya.

"I saw him earlier and I tried to apologize to him but he walked out!" Sabi niya at nakunot ang noo ng kaibigan niya. "I didn't say anything that can hurt him." Depensa niya agad 

"Then why he walked out? What did he say." Curious na tanong ni Allison at inalala naman ni Yenna ang sinabi nito sa kaniya bago ito tumalikod at umalis.

"You don't know me. That's what he said." Sabi niya at nag taka naman ang kaibigan nito. "Ang Sabi ko lang naman ay siya lang ang matigas na taong nakilala ko." And for her there's nothing mean about that.

"Try to apologize nalang ulit if you saw him again because I think may bagong reason ka to say sorry to him." Sabi ng kaibigan nito at napa buntong hininga nalang ito dahil kapag Hindi siya napatawad nito ay guguluhin siya ng konsensiya niya panigurado.

Hanggang sa matapos ang class nila ay hindi pumasok ang lalaki hinanap din ito ng ilang teacher nila pero walang may alam kung nasaan ito.

"I'm curious about the cute guy, he's handsome but he cutting classes? Agh, so sayang! I want to see his face kaya!" Sabi ng kaibigan na parang nag dadabog sa daan.

"Crush mo ba 'yon?"pag tataka na parang hindi makapaniwala na tanong sa kaibigan pero umiling lang ito na naka ngiti. "Then, why are you keep on finding him?" Takang tanong niya 

"He's cute and I like him for you kaya! I've never seen you with a man and he's the right one for you!" Sabi nito at parang gusto nalang ni Yenna sabunutan ang kaibigan. "Yenna look, Mukha siyang mabait and I think he's just having a hard time to communicate that's why he's like that." Sabi pa nito at napailing nalang siya sa pinag iisip ng kaibigan.

"Ewan ko sayo Allison, Tara na nga masyodo kanang malala mag imagine." Iniwan niya ito dahil ayaw pa mag lakad pero agad din naman na humabol sa kaniya. "Hey! Yenna, why you don't like him? You look good together kaya!" Kinikilig pa na sabi nito pero sinungitan niya lang ito.

Hanggang sa magkahiwalay sila ay patuloy sa pang aasar sa kaniya si Allison na kinukunutan niya lang ng noo. Ganito ito tuwing may gusto siyang tao para sa akin. Hindi Naman siya naiinis dahil alam niya na malabo na mag kagustuhan sila ng lalaki dahil iba ang tipo niya sa Isang lalaki. At sure siya na hindi ang baliw na 'yon ang gusto niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status