Share

Chapter 11

 

 

SINALUBONG ni Martin si Gieselle nang lumabas na ito ng kwarto. Sabado na at kagaya ng napag-usapan nila'y pupunta sila sa kaarawan ni Adrian. Kinuha kaagad ng lalaki ang dala niyang bag lalo't may kabigatan ito.

"Ingat kayo mga apo," kumakaway na sabi ni Lola Carmen nang ihatid sila sa labas.

Hindi na niya kailangang pilitin ito upang payagan siya sa dadaluhang kaarawan lalo't si Martin naman ang kanyang kasama.

"Pwede kang matulog habang nasa biyahe pa tayo," sabi ng binata nang medyo nag-preno ito sa may rotonda.

Disiplinadong driver iyon ang napansin niya sa lalaki. Dahan-dahan namang pinausad nito ang sasakyan at sobrang gwapo lang nito habang nagmamaneho.

Naka-itim na fit T-shirt at cargo shorts, pinarisan ng topsider shoes. Itinatago ng suot na rayban ang mapilantik na pilik-mata pero kitang-kita niya ito mula sa inuupoang passenger seat. Napakapit tuloy siya ng mahigpit sa seatbelt dahil baka masunggaban niya ito.

"No. Ang unfair naman kung tutulugan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status