Share

Chapter 18

 

 

PAGOD na hinubad ni Gieselle ang suot na stiletto pagpasok niya sa sariling condo unit. Nanlalanta niyang ibinagsak ang katawan sa sofang nasa sala at inilapag ang bag sa center table. Hindi na siya nag-abalang buksan ang ilaw at nagkasya na lamang sa liwanag ng mga katabing gusali na tumatagos sa salaming bintana.

Bumuntong-hininga siya habang minamasahe ang noo. Nasa ganoong posisyon siya nang tumunog ang cellphone kaya pagod niyang kinalkal ang bag para sagutin kung sinuman ang tumatawag.

"Hi, Mom," halata sa boses niya ang pagod nang sagutin niya ang kanyang mommy.

"Kumusta na, 'nak? Alam kong pagod ka at siguro'y kakauwi pa lang mula sa trabaho. Pasensiya na't wala kami riyan para maalagaan ka. Pumunta ka na kasi rito sa Canada at nang magsama-sama na tayo," saad ng kanyang mommy.

"Tungkol nga pala kay Tiya Carmen, malapit na ang second death anniversary niya, uuwi ka ba roon?" Halata ang kalungkutan sa boses ng kanyang mommy.

Matagal siyang nanahimik bago
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status