Share

Chapter 20

 

 

"GOOD evening, Gieselle," bati ng kaharap sa kanya. Tumayo ito at inilahad ang kamay.

Tinitigan lamang ni Gieselle ang kamay ni Martin. Tila nag-aanyaya ang mahahabang daliri nito at magagandang kuko. Kalaunan, tinanggap niya rin ang pakikipag-kamay. Naisip niyang hindi naman tama kung papakitaan niya ng hindi maganda ang lalaki. Baka isipin pa nitong ang bitter niya at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakaka-move on.

"Good evening too," hindi mababakasan ng kasiyahan o kasabikan ang kanyang boses.

"Have a sit, please." Pinaghila siya ng upoan sa katapat na silya nito.

Mahinhin siyang umupo at inilagay ang handbag sa kanyang kandungan. Inayos ang buhok saka bahagyang binasa ang pang-ibabang labi.

"Order muna tayo," nakangiting turan nito saka inilipat ang mata sa menu.

"Actually, nagmamadali ako kaya let's make this meeting brief and short."

Natigilan ang lalaki at ibinaba ang hawak na menu.

"Hindi ba pwedeng mag-dinner muna tayo bago pag-usapan ang condo u
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status