Share

Chapter 27

 

 

MAG-ISANG pumunta sa supermarket si Gieselle ngayon upang mag-grocery. Hindi na niya isinama si Ate Toyang dahil marami itong labahin. Kung magkakanya-kanya sila ng gawain mas marami silang matatapos.

May kahabaan na ang pila sa counter at ilang minuto pa ang kanyang hihintayin.

May pumila rin sa kanyang likod kaya nilingon niya kung sino iyon.

Natigilan siya nang makita na mommy ito ni Martin. Ang liit-liit ng kanilang mundo at madalas na silang nagkikita.

Bahagyang ngumiti ang ginang ngunit hindi na niya ito sinuklian pa. Iniwas ang tingin at tahimik na nakatayo sa kanyang puwesto.

Na-conscious siya at gustong humarap sa salamin. Pero napagtanto rin kaagad kung bakit naman niya gagawin 'yon? Naalala niya ang pakiusap nito noon na lumayo kay Martin at natupad naman niya 'yon.

Wala siyang pagkukulang at choice na niya ngayon na hindi pansinin o kilalanin ito.

Tumikhim ang ginang pero hindi niya pa rin nilingon.

"Hi, Gieselle. Kumusta?"

Kinilabutan siya nang m
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status